Kasing-dilim na ng gabi ang tingin ko kay Sonnet. Kahit nakaupo lang siya sa tapat ko ay kumukulo ang dugo ko.
"Kumain ka pa, Sonnet." Kinuha ni Daddy ang plato na may buttered seafood at inabot kay Sonnet.
Tumingin siya sa akin at ngumiti pagkakuha ng plato. "Salamat po, Tito." Pinagkadiinan pa niya 'yon na para bang pinapangalandakan niya sa amin na goods sila ni Dad.
"Mas payat ka sa Kuya mo. Magpataba ka ng kaunti," komento pa ni Dad.
Sonnet chuckled. "Mas mataba pa rin po 'yong kakilala ko," he answered then glanced at me.
I arched my brow at him. Ako ba ang pinapatamaan nito?
"Bakit?" He mouthed at me with so much amusement in his eyes.
Pigilam mo, Livie. Nakaharap ang Daddy mo. Wag kang mainis. Wag kang mainis!
It took almost everything in me to keep my mouth shut at hindi na magreact dahil alam kong hahaba na naman ang usapin. Instead, kumain na lang ako doon kahit gustong-gusto ko na siyang ibalibag sa dagat.
Last day na namin ngayon dito sa Boracay at so far, I can say, nag-enjoy naman ako. Lalo na sa mga oras na wala sa paningin ko si Sonnet at sa mga oras na nakikita ko siyang nahihirapan. Especially kahapon na nag-parasailing kami. Ilang beses siyang tumumba at nagsuka sa sobrang hilo. Apparently, he's scared of heights.
But life is always playful dahil ever since nakaahon kami mula sa scuba diving on our first day ay hindi na naawat si Daddy sa pag-aya kay Sonnet at sa kapatid nito, si Kuya Cartesian, para sumama sa amin. Kagaya ngayon, kasabay na naman namin silang kumain.
Nalaman ni Dad na kuya ni Sonnet si Kuya Cart na nagtratrabaho din sa SantiCor DnC. Magkadepartment sila ni Kuya Ali at Dad kaya naman ganoon na lang ang giliw ni Daddy sa pamwisit na si Sonnet. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang bait-bait ni Daddy doon sa magkapatid lalo na sa Sonnet na 'to.
Pagkatapos kumain ng dinner ay umakyat na kami sa kwarto para mag-empake ng gamit para sa 2AM flight bukas pabalik. I can't spend another minute hearing and seeing Sonnet. I'd rather stay in my room all day.
Balak ko sanang maagang matulog pero sobra akong nabusog sa mga kinain namin kaya naman nanuod na lang muna ako ng movie habang sila Kuya at Dad ay bumaba para bumili ng mga souvenirs. Good thing nakabili na ako kaninang umaga, hindi ko na kailangang makipagsiksikan sa mga tao ngayon.
I was so engrossed in watching Tinkerbell that I didn't notice I was not anymore alone in the room.
"Hi."
"Hoy!" I stood up and threw the nearest item my hand could reach, the remote control.
"Aray ko naman, ate!" Hinimas ni Sonnet ang braso niyang natamaan. Good for him!
"Who told you to come here? Pano ka nakapasok?"
"Papa mo," he said, full of sarcasm. "Malamang sa pinto."
"Umalis ka na nga!" Akmang hahagisan ko siya ng tsinelas nang kumuha siya ng unan para ipangcover.
"Okay, fine! Babaeng 'to." He raised both of his hands in surrender. "Just came here to drop this. See ya!" Tinapon niya sa bed ko ang isang envelope na puti at lumabas na.
What was that?
Kinuha ko ang envelope at binuksan. A purple paper folded in half was inside. May mukha ng isang babaeng mestiza sa kaliwang fold at sa kanan naman, ito ang nakasulat:
You're cordially invited to celebrate Violet's 45th birthday.
Join us on October 31, 2016 at 8PM for an unforgettable evening.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...