Chapter 25

35 2 0
                                    

"Dito na lang tayo." Hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin na para bang any moment ay pwede akong mawala.

Kahit nakatago ang buwan sa mga ulap at ang tanging liwanag lang namin ay ang mga ilaw sa poste at puno, alam kong kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ko.

Gusto ko na lang isiksik ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa kahihiyan.

Kung hindi siya tumigil sa ginagawa niya kanina sa leeg ko ay baka hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

I never thought of us this way. Sapat na sa akin na magkasama kami at nagkakausap. Iba pala kapag nandoon ka na mismo sa moment.

"I'm sorry. Dumudugo ba?" Marahan kong hinaplos ang braso niya dahil napadiin yata masyado ang kuko ko. Ramdam na ramdam ang bakat doon.

Umiling siya at sumilay ang ngiti sa mga labi. "Hindi dumudugo pero masakit."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi kailangan pang dumiin ang hawak ko? Ano bang nangyari at nawawala ako sa sarili ko kapag hinahalikan niya ako? Ganoon ba talaga dapat? Parang nanlalambot lahat sa akin.

Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para mawala ang sinasabi niyang masakit. Mahapdi kaya?

"Ikiss mo na lang para mawala," panunuya pa niya na para bang nababasa ang nasa isip ko.

Napahampas tuloy ako sa braso niyang masakit. Kasi naman, e!

"Come here." Hinila pa niya ako palapit sa kaniya at niyakap mula sa likod.

Nakasandal na ngayon ang likod ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang marahang pagtaas-baba no'n at ang hininga niya sa tenga ko.

Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung komportable siyang wala kaming pinag-uusapan dahil ako, hindi.

Wala akong ibang mapuna kundi ang init ng balat niya sa balat ko. Pati ang simpleng paghaplos ng mga daliri niya sa kamay ko ay pansin na pansin ko pa! Bawat galaw niya ay pinapakiramdaman ng buong sistema ko.

"Nag-enjoy ka ba sa second gift ko?" he asked, sounding so full of himself.

"Sonnet!" Agad kong tinakpan ng mga palad ko ang mukha ko sa kahihiyan. Bakit ba kailangan niya laging ipinapaalala ang nangyari kanina?

Pigil siyang tumawa at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.


Ilang araw pa kaming halos ganoon lang ang gawain. Kung hindi nagkukwentuhan ay magkasamang naglalakad sa dalampasigan. Mabuti na rin na kasama namin madalas sila Kuya Ali dahil natatakot akong maiwan na naman kaming dalawa ni Sonnet sa iisang lugar.

Nakahinga rin ako nang maluwag dahil wala namang nakahalata na parehas kaming nawala ni Sonnet ng gabing 'yon. Walang nakakita sa amin pero kung meron man ay wala namang nagtanong.

Hinuhuli ko rin ang mga tinginan ni Summer dahil alam ko na ang galaw niya kapag may nalalaman siya. Pero mukhang wala naman.

Either that or masyado lang siyang nakatuon sa sarili nilang mundo ni Kuya Ali.

"Anong magandang kainin mamayang gabi?" tanong ni Kuya Cart habang nag-iikot-ikot kami sa palengke.

Nandito kami ngayon sa bayan para bumili ng mga kakainin mamayang gabi. Napagdesisyonan namin na magbonfire na lang para sa ikalimang araw namin sa resort.

"Marshmallow!" sabay naming hiyaw ni Summer, parehas namimilog ang mga mata.

Halata naman ang pagkadismaya sa mukha ng tatlong lalaki pero kumuha rin naman sila ng dalawang supot ng malalaking marshmallow. Marami pa silang kinuhang junkfoods pero mas nanlaki ang mga mata ko nang kumuha pa ng alak si Kuya Ali.

Dis-Engagement ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon