Chapter 21: Not.

118 1 3
                                    

Enjoy reading!! :)

_______________

"Psst!"

"Psst!"

"Psst!"

"BATA!!"

Bwisit naman tong mga bata! Ayaw lumapit.

"Bata! Halika dito!" Winagyway ko na talaga yung isang kamay ko.

Lumapit naman ito.

"Haynako, bata ka! Bakit ayaw mong lumapit."

Kinamot naman ng batang kalye ang buhok niya. May kuto ata.

"Natakot kasi ako sayo ate. Ano po kasi yung kailangan mo?" Nagtatakang tanong ng bata.

"Tawagin mo pa ang iba mong kasamahan. Sige na! May ibibigay ako sa inyo."

Nginitian naman ako ng bata tsaka tumakbo.

Naghintay lang ako ng ilang minuto at dumating na rin ang iba.

"Oh ito mga bata. Mag-share kayo ha." Iniabot ko sa kanila ang balot saan naglalaman lahat ng pagkain na ibinili ni Karl.

Napangiti tuloy ako. Ang saya kasi nila tignan.

Habang enjoy na enjoy ako na nakatingin sa mga bata, may biglang umakbay sakin. Pagtingin ko. Sus! Si Karl. Wala nang iba.

"Huy, bat mo ak--- wow naman! Ang bait mo pala!" Ngiting sabi niya habang nakatingin rin sa mga bata.

Nag cross-arms naman ako. "Matagal na nuh?!"

"Kaya mahal na mahal kita eh."

"A-ah. Balik na tayo sa school." Hinila ko siya papunta sa kotse niya.

Tulala lang ako sa byahe. Arggh.

Affected ako masyado sa silent treatment ni dan-dan!!

"Okay ka lang?" Tanong ni Karl.

"Oo naman! Tss."

"Hindi ka okay eh."

"Ano ka ba? Ako?"

"Haha. Oo, ikaw. Ang lungkot mo kasi. Namumugto ata ang mata mo ngayon?"

"Ahh, wala toh. Haha. Wag mo na nga ako pansinin. Pwede ba?"

"Panong hindi kita mapapansin. Eh, tayo ang magkasama?"

"Aish! Wag mo na nga akong pansinin. Mage-emote muna ako dito. Mag-play ka nga ng malungkot na kanta. Sige na."

Bwisit toh si Karl, naniwala talaga. Pero kiss you ng one direction ang ipinatugtug!! Errr, bad memories, go away!!!!

------

Andito na kami sa school.

"HOOOOY! ANDITO NA TAYO!"

"Ay! SUNOG!" Sinigawan ba naman ako.

"Hahaha! Baba na."

Bababa na sana ako pero. . .

Ki-niss ko siya sa cheeks.

"Salamat talaga Karl ha? Kahit papano, nawala ang kalungkutan ko. Sige, bye!" Aalis na talaga sana ako pero hinawakan niya yung pulso ko at iniharap sa kanya.

Hinalikan niya ako. As in sa lips niya ako hinalikan with matching hawak sa batok ko..

Smack lang naman pero ang diin ng pagkakahalik niya.

Binitawan niya ako after 1000000 years.

Nabigla ako at nasampal ko siya.

"B-bye, Karl." Nagmadali akong lumabas sa kotse niya. Naglakad ako ng mabilis habang hawak-hawak pa rin ang mga labi ko.

Ikaapat na yun na halik na natanggap ko mula nung nag college ako. Huhu.

Pero bakit iba yung epekto ng halik niya sakin? Ibang-iba sa halik ni dan-dan.

Parang walang spark? Eww, ang OA ko.

Pumasok ako sa room, si dan-dan naman agad ang bumungad sakin. GREAT! JUST GREAT!

"U-uh, hello." Hindi na naman niya ako pinansin. Arrgh! Napaka!

------

Natapos na ang klase na wala akong naintindihan. Bwisit! Si Karl kasi. Magnanakaw! Magnanakaw ng halik!

Lumabas na ako ng room at nagmadali nang umuwi. Ayaw ko muna makita si Karl. Dapat hindi ko na i-kiss sa cheeks ang mga lalake! Tsaka, si Karl, crush ni Ann! Ay, love na pala. Ang pangit tignan.

Tinawagan ko si Ann kasi ayaw kong may itinatago ako sa likod ng bestfriend ko.

Calling bestplen Mary. . . .

Sinagot niya naman agad.

"Hello, Khristine? Bat ka napatawag?"

"Uhm, ann? May ano kasi."

"Ano?"

"May ano ba. Yung ano kasi kanina. Naano ako."

"Ano?! Hindi kita maintindihan. Haha. Dalian mo na at may klase pa ako in 10mins."

"Hinalikan ako ni Karl kanina!"

"What?! Bakit?! Bakit ka nahalikan?!" Galit na sabi niya.

"Nag-lunch kasi kami tapos nung nagpaalam ako sa kanya, hinalikan niya ako!!"

"At nagpahalik ka naman?! Aissh, may Aidan na nga kinuha pa si Karl." Hindi ko masyado narinig yung huling sinabi niya.

"Hindi. Hindi. Ano, siya yung humalik. Nabigla nga ako. Bumitaw ako agad. Sorry."

*toot toot toot*

In-end niya yung call. Nainis ako, oo. Hindi kasi siya nakinig man lang kung ano talaga yung nangyari.

Napaiyak tuloy ako. Ang rami ko nang problema. Alam kong sa iba, maliit lang toh pero sabay-sabay kasi eh.

Naghahapunan ako ngayon habang umiiyak. Wala na talaga kasi eh. Wala sila mama, galit si bestfriend, nakakailang si Karl, pati si dan-dan, galit!

to be continued. . . .

___________________

~~ thebubblydaisy :3

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon