Chapter 10

145 15 19
                                    

Nawala ang tama ko dahil sa init at pait ng kapeng tinimpla ni Sonnet pagkauwi namin ng bahay.

Apat na oras na magmula nang alukin ko siya na mag-date kami at hindi ko pa rin siya magawang tignan. Nakakahiya ang pinagsasabi ko pero wala na kong magagawa dahil baka pumasok na sa sistema niya 'yon. Siguro, hindi ko na lang ipapakita sa kaniya na naaalala ko pa 'yon. Alam kong gagamitin niya lang 'yon para asarin na naman ako.

Malamig na ang simoy ng hangin, ramdam na ramdam na ang papalapit na kapaskuhan. Hindi ko na matandaan kung kailan kami nagcelebrate ng Pasko na buong pamilya.

Ito na naman 'yong panahon na parang ang laki ng kulang. Alam kong nasasabik ako sa pamilya namin pero alam ko ring hindi kami lahat ganoon ang nararamdaman.

"May kausap pa si Oliver." Binalot ni Violet ang katawan niya ng maliit na kumot at umupo sa harap ko. "Masakit pa ang ulo mo?"

I shook my head and averted her concerned eyes.

Hind ko alam kung bakit hindi ako nilalamig kagaya niya gayong mag-aalas tres na ng madaling araw at nasa roof deck pa kami. Ni hindi pa nga ako nakakapagpalit ng dress.

"Pasensya ka na sa Daddy mo kung nagalit siya. He's just worried." She gave me a small smile.

Tipid ko rin siyang nginitian at humigop pa ng kape, walang ganang makipag-usap.

Pagkarating namin kanina galing sa club ay sumalubong samin ang galit ni Daddy, mostly sa akin directed. Dahil nga madaling araw pa lang ay wala na ako sa bahay at hindi ako nagpaalam. Hindi ako sumagot kanina habang pinapagalitan niya ako sa harap nila Sonnet. Kung hindi lang may tumawag sa kanya sa trabaho ay malamang aabutin kami ng umaga sa sermon.

Kung nandito lang si Mommy, pwede akong tumakbo at magtago sa likod niya. Gustong-gusto ko ng makauwi siya. Gustong-gusto ko ng bumalik kami sa dati naming buhay.

Sana pwede kong ibalik ang oras. Kapag bibigyan ako ng pagkakataon, ilalayo ko si Daddy kay Violet para hindi sila magkakilala ever.

"She was my best friend and your Daddy's first love. Naarrange marriage lang siya sa asawa niya dati kaya hindi sila nagkatuluyan ng Daddy mo."

The memory of Mommy's confession echoed in my head.

Wala talagang mabuting nadudulot ang first love na 'yan. Para sa akin, si Daddy ang first love ko. Growing up, he was someone I looked up to when it comes to standards of dating. Sabi ko pa noon, kung hindi lang din kagaya ni Daddy ang magiging boyfriend ko, tatanda na lang akong dalaga.

He's sweet, caring, gentle, selfless, patient and bubbly. Pero ngayon, kahit pa ganyan pa rin siya, nadidismaya at nasasaktan ako kasi sa ibang babae na niya ipinapakita.

I traced the tip of my coffe cup while staring at Violet. "How did you and Mr. Han get married?"

She was surprised by my sudden question. It was written all over her face. Maging si Sonnet na nasa dulo ng roof deck ay napalingon din sa akin. He must've been alarmed at the mention of his dad.

There's nothing wrong with it, right? Gusto ko lang naman malaman.

"I-It's a long story," she stammered. "Actually, your Dad and I were boyfriend-girlfriend noon. Bago kami nagpakasal ni Dominic, I was really heartbroken--"

"Really?" I pushed, pretending to be hearing it for the first time. "First love niyo ni Dad ang isa't isa?"

She nodded, her eyes were sparkling.

So, Mommy was right. They never really lost connection. How lucky are they to finally have the chance to end up together again?

"Maiba ako." I leaned in, now holding the coffee cup with both hands. "I visited Mommy last week and she told me dumalaw doon ang best friend niya which was you."

Dis-Engagement ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon