SPECIAL CHAPTER: K & A

90 1 0
                                    

Ito pala ang special chapter ni Ann tsaka ni Karl. Baka gawan ko sila ng story someday. Hindi ako sure kasi pasukan na. Hahaha.

Enjoy reading!!

_________________

(Karl's POV)

Andito ako sa starbucks ngayon. Bwisit! Ang bobo ko para gawin yun kay Khris! Bakit ba kasi attracted ako sa kanya masyado! Tsk. Pero, wala namang mali diba? Wala naman siyang syota. Wala akong syota. We're both single. Ang mali lang talaga, eh yung aiish! Yung halik! Tsk!

*toot toot*

From: Makulit na babae <---- si Mage yan. Palaging tumetext eh! Ang kulet!

Hello, Karl! San ka ngayon? Free ka ba?

Palaging ganyan ang text niya. Hindi ko nga nerereplyan kasi makulit! At dahil malungkot ako ngayon, rereplyan ko.

To: Makulit na babae

Andito ako sa starbucks.

Nag-reply naman agad ang makulit.

From: Makulit na babae

Cge! Punta ako dyan! Tnx for the reply!

Less than 5 mins., andito na si kulet na ang laki ng ngiti. Runner ata ang magulang nyeto eh.

"Hi, Karl!"

Tinignan ko lang siya. Actually, ilang beses na kami nagkita noon kasi nga nagpapatulong akong manligaw kay Khris. Eh parang ayaw naman tumulong. Kada may tanong ako, ginagamit niya ang evasion power niya. Kaya BOOM!! Walang nangyayare.

"Huy, Karl! Andito po ako. Hellooo!"

"Tsk, alam ko! Oh!" Binigyan ko siya ng isang libo. "Umorder ka dun kung ano ang gusto mo."

Ngumiti naman siya sakin ng napakalaki. "Hehe. Salamat. Punta muna ako dun."

Nagbasa-basa lang ako sa notebook ko kasi may quiz ako mamayang 4:00pm.

"Heto yung sukli mo oh." Ibinigay niya sakin ang sukli kong 200 mahigit. Wow ha. Snack niya, 700+.

"Ang rami mo atang in-order. Tapos na naman akong kumain?"

"Ayy, hindi toh sayo. Sakin lang toh. Gusto mo ba?" Inabot niya sakin yung cheesecake. Tatlong cheesecake lang naman ang inorder niya.

"Ayaw. Kain na."

"Bat ka pala napatawag?"

"Wala akong kasama eh. Lumalayo sakin si Khris. Alam mo ba kung bakit?"

Nilunok niya muna ang cheesecake. "Ewan. Hindi kami nag-uusap ngayon eh. Cold war kami."

"Ano? Bakit naman eh ang close close niyo nga!"

"U-uhm. Basta! Wala ka na dun!"

"Sus! Sabihin mo na!" Pinipilit ko siya ngayon.

"Hmf! Ano kasi! Eeeh! Nakakailang!"

"Anong nakakailang?! Sige na! Sabihin mo na!"

"Aaish, pasalamat ka crush na crush kita." Parang may binulong siya sa sarili niya pero hindi ko narinig.

"Ano?!"

"Wala, wala. Ano kaseeee. Pano ba toh. Nabanggit niya kasi na ano. Ano."

"Ano?! Pwede bang maging direct to the point yang pananalita mo!"

"Nabanggit niyang hinalikan mo siya!"

"Ano?! Yun lang?"

"Anong yun lang? Pumayag siya na mahalikan mo siya!"

"Ano naman sayo kung halikan ko siya? Kawawa naman si Khris. Wala ka na dun kahit i-french kiss ko pa siya sa harap mo!"

Pagkasabi ko naman nun, itinapon niya yung tinidor at tumayo dahilan na pagtinginan kami ng ibang customers.

Lumabas siya at naglakad.

At dahil may konsensya akong tao, hahabulin ko siya.

"Huy! Mage!"

Hindi niya pa rin ako pinapansin at patuloy pa rin siya sa pagtawid sa daan.

"Mage!"

*beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!!!!!!!!!!!!~~~~*

May malaking truck na paparating at mababangga siya!

"Maaage!" Nahila ko yung kamay niya at saktong paghila ko, natumba kaming dalawa sa sidewalk.

( *)(* ) Accidentally, our lips touched.

Tumayo siya. "Th-thank you. Ay! sorry! Ay! ewan! S-sige, bye!" Tumakbo siya ng mabilis at ako naman, nakalupasay pa rin sa gilid ng daan.

Pagtayo ko, napahawak ako sa labi ko. Parang may kuryenteng dumaan nung nahalikan ko siya. Natulala tuloy ako.

___________________

~~ Abangan niyo sana ang next special chapter nila!! :)

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon