Chapter 3: Problems.

255 5 0
                                    

Eto na mga guys!

Pasensya sa mga typos and grammatical errors.

Sa ipad lang kasi ako nag ty-type kaya ayon.

Natatamaran kasi ako kung laptop yung ginanagamit ko. Palagi nalang ako nag cha-charge.

Okay. Basa na kayo. Goo!

________________________

Halikan mo ako.

Halikan mo ako.

Halikan mo ako.

Pabalik-balik yung sinabi niya sa utak ko.

"Huy! Nakikinig ka ba?"bigla akong natauhan sa sinabi niya.

"Ano?! Bat naman kita hahalikan. Wala pa nga akong first kiss. Ayaw ko na ikaw yung first kiss ko! Pangit mo!" Sabi ko lang yun. Hahaha. Gwapo naman siya eh pero yung hinihingi nyang kiss? Di ko yun ibibigay sa taong hindi ko mahal nuuh! Like ko lang siya!

"Hahaha. Di ka naman mabiro! Joke lang yun! Pero teka, wala ka pang first kiss? Baket? Hindi ka naman ganyan ka panget ah?" Aba'y, bwisit tong ipis na toh ah. 

"Hindi ako panget!" Sagot ko. Tama ba namang sabihan niya ako ng 'hindi ako ganyan ka panget' panget pa rin yun noh!

"Hahaha! Lika na. Pasok na tayo. Oo, maganda ka na. Haha. Pero, wala ka pang naki-kiss? Ako nga, parang hindi na mabilang yung nahalikan ko. Habulin kasi ako sa chicks!" Parang may bagyong paparating sa lakas ng hangin ng katabi ko. nasa loob na kami ng room at wala pa ang aming prof. Napasobra yata sa bakasyon.

"Heh! Ang yabang mo! NBSB kasi ako." Taas noong sabi ko.

"What? Why? Ikaw lang ang nakilala kong babae na NBSB! Haha. Kaya pala nagulat ka kanina sa sinabi ko. Wala ka bang manliligaw?" Nakikita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Meron naman, grabe naman toh. Ayaw ko lang talaga." ;)

"Pano kung manligaw ako sayo." Huh? Anong sinabi niya? Naligaw daw siya? Ingay kasi ng mga kaklase ko. Tsk tsk. "Shhhhh! Hinaan niyo naman yung boses niyo" sigaw ko sa kanila. Tumigil sila. . . . . At nagpatuloy na naman sa pagdadaldalan. "Anong sinabi mo? Ingay kasi nila."

"Wala. Sabi ko ang panget mo." Bwisit tong lalakeng toh. Aargh.

"Ewan ko sa'yo. Para kang sira. Ang ganda ko kaya." Binehlatan ko lang siya xp 

Andyan na ang prof namin. Late. Bakit ang teacher, pwede ma-late? Tayo, hindi! UNFAIR!

Okay. Makikinig na ako.

"Good morning class, sorry I'm late. The traffic was very heavy. Okay, to start our class, let us all introduce ourselves. My name is Mrs. Eren Cruz and I'm your teacher for History 10.1 . Let's start from the front row. To make it more interesting, you should give me one pick-up line. Okay?

Ayuun. Nag introduce na sila. Sayang-saya sila. Parang mga ungas lang.

Oh my gosh ako na. Kami kasi ni Karl, nakaupo sa likuran. Ehem-ehem. Tumayo na ako. "Hello. My name is Khristine Martinez. I'm 17 yrs. old." Natigilan ako. Wala akong pick-up line. Isip-isip!

Kinulbit-kulbit ako ni Karl. "Huy, yung pick-up line mo." Pabulong na sabi niya.

O.o

"A-ahm, Karl?"

"Oh?" Naguguluhan yung pagmumukha niya.

"Tae ka ba?" Nagtawanan ang lahat. Yung pick-up line kasi, para sa teacher. Ang teacher yung sasagot. Di ko naman kaya sabihan yung prof ko ng ganyan kaya si Karl nalang. Hehe.

Ayaw niyang sumagot.

Kinurot ko ang braso niya indikasyon na dapat na siyang sumagot.

"B-bakit??" 

"Kasi hinding-hindi kita paglalaruan" tawa lahat ng kaklase ko at may naririnig pa akong nag 'uii!' tsaka 'ayee!'

Tumawa naman si ipis. Hmm, if I know. Kinilig siya. Hahaha. Humupa na ang tawanan at kantyawan.

Si Karl na ang susunod. Naku! Baka rest-backan ako nito.

Tumayo na siya.

"Hello everybody" sumigaw naman ang mga talandi. "My name is Karl Torres, I'm 18 yrs. old."

"Khris?" Tanong niya.

"Ano?!" Sagot ko.

"Google ka ba?" Sabi niya. Ang laki ng ngiti niya.

"Hindi." Hahaha. Uunahan ko na siya. Tumawa naman ang mga classmate ko.

"Ma'am oh, ayaw sumagot ng maayos." Parang bata, nagpapalaban.

"Ms. Khristine, please answer him back" sabi naman ni prof na parang kinikilig.

"Aish, bakit?" Oh no.

"Kasi, ~nasa iyo na ang lahat, minamahal kita pagkat nasa iyo na ang lahaaat, pati ang PUSO KO!!~" Kumanta pa, parang hindi sintunado. Lumalabas pa ang litid sa leeg niya. Pero ha, kinilig ako dun.

"Ms. Khristine,why are you blushing?" Tanong ng prof ko. Tsismosa talaga. Hinawakan ko agad yung pisngi kong umiinit.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!" Sige mga classmate! Tawa pa. Mabilaukan sana kayo.

Umupo na si Karl at tinignan ako. "Ano?" Tanong ko. "Ang cute mo pag kinikilig!" Siya. 

"Che! Di ako kinikilig. Nasusuka ako." Sagot ko habang nag a-act na talagang nasusuka. 

Tumawa lang kami dalawa nang may taong pumasok. Late ata. Wait. Si SUNGIIT!?

"Good morning ma'am. Sorry I'm late. I was called in the Dean's office." Sabi niya. Aba. Mukhang maamo siya ngayon ha.

"Will you please introduce yourself to the class and please give a pick-up line after." Si ma'am. Ano ba tong mga classmate ko na babae. Kahit likod lang yung nakikita ko. Damang-dama ko na kinikilig sila. Pero kahit ako kinikilig. Sa gwapo niya? Pero di ako showy ha. Sa loob-looban lang ako malandi.

"Hi. I am Aidan Ravena." Tapos naglakad na siya palayo sa harapan. "The pick-up line?" Sabi ni prof. "Di i really have to do that?" Aba'y inglisero tong lalakeng toh ah. "Why, Yes Mr. Ravena." Lumakad siya papunta sa harapan.

"Psh. Uhmm. Ma'am, bag ka ba?" Kinilig naman si prof.

"Bakit?" With matching beautiful eyes,

"Ang lake mo kase." Tapos umalis na siya sa harapan at naghanap ng upuan. wait. Anong sabi niya? Parang nagalit ata si ma'am, namumula ang tenga eh.

"Huy pre!" Arayko! "Karl! Bat ka sumisigaw?" Di niya ako pinansin.

"Karl!" Ngumiti siya. Gwapow!

"Dito ka na umupo oh." Tinuro niya ang vacant seat sa tabi ko. Umupo naman siya. Walang choice eh. Yun na lang ang vacant.

"Kamusta ka na pre?" Tanong ni Karl na parang walang tao na nakapagitan sa kanila.

"Okay lang Karl. Akalain mo, parehas pala tayo ng course." -Aidan

"Oo, matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita." -Karl

"Oo nga." Ang tipid naman ng sagot niya.

"Ha-hachOOO!!!" Nakupo. Bumahing ako. Hindi naman yun malaking kasalanan eh. Pero, pero sa mukha ni Aidan ako nakabahing. Oh noes.

"F*CK!!" Kumuha siya ng panyo at pinunasan yung mga droplets ng laway ko na napunta sa maganda niyang mukha. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Di ako makapagsalita. Tumingin siya sakin. "Ikaw?!"

Lord, kunin niyo na po ako T.T

to be continued. . . . . 

_____________________

wooh. Ganda ng chapter na ito. Haha. Love yourself ang motto ko eh.

Wattpad readers! Please vote if nagustuhan ninyo.

Comment na rin. Okay lang sakin kung mag criticize kayoo! Lahb ko kayo eh.

Be a Fan! Wala pa akong fans. Baguhan pa eh, pero matagal na akong nagbabasa ng stories dito.

Yun lang. Love, love, love!

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon