Chapter 20: He's my stress reliever.

135 1 0
                                    

Enjoy reading!! :)

___________________

Andito na ako sa school.

Kinakabahan pa rin ako.

"Kaya mo toh Khristine!" Sabi ko sa sarili ko.

"Tsk! Wag ka ngang paharang-harang sa pinto!" Pagtingin ko kung sino yung nagsalita.

Si dan-dan pala.

"S-sorry." =__="

Pumasok siya sa room na hindi man lang ako tinitignan.

Pumasok na rin ako. Tumabi ako sa kanya kasi katabi naman talaga kami.

"D-dan-dan?"

Hindi niya ako pinansin. Bastos talaga na lalake! TT.TT

Hindi ko nalang siya pinansin at nagbasa nalang ng libro. Habang nagbabasa ako, nakita ko yung kamay niya na may bandage.

"Hi, Khris!" Andito na si Karl. Hay! Salamat! Napapanis na tong laway ko dahil sa kasama ko eh. Actually, hindi kami blockmate ngayon. Business psychology kasi yung subject ngayon. Trip niya lang siguro mag seat-in.

"Hi, Karl!"

Umupo siya sa tabi ko.

"Saan ba kayo kahapon? Hindi ko kayo macontact." Tinignan niya kung ano ang binabasa ko.

"Ahh, na-snatch kasi yung phone namin dalawa. Hehe. Sorry."

Nagtataka naman yung mukha niya. Haha.

"Hmm, okay."

"Kamusta yung date niyo ni Ann?"

Kinamot niya naman yung ulo niya. "Alam mo pala? Okay lang."

Bakit ang titipid sumagot ng mga tao ngayon?!? What is wrong with the world?!

"Hmf!" Yun lang sinagot ko sa kanya.

Tinignan ko si dan-dan. Wala siyang ginawa kundi magbasa. Hindi niya ako tinitignan. Huhu.

"Good morning, class!"

Nagulat ako kasi itong prof namin, sumusulpot bigla.

"Good morning, ma'am!!" Sagot ng mga classmate ko.

"Today, we will have an activity. Please choose a partner so that we can start immediately."

Naku! Ito ang pinaka-ayaw ko! Ang paghahanap ng partner. War pa naman kami ni dan-dan ngayon tsaka hindi ko pwedeng i-partner si Karl. T___T

Habang palingon-lingon ako sa mga blockmates ko para maghanap ng partner, may lumapit sakin.

"Hello, Khristine. Pwede ba kitang maging partner?" Nag killer smile siya. In fairness ha? Gwapo. Pero kitang-kita sa mukha niya na bababaero, bababaero.

At dahil wala na akong choice. O-oo nalang ako.

"Ok---"

"Sorry brad pero partner na kami." Biglang sumingit si dan-dan. Hooowmay!!

Umalis yung blockmate kong hindi ko kilala.

Tinignan ko siya. Siya naman, tumingin lang rin pabalik.

"Ano?!" Masungit na tanong niya.

"Partner tayo?"

"Tsk, paulit-ulit ka tal---"

Nagsalita yung prof namin.

"Okay! Our activity for today is all about trust. Blahblahchuchu~~." Nag-lesson muna ang prof namin kung ano ang trust at kanino toh dapat ibigay. Pagkatapos, ipinatayo na niya kami.

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon