Chapter 1: Getting to know me.

480 10 0
                                    

Hello Wattpad users! 

First time akong sumulat para dito. 

Sana po suportahan niyo ako. Haha. Nagmamakaawa? 

Please vote if nagustuhan niyo 'tong chapter nato. 

Love yah mga guise! :*

first chapter, dedicated kay ate denny.. Ang ganda kasi ng stories niya. nabasa ko na lahat. Diary ng panget ang pinaka the best!!!

written by: thebubblydaisy :3

________________

"Haaay." Napaka boring naman dito sa bahay. Wala talaga akong katuwang na iba dito kundi ang aking dakilang ipad lamang.

Summer pala ngayon kaya dalawang buwan ding walang klase. Buti malapit-lapit na rin matapos ang summer kaya balik na sa paggising ng maaga.

Ako nga pala si Khristine. Khristine Dimagiba. Joke! Khristine Martinez. Maganda. Feeling ko noh? Mataas ako at may sexy booody.

pic of Khristine on the side---------->

1st year college na ako. Accountancy ang napili kong course. Walang boyfriend at wala ring plano magkaroon. Ewan. Trip ko lang. Gusto ko kasi mahanap si 'Mr. Right.' Meron naman akong barkada na laging kasama kaya no probs.

17 pa lang ako. Bata ko pa 'no? Inaccelerate kasi ako ng nanay ko nung kinder 1 pa'ko. May ganun ba? Inaccelerate ng nanay?

Makapunta na nga lang sa mall at mag muni-muni.

"Ma!" Sigaw ko. Like a boss!

"Ano?!" Sigaw rin niya habang naglalaba.

"Punta muna ako sa mall. Nakakabagot naman dito. May bibilhin lang ako." Sabay kamot ng ulo.

"O sige, mag ingat ka at maraming masasamang loob ang naglipana." Mama ko.

"Oo na. Sige ligo muna ako." Palakad na san ako nang may sinabi siya.

"Bilhan mo ko ng tinapay ha. Ubos na eh." Mama ko.

"Aiish. O sige, sige" padabog kong sagot.

Tapos nako sa lahat lahat ng gagawin ko at pumunta na sa mall.

Naku, ang hirap naman ng palakad-lakad lang dito sa mall. Wala kasi akong pera, wala pa yung barkada ko. May mga lovelife na kasi sila. Kami lang ata ng bestplen ko ang walang ganun. Makapunta na nga lang sa timezone at makapag basketball.

-lakad lakad hanggang maka abot sa timezone

"Woooh! Shoot! Shoot! Yeah beybeh!" Para akong tanga dito. Busy naman sila sa paglaro kaya go lang ng go!

Nagtatalon ako dahil ang raming bola na na-shoot ko. Sa saya ko, hindi ko natignan kung may tao ba sa gilid ko kaya nang napatalon ako, nasiagi siya ng malakas sa braso. Halos matumba na nga siya eh.

"Oh my gaahd!" Napatakip na lang ako sa bibig ko. Nakita ko ang galit sa pagmumukha ng lalaking 'to. Pero ehem, ang gwapo ha. Parang yung model ng beer tsaka nung brief. Haha! Ehem, takot ako.

"I-i'm so sorry. I-i didn't mean to..." Di pa nga ako nakakatapos sa sasabihin ko, umalis na siya. Bahala siya. Kahit ako naman yung nasa lugar niya, magagalit rin ako noh. Pero ang gwapo talaga niya.

Makaalis na nga rito at makakain na ng paborito kong jolly hotdog!!

~~~~~ 

Palabas na ako sa mall ngayon kasi malapit na rin gumabi.

Ay, wait lang. Yung tinapay ni mama.

Bumalik ulit ako sa mall at pumunta sa pinaka malapit na bread shop.

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon