"Aray ko naman, Summer!" Imbes na yakapin niya ako sa pag-aalala dahil 6AM na ako nakarating sa condo nila nang mag-isa ay hinampas pa niya ang braso ko. "Ang sweet mo talaga mag-alala!"
"What were you thinking, Livie?! Baka mabaliw ang baby Ali ko sa kakahanap sa 'yo!"
Pinigilan ko ang sarili kong sampalin siya dahil nakikituloy nga pala ako sa kanila. Kailangan kong magbait-baitan. Pero talagang inuna pa niyang isipin si Kuya Ali kaysa sa akin na best friend niya, ah!
Napasabunot siya sa buhok niya at napahilamos sa mukha, halatang stressed na stressed sa akin.
On normal days, matutuwa pa ako na sa akin siya nakukunsume imbes na sa pag-aaral. But today is not a normal day for me. Walang araw ang naging normal magmula nang dumating ang pamilya ni Sonnet sa buhay ko.
"Pwedeng matulog habang nagagalit ka? Sorry na, beshy." Inilapag ko ang school bag ko sa sofa kung saan ako ginigisa ni Summer. Niyakap ko 'yon habang titirik-tirik ang mga mata sa antok. Para akong sobrang na-drain sa mga nangyari. Gusto ko na lang mahiga at matulog.
Hindi ko alam kung ilang araw akong hindi uuwi o kung ano ba talaga ang balak ko. Ang tanging sigurado ko lang ay gusto kong umalis sa bahay na 'yon kaya dinampot ko kanina ang lahat ng damit na pwedeng magkasya sa school bag ko.
Being in the same house as Violet suffocates me. Hindi ko maatim na makita siya sa mga susunod na araw ng buhay ko. Gustohin ko mang makita si Mommy ngayon, alam kong hindi pwede. Hindi makakabuti sa kaniya kung puro problema ang idadala ko.
"Wag ka dyan matulog. Doon sa kwarto ko. Tara, babae," mataray at bossy na utos ni Summer. Kinuha niya ang yakap-yakap kong bag at inalalayan ako sa kwarto niya. Pinahiga niya ako doon at kinumutan pa.
Hindi ko na nasundan pa ang mga talak niya dahil tuluyan na akong nakatulog.
Mag-aalas tres na ng hapon nang magising ako sa ingay nina Summer at Caspielle sa living room. Masakit na ang katawan ko sa haba ng pagkakahiga at gutom na rin kaya naman inayos ko muna ang sarili ko at saka lumabas.
Napakunot ang noo ko parehas silang nakabihis, mukhang may aattendan na party.
"Good afternoon na po, señorita. Gayak na," sabi ni Summer habang inaayos ang mga hikaw sa tenga niya sa harap ng full body mirror.
Hala! Oo nga pala! Birthday ni Caspielle ngayon!
Agad akong lumapit kay Caspielle at tinapik ang braso niya, bahagyang nahihiya. "Happy birthday, Cas. Sorry, nakitulog ako."
Nginitian niya ako at tumango. "Don't mention it. Are you okay?"
Tinanguan ko lang siya at pilit na ngumiti.
"You can visit here as much as you want," dagdag pa niya.
"Salamat, Cas." Tinapik ko siya ulit at dumiretso sa kusina para kumain. Hindi na ako nagpaalam sa kanila, basta nagsandok na lang ako ng kanin at ulam.
Imbes na magmadali ay prente akong umupo sa sofa at naghanap ng papanuorin.
"Hoy, Olivienne Rose!" Inagaw ni Summer ang remote sa kamay ko. "Wala ka bang balak gumayak?"
Hindi ko siya nilingon at kumain na lang doon. "I can't go. Nandoon si Kuya Ali mamaya."
Tumabi siya sa akin at hinagud-hagod ang buhok ko. "Sa tingin mo ba hindi ka non hahanapin mamaya pag nalaman niyang wala ka doon?"
I scoffed at her. "Ni hindi nga nila ako tinext o tinawagan man lang para hanapin, e!"
"I told him you were here."
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...