Chapter 19: First Fight.

142 2 0
                                    

Enjoy reading!! :)

__________________

(Khristine's POV)

lumabas si dan-dan para bumili ng popcorn.

Sumasakit yung mata ko kasi chinese yung salita nila kaya may subtitle. Eeh, ang liit naman. So. . . Kinuha ko nalang yung nerdy eyeglasses ko at sinuot ito. Sira kasi yung mata ko. 50-100 ang grade. Tsk2.

"Ms., can I sit here?" May lalakeng nagtanong.

"Sure." Pagtingin ko. Si James!

Natakot ako bigla. "J-james?!"

"Khristine?" Umupo siya sa tabi ko. "Kamusta ka na? Sorry talaga ha. Sana napatawad mo na ako."

"Uhm, okay. Wag mo na yun uulitin. Okay?" ^__^ madali lang ako kausap noh!

"So, kamusta ka na?"

"Ano ka ba?! Nasa sinehan tayo. Ang daldal mo." Pabirung sabi ko sa kanya.

"Haha! Last na talaga toh. Pwede ba tayong mag-coffee?"

"Coffee? Marami na kaming kape sa bahay."

"Haha! Pahingi nalang ng number mo then I'll zip my mouth."

Kinuha ko yung IPHONE KO at ibinigay ang number ko. Nabilhan na rin pala toh ng sim kanina. Pati nga si dan-dan, bumili! Inggitero! Isa lang yung nasa contacts ko. . . . Number lang ni dan-dan. Oh, diba? Ako lang rin yung nasa contacts niya. Para tuloy kaming mag-syota na ewan. =__="

"Ano? Okay na? Manood na tayo ha?!"

"Haha. Sige." Itinago niya yung phone niya.

"Tine?!" Tinignan ko kung sino yung nagsalita.

Si dan-dan na may dalang popcorn na napakalaki tsaka cotton candy. May can ng softdrinks naman na nakaipit sa kili-kili niya.

Lumapit samin at umupo si dan-dan.

"Anong ginagawa ng lalake na yan dito?!" Inabot niya sakin yung cotton candy at softdrinks.

"Ah, nanonood. Di ba obvious dan-dan?"

"Tsk! Lumabas na nga tayo." Hinila niya ako papalabas ng sinehan.

"Wait! Sayang yung bayad."

"Tsk! Ako naman yung nagbayad." Sabi niya na hindi man lang lumilingon.

Tinignan ko si James na nakaupo pa rin. Nag-wave nalang ako sa kanya.

Pumunta na kami sa parking lot kasi daw! Wala na daw siya sa mood. Arte!

"Saan ba tayo pupunta dan-dan? Hindi ko tuloy natapos yung CZ12." Tanong ko habang kinakain ang cotton candy ko.

"Uuwi na tayo."

"Huh! Wag! Ayaw ko pa. Eeh, ang boring sa bahay eeh!"

"Saan mo ba gustong pumunta?!" Sigaw niya sakin habang nagmamaneho siya. Amf!!

"Hmm, sige. Uwi nalang tayo. Pagod na rin ako eh." Gusto ko na umuwi kasi heehee! May iPhone na pala ako. I-e-explore ko pa kung anong nagagawa nito at anong ikinaiba ng iPad dito.

"Bakit naka salamin ka?" Tanong niya habang nagdr-drive.

"Hmm, malabo minsan yung paningin ko. Maganda ba? Bagay ba?" Nag pose ako na parang model.

Tumingin siya sandali.

"Hindi."

Yun lang yung sinabi niya. Hindi na kami nag-usap. Nafe-feel ko na sumusulyap-sulyap siya sakin. Hmf! Ayaw pa kasi aminin na nagagandahan siya sakin! Ipinagpatuloy ko nalang ubusin ang napakalaking cotton candy. Gusto niya atang magka diabetes ako. >__<

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon