Ano bang sinasabi niyang tulungan ko siyang magkabalikan sila ng ex niya? Nahihibang ba 'tong si Sonnet?
"Teka, Liv. Sandali. Uwing-uwi ka ba?" Dinig na dinig ang mga hakbang niyang humahabol. Pero imbes na huminto ay nagmadali pa ako lalo maglakad papunta ng parking.
Alas nueve na ng gabi at iilan na lang ang mga sasakyan na naka-park pa. Mabuti na lang at maliwanag dito kahit pa nakatago ang buwan ngayon sa mga ulap.
"Baby."
Padabog akong huminto at hinarap na siya. "Pwede ba? Kilabutan ka nga sa kabe-baby mo!"
He just shrugged. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag sa balikat niya. Nakangiti na naman siya. Talagang masayang-masaya siyang ginugulo ang buhay ko, 'no? "Sige na. Help me get back with her."
I crossed my arms. "Ano namang pakialam ko sa inyo? Saka, teka nga lang. Bakit ba ako ang hinihingan mo ng tulong? Close ba tayo?"
"Aba." Napabuga siya ng hangin. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Baka nakakalimutan mong tinutulungan kita sa pagpipigil ng kasal nila Mama?"
"So, nanunumbat ka niyan?"
"Oo!" walang pagdadalawang-isip niyang sagot. Wow. "Bakit? Akala mo ba libre 'yon?"
Tumahimik ako at sinamaan na lang siya ng tingin. Hindi ko siya maintindihan. Bakit parang ang gulo ng nangyayari? Ano ba talaga ang trip niya?
"Akala ko gusto mo rin silang paghiwalayin kaya nagdecide tayo ng ganito," sabi ko.
Tinitigan niya ako nang seryoso. Para na namang nangungusap ang mga mata niya. "Tinutulungan kita sa plano mo. In return, I'm asking for your help."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Ko? Bakit plano ko na lang? Anong nangyari sa Date me, Olivienne niya? Hindi ba't siya naman ang nagsimula nito? I mean, oo, ako ang mastermind. Pero siya naman ang nag-insist!
Gusto ko pa sana siyang tanungin pero nagsuot na siya ng helmet. Seryoso na naman ang mukha niya. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon.
Hindi kaya palihim silang humihipak sa conference room? Tss. Malabo. Talagang iba lang ang trip ng isang 'to.
Umangkas na lang din ako sa motor at inayos ang sarili.
Bumyahe kami nang walang imikan. Masyadong tahimik ang kalsada. Tanging hangin lang at tunog ng motor ang naririnig ko. Idagdag pa ang ingay sa isip ko. Punong-puno ng katanungan. Gulong-gulo ako sa mga desisyon ni Sonnet sa buhay.
Kung hindi talaga niya gustong maghiwalay ang mga magulang namin, bakit niya ako tinutulungan sa plano? Pero kung gusto naman niya silang mapaghiwalay, bakit kailangan ko pa siyang tulungan na magkabalikan sila ni Phoenics? Anong pakialam ko sa kanila? At kung tutulungan ko man siya, ano naman ang magagawa ko?
Hindi ko talaga maintindihan ang logic ng isang 'to, e.
Nang makarating kami sa bahay ay nanunuod pa silang lahat sa sala. Nakaupo silang apat sa mahabang sofa at nagtatawanan sa pinapanuod na movie.
Lumapit ako kay Daddy at nagmano. Matabang niyang inabot ang kamay niya at binaba rin agad. Galit siya sa akin.
Para akong tanga doon na hindi malaman ang gagawin kaya naman pinanindigan ko na lang ang malaking barrier sa aming dalawa. Hindi na ako kumibo at hindi na rin ako nagmano pa kay Violet. Plastic ako kapag nagmano ako sa kaniya. As if.
Si Sonnet naman ay nagmano sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay nagmamadali siyang umakyat sa kwarto niya. Ang hirap niyang unawain. Para siyang babaeng may dalaw!
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...