Nagising ako sa maligamgam na bagay na marahang dumadampi sa mukha ko. Paulit-ulit at pabalik-balik.
I opened my eyes at nang luminaw na ang paningin ko mula sa pagkakagising ay tumambad sa akin ang naka-school uniform na si Sonnet.
Hindi niya yata napansin na gising na ako dahil nakatuon na ang atensyon niya sa kamay at braso ko. 'Yon naman ang pinupunasan niya ng basang bimpo ngayon.
Lunch na ba? Kakauwi niya lang kaya? Sabi niya sabay kaming kakain, e.
"Rain dance pa more," bulong niya. "Hindi pala weak, ah? Tss." Mahina pa siyang natawa sa sarili niyang pamimwisit at napailing pa.
Pinagtatawanan ba niya na nagkasakit ako sa pagtampisaw sa ulan? Aba! Idea niya 'yon, inoohan ko lang! Kasalanan niya kung bakit hindi ako nakapasok!
"Nag-eenjoy ka naman tsumansing dyan?" pang-aasar ko.
Pinandilatan naman niya ako nang nakangisi at sumenyas pa siya sa gawing likod niya. Napakagat na lang ako sa labi ko nang matanaw ko doon si Manang Sita.
Nasa pinto lang pala siya! Nakatayo siya doon at pinapanuod kaming dalawa. Para naman akong bilanggo nito na may dalaw. Kailangang bantay-sarado talaga? Bilin ba 'yon ni Daddy?
"Sa baba na kayo kumain," utos niya at tumalikod na. Akmang aalis na siya pero humarap ulit, may nakalimutan sigurong sabihin. "Wag niyo itong isarado." Binukas niyang mabuti ang pinto nang hindi inaalis ang paningin sa amin. After that, she left.
Nagkatinginan kami ni Sonnet nang parehas nakakunot ang noo.
What was that all about?
Sabay na lang kaming natawa sa attitude ni Manang. Ano bang akala niyang gagawin namin dito?
"Nahihilo ka pa ba?" tanong ni Sonnet.
"A little." Bumangon ako nang bahagya para umupo. Nakasandal pa rin sa unan ang ulo ko.
"Gusto mo dito na lang kumain? O kaya mo nang bumaba sa dining?"
Napakunot ang noo ko at sumingkit ang mga mata sa pagkikilatis sa kaniya.
Bakit ang bait ng isang 'to ngayon? Anong meron? At bakit kailangan niya pang mag-cutting classes para lang sumabay sa aking mag-lunch? Something's not right.
"Umamin ka nga," panimula ko, "may kailangan ka sa akin kaya ka nandito, 'no?"
"Huh?"
"Nandyan na sila Daddy kaya ka nagbabait-baitan diyan, 'no?"
Tumaas ang isa niyang kilay. "Nasa work pa sila. Anong sinasabi mo?" Lukot-lukot na ang mukha niya.
I crossed my arms. "Bakit gusto mong sumabay mag-lunch sa akin? Bakit ka umuwi nang maaga?"
"Bakit nga ba?" Mapaglaro pa siyang ngumiti sa akin. Nagtaas-baba pa ng kilay.
"Siraulo ka!" Hinagis ko sa kaniya ang basang bimpo per nasalo niya naman agad.
"Hindi kami kumpleto kaya dinala ko na lang dito sa bahay 'yong mga kagrupo kong nakapasok."
"Ano?!" Talaga bang nahihibang na siya?! Hindi ba niya alam na uuwi na sila Daddy at Violet ngayong araw? Talagang dinala niya pa rito si Phoenics?!
"Wag ka na magselos. Wala naman si Nix," sagot niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko. Tumawa pa siya nang nakakaloko. "Besides, hindi naman kami magtatagal."
Napakagat ako ng labi sa sinabi niya, bahagyang nahaluan ng humor ang utak ko. What did he mean when he said kami? Sila ng mga ka-grupo niya dito sa bahay o sila ni Phoenics?
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...