Hindi ko na nabilang kung ilang minuto akong na-trap sa kusina dahil ayaw talaga akong pakawalan ni Sonnet. And for some reason, pakiramdam ko ay mas gusto kong nandito ako sa kusina at kadaldalan siya kaysa tumulong sa paggawa ng project sa dining.
"Bakit brownies?" tanong ni Sonnet habang nilalagay sa box ang mga bagong lutong brownies.
Siya na ang nagbake at nag-asikaso ng lahat. Pinaupo niya lang ako habang siya ang kumikilos at nagkukwento ng kung ano-ano.
Nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya. "Summer likes them."
"E, si Caspielle? Gusto rin ba 'to?" Hindi niya inaalis ang tingin sa mga inaayos niyang brownies pero kunot na kunot naman ang noo.
Bakit kapag kay Caspielle talaga nasisira ang mood niya? Ayaw kong mag-assume pero... nagseselos ba siya? Dahil bukod sa kaniya, kay Kuya Cart at Kuya Ali ay may ibang lalaking malapit sa akin?
"Oo, gusto rin niya," pang-aasar ko pa. Gusto ko lang malaman kung ano ba talagang trip niya. "Ipag-uuwi ko rin siya mamaya niyan--"
Natigil ako nang kagatin niya nang malaki ang isang piraso. "Hindi masarap," punong puno ang bibig niyang sabi. "Reject!"
Napaangat ang gilid ng labi ko sa pagkakaaliw sa kaniya. "Gawa mo pero hindi mo gusto? Bago yata 'yan."
Niligpit niya ang mga box ng brownies at pinasok sa ref. "Kay Kuya Cart na lang 'yan."
Pumunta ako sa ref malapit sa kaniya para kuhanin ang mga pinasok niyang box. Nasa harap na ako at nakahawak na sa handle nang pigilan ni Sonnet ang pagbukas ko no'n.
His slightly lean body towered over me. Hinawakan niya ang kamay ko at inalis 'yon sa pagkakakapit sa handle. He didn't have to put so much effort in doing so. Parang isang hawak niya lang sa kamay ko ay alam na nito ang gagawin at sinusunod na siya.
Umatras ako nang siya na mismo ang nagbukas ng ref. He took out one piece of brownie at ibinigay sa akin.
"Ayaw mong maniwala. Hindi nga kasi masarap." Hinihintay niyang isubo ko ang binigay niya at ako mismo ang magpatunay na totoo ang sinasabi niya. Tuon na tuon ang pansin niya sa akin.
Kinagatan ko ng kaunti ang brownie at ninamnam ang lasa kahit pa para akong mabibilaukan dahil pinapanuod niya akong kumain. "Masarap naman, ah," sabi ko dahil totoo naman!
"Talaga ba?" paghahamon niya.
"Oo! Masarap nga!" Tumaas na ang boses ko dahil ayaw niyang maniwala.
"Pakagat nga."
Bago pa ko makapagreact ay hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko at siya na mismo ang naglapit sa kamay ko na may hawak na brownie sa bibig niya.
Hindi ko malaman ang gagawin kong pagbawi sa kamay ko nang may magsalita.
"Livie! Nasan na ang brownies ko?"
Biglang lumitaw si Summer sa kusina kaya naman naitulak ko ang buong brownie sa bunganga ni Sonnet. Naisama pa ang wrapper!
Hala! Nabilaukan siya!
"Sorry! Teka, tubig!" Dumiretso ako agad sa sink at kumuha ng baso para painumin siya. Agad naman niya 'yon ininom.
Patuloy pa rin siya sa pag-ubo kaya naman hinampas hampas ko ang likod niya.
Nakapamewang si Summer na pinapanuod si Sonnet na mamatay sa kakaubo. Mapang-intriga ang pinupukol niyang tingin sa akin ngayon na para bang nahuli niya ako sa akto sa isang bagay na dapat siya mismo ang unang nakakaalam.
Idagdag pa na naka-topless ngayon si Sonnet at talaga namang huling-huli kami sa akto na nagsusubuan ng brownie. Buti na lang wala si Manang ngayon sa kusina kung 'di lagot na naman ako nito kay Daddy.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
Teen FictionIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...