Chapter 21

30 2 0
                                    

"Okay ka lang?" tanong ni Caspielle pagkatapos ng ilang minutong byahe. Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon dahil simula pag-andar ay ipinikit ko na ang mga mata ko.

Natatakot akong hanapin ko sa likod o gilid si Sonnet dahil sabi niya susundan niya ako.

Hindi rin naman nakakatulong na nakapikit ako dito dahil naglalaro lang ang imagination ko kaya minabuti ko ng dumilat at yumuko lang.

"Okay lang naman ako. Nahihilo lang."

"Gusto mo huminto muna ta--"

"NO!"

Nagulat si Cas sa reaksyon ko kaya naman inulit ko ng mas malumanay. "Sigurado kang okay ka lang?"

Tumango ako ng dahan-dahan at sinandal na lang ang ulo ko sa head rest. "Cas, have you ever fallen in love?"

Natawa siya sa biglaan kong tanong pero proud pa rin siyang sumagot. "Nope. I don't fall in love. I make love."

Napalingon ako agad sa sinabi niya at nag-init ang pisngi sa kahihiyan. Oo nga pala, laki siya sa America at masyadong liberated pati bunganga!

"Joke lang," bawi niya. "Hindi pa ako nagmamahal ng katulad sa mga Pinoy movies. Pero may gusto akong babae ngayon."

"Talaga?" Nakuha na niya ang buong atensyon ko. "Gaano na katagal?"

He shrugged. "Siguro tatlong bwan na."

"Medyo matagal na rin pala."

"Yup."

"Alam ba niyang gusto mo siya?"

Mapaglaro ang ngiti niya nang tapunan niya ako ng tingin. "Hindi ko alam, e. Alam mo ba?"

"Ha?"

Hindi na siya sumagot. Tumawa na lang siya nang tumawa doon. "Napaka-cute nong crush ko na 'yon. Ang sarap niyang ilagay sa locket."

Inirapan ko na lang siya at nagtanong pa ulit. "Totoo bang masakit kapag hindi ka gusto ng gusto mo?" Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

Bakit ba tinanong ko pa? Nararamdaman ko naman na masakit pero pinapamukha ko pa talaga sa sarili ko.

"Masakit," sagot niya. "Pero umaasa ako na isang araw, makikita niya ako kung paano ko siya nakikita."

Pinagmasdan ko siyang magmaneho nang nakangiti. Kakaiba rin 'tong si Cas, e. Hindi na nga siya gusto pero umaasa pa rin siya.

"Kailan ka titigil na magkagusto sa kaniya?"

"Kapag sinabi na niyang may gusto siyang iba at may pag-asa sila."

Parang mas lalo akong nanlumo doon. Dapat pala talagang tumigil na ako dahil kahit sabihin pa natin na wala si Phoenics ngayon, anong kasiguraduhan na hindi na siya babalik? At kung bumalik man siya after how many years, anong kasiguraduhan na hindi sila magbabalikan ni Sonnet.

"Ang lalim yata ng iniisip mo," bulalas ni Cas. "Bakit? May gusto ka na ba?"

Tipid akong ngumiti sa kaniya at lumingon sa bintana.

Doon ko lang na-realize na nandoon nga pala ang side mirror na iniiwasan ko.

Nakita ko si Sonnet. Nagmamaneho ng single. Nakasunod sa akin. Kumaway siya pero inalis ko kaagad ang tingin ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil para itong papel na nilalamukos.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

"Okay ka lang? May masakit ba, Olivienne?"

Pinilit kong punasan ang mga luha kong sunod-sunod ang pagpatak. Bakit ba ako umiiyak? Wala naman akong problema kanina. Bakit biglang ang sakit-sakit?

Dis-Engagement ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon