Chapter 9: Meeting HIS friends.

259 6 1
                                    

Enjoy reading!!

____________________

"She's Khristine Martinez ang she's my girlfriend."

Parang nagalit ata si meno. Anong problema nito.

"Relax lang pare! Haha. Di ka naman mabiro." Inakbayan niya si meno. "Halika na sa loob. Kayo na lang hinihintay."

Pumasok na kami sa loob at andun nga sila. Nakikipag harutan sa isat-isa. Anim sila lahat kasama na si meno. May mga babae rin silang katabi. Uggh! Ayaw ko dito. Nakakailang!

"Ayaw ko dito, dan-dan!"

"Tumigil ka nga! Andito na tayo eh." Bulong niya sakin.

"Huy pre!" Nakipagbatian silang lahat kay meno at ipinakilala ako sa apat. In fairness ha, mukhang na starstruck silang lahat sakin. All praises sakin eh. Haay! Yabang ko na. Haha.

Nagsimula na ang 'mini-party' kung tawagin. Wala naman silang ginagawa. Puro kwento lang. Mga walang sense yung pinag-uusapan nila. Tsk. Makapunta na nga dun sa table ng pagkain.

Naglakad ako papunta sa mataas na lamesa. Haay. Napabuntong hininga ako sa nakita ko. Ano ba naman toh? Walang kanin! Ang nakalapag lang ay pizza, fries, popcorn, mga sweets, chichirya, mga pagkaing di ko kilala, tsaka mga inuming nakakalasing. Haay. Tumingin-tingin pa ako nang. . . .

"Hi!" Lumapit si James sakin.

"Hello." Nginitian ko siya.

Kumuha ako ng plato at linagyan ng pizza at fries nang nagsalita ulit siya.

"Ilang buwan na ba kayo ni Aidan?"

Naku! Ito na ang kinatatakutan ko. Ayaw ko pa namang magsinungaling.

"Hmm, tatlong buwan? Hehe."

"Haha! Hindi ka sigurado?" Kumuha siya ng Isang balot ng Lays at binuksan ito.

"3 months nga. Ikaw talaga! Hehe."

"Ahh." Yun lang yung sinabi niya. Nakakagana siyang kausap noh?

Ako naman. Bwahaha. "Kayo ng gf mo? Ilang buwan na? Btw, san siya dyan?"

"Yun." Tinuro niya yung babae na parang ang flirt tignan. "Tatlong araw pa."

Huwat! Well, kami nga ni dan-dan ilang oras pa, pero joke2 lang naman tong sa amin! Ayaw kong mawala ang pagiging NBSB ko noh. 17 years ko rin yan iniingatan.

"Aah." Yun lang yung sinabi ko. Gantihan lang pre. Hahaha.

"I br-break ko rin yan mamaya. Ang lande eh, masyadong clingy. Pampalipas oras lang naman siya."

"Ang sama mo naman. Kasalanan mo yan dahil pumatol ka! Ano ang tingin mo sa amin? Laruan?" At yan ang rason ko kung bat ayaw ko magka boyfriend.

"Hindi naman ako ganyan sa lahat." Ngumiti siya sakin at kinain yung isang piraso ng lays AT nag wink sakin. Eww.

"Tse! Dyan ka na nga!" Pumunta ako sa bakanteng table malayo sa kanya at ng barkada niya. Hay! Bwisit talaga. Nakaka-BV siya!

Kinain ko ang pizza ko nang nag vibrate yung phone ko.

From: +63916*******

Huy! Bat ka andiyan?!

To: +63916*******

Sino ka?

From: +63916*******

Ugok! Si Aidan toh! Pumunta ka dito at baka makahalata sila!

To: +63916*******

Ugok ka rin! Ikaw ung hndi nagpaklala. UGOK! Dto na muna ako. Tatapusn ko lng tng knakain ko! Maghintay ka!

From: +63916*******

Tsk! Dalian mo!!

BV'ng-BV na ako ngayon. Haay! Bwiset! Dinalian ko na ang pagkain ko. At bumalik na sa tabi ni dan-dan.

"Okay! Dahil kumpleto na tayo, maglalaro tayo ng spin the bottle. truth or dare toh ha?!" Sabi ni ewan, di ko kilala. Di ko maalala ang name niya.

"Wooh!" "Game!" Sabi ng iba. Excited sila, grabe.

Nag spin na yung bottle.

Kay James natapat. "Truth or dare?" Sabi ni ewan.

"Dare!" Sayang-saya na sagot niya.

"I-kiss mo sa lips si Aidan. HAHAHAHA!" Tumawa ang lahat pati ako. Haha. Talking bout bromance.

"Yun lang pala eh." Tumayo si James sa upuan niya.

Lumapit siya kay Aidan, si Aidan naman, galit na galit. Hinawakan ni James yung magkabilang pisngi ni Aidan at palapit ng palapit ang mukha nito sa kanya. Nagpupumiglas si Aidan hanggang. . . BOOM!!. . . Hinalikan siya ni James. 1. . .2. . .3 seconds bago humiwalay si James. Eww! Tumawa ang lahat pati si James. Si Aidan naman kumuha ng maraming tissue at ipinahid sa lips niya.

"Nice one, James!" Sabi ni ewan.

"Dan-dan, sino ba yang nag spi-spin ng bottle?" Bumulong ako sa kaniya. Pinupunasan niya pa rin ang labi niya.

Sinagot niya naman ako NG MAAYOS. "Yan si John, playboy at pinaka kengkoy sa barkada." Tinuro niya ang naka polo shirt na red. "Yan naman si Rafael, pinaka weird sa amin. May sariling mundo ata." Sinagot ko naman siya. "Ahh, parang ikaw? De, joke lang!" Nag peace sign ako. "Tumahimik ka nga. Yan naman si Kim, pinaka matalino sa amin. Yang naka-blue, yan si Troy! Model yan. Well, model naman kami lahat pero siya ang pinaka sikat." Troy? Oo! Yan nga yung nag invite sa fb ko! Aruy! Ang gwapo ha! "Huy! Nakikinig ka ba?!" "Oo!" Sagot ko naman. "Si James, yan ang the ultimate playboy ng barkada. Casanova kumbaga. Wag kang lalapit dyan, baka mahulog ka sa bitag niyan. Marami na yang naka one night stand eh." Eww. Baka may STD na yan ha. Hahaha. Di siguro.

"Tapos na kayo sa pagbubulungan diyan?" Nagtanong si John.

"Ahh, ehh. Oo, sorry sa distorbo. Sige na. Spin mo na." Tumawa lang siya at nag spin na naman. Di ko namalayan na kami na lang pala ang hinihintay nila.

Nag spin na yung bottle at PAK! Sakin ito tumigil.

"Truth or dare?" Ang sama ng tingin ng mga babae sakin.

Mag truth na lang kaya ako? Boring naman. Dare nalang para may adventure!

"Dare!" Ngumiti lahat ng lalake.

"Okay! Ako magbibigay ng dare." Sabi naman ni James. "Halikan mo ako ng isang minuto. Hindi yung smack lang ha? Dapat yung torrid." Torrid? Ano yun? Parang hindi yun magandang salita ah. At hahalikan ko siya? Di ko ata kaya yun! Bata pa ako! Heeelp!

"Ha? Wag yan. Iba na lang! Please. Grabe ka naman!!" Nagmamakaawa ako sa kaniya.

"Wala namang malisya eh. Friendly kiss lang naman. Sige na!" Bwisit tong James na toh! Binigyan ko si dan-dan ng "help me!" look. Papalapit na si James sakin.

"Pare, pwede ba? Baka gusto mong masuntok ng di oras." Biglang nag butt in si dan-dan. Haay! Salamat at nakuha niya yung gusto kong iparating.

"Sige na pre! Friendly kiss lang naman eh!"

Bastos talaga nitong James na toh!

"Sorry pare pero hindi mo yan pwede gawin sa girlfriend ko, nahalikan mo na nga ako pati ba naman girlfriend ko?! Hindi na yan tama! Hindi lang ako nag react kanina kasi baka sabihin niyong ang kj ko. Tsk! Halika na nga Tine! Sirang-sira na yung gabi ko." Hinila na niya ako palabas ng bar.

to be continued. . . . . .

______________________

Ayan! Mukhang bakla si Aidan dito noh? Haha.

Sana nag enjoy kayo!

Vote kung nagustuhan!

~~thebubblydaisy

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon