Halos bantayan ko ang takbo ng oras buong araw para lang dumating ng mabilis ang alas onse ng gabi.
Lahat na yata ng pwede kong pagkaabalahan para lang hindi ako ma-focus sa oras ay sinubukan ko ng gawin. Pero habang gumagalaw ako, mas lalo lang akong na-reremind ng tunog ng relo.
"Tanghalian na!" aya ni Kuya Ali at Summer dahil silang dalawa ang nakatoka sa pag-aayos ng pagkain sa cottage malapit sa dalampasigan.
Si Daddy at Tita ang nag-ihaw ng mga seafoods. Kami naman ni Kuya Cart ang naghanda ng mga sawsawan. Si Sonnet naman ang nagligpit ng mga kalat.
Pinipigilan kong makita niyang natatawa ako sa hitsura niya dahil kanina pa masama ang tingin niya sa Kuya Cart niya. Gusto niyang siya ang kasama kong naghihiwa ng mga kamatis at kalamansi kaso iisa nga lang ang kamay niyang pwede.
"Mukhang totoo na 'yan, Liv," bati ni Kuya Cart habang malimit na sumusulyap sa akin.
Nakagat ko agad ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang ngiti. "Ah... Siyempre, Kuya. Ngayon mo lang nahalata?" sagot ko naman.
Hindi ko alam kung kumbinsido siya sa sagot ko dahil sinabi ko lang naman 'yon para hindi siya magduda na ngayon lang talaga kami naging ganito ka-close ni Sonnet.
Pero totoo na talaga 'to at 'yon ang totoo.
Masayang-masaya ako na ganito na kami ni Sonnet. Pwede pala kaming magkasundo. Pwede ko palang maramdaman ang ganitong pagmamahal galing sa kaniya.
Nagsimula na kaming kumain at naging rules namin ang hindi paggamit ng kutsara't tinidor dahil hindi bagay sa ulam. Sa una ay naninibago sila Kuya Cart at Tita dahil mukhang first time nila samantalang kaming lahat ay gamay na.
Naalala ko tuloy noong nagpunta kami sa probinsya nila Summer. Ang saya bumalik doon lalo sa ganitong panahon.
"Pinapahirapan niyo ba talaga ako?"
Napalingon kaming lahat kay Sonnet na nakabusangot na dahil hindi niya makuha ang pagkain niya nang maayos.
"Ay sorry, anak. Halika, subuan ka ni Mama."
Akala namin ay nagbibiro lanh si Tita pero totoong lumapit agad siya sa tapat ni Sonnet at sinubuan nga!
Sa una ay nag-aalangan siyang ngumanga pero kalaunan ay ginawa na rin niya dahil gutom na siya.
Natawa kaming lahat dahil namumula siya sa kahihiyan. Bukod sa ang laking damulag na niya para subuan pa, hindi pa marunong magsubo ng nakakamay si Tita kaya ang mga kanin ay nagkalat sa pisngi ni Sonnet.
"Ganyan ka kakalat kumain noon, Son," pang-aasar pa ni Kuya Cart.
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang tanghalian namin. Nang matapos ay nagtulong-tulong kami sa pagliligpit at paglilinis ng mga pinagkainan.
Napagdesisyonan namin na magpahinga sandali sa cottage bago magswimming. Pero kalaunan ay nakatulog ang mga lalaki kaya naman sinulit naming tatlong babae ang pagtampisaw sa dagat sa tapat lang ng cottage.
Tita pushed us to wear our bikinis pero hindi ko ginawa dahil nahihiya ako. It would be my first time ever to wear a bikini kung sakali. Kahit pa natutulog pa sila Kuya Ali ay naririnig ko na ang magiging sermon niya sa akin.
Showing too much skin is a sin.
Pero dahil mapilit si Tita, sinuot ko na rin pero pinatungan ko ng shorts at maluwang na cropped top.
Summer, on the other hand, wore a beach dress na hanggang sa taas lang ng tuhod.
Napangiti ako nang makita na mas tago pa ang balat niya kaysa sa akin. Takot siguro siyang mapagalitan din ni Kuya!
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...