Chapter 8: Preparations.

183 4 0
                                    

Tadaaa~~ !

Enjoy reading! :)

__________________

"Wait, will you be my girlfriend?"

"Wait, will you be my girlfriend?"

"Wait, will you be my girlfriend?"

"Wait, will you be my girlfriend?"

"Wait, will you be my girlfriend?"

Paulit-ulit yung sinabi niya sa utak ko.

"Uhh, Tine?"

"H-ha? Hoy! Ano ako? Easy to get? Gwapo ka pero eww, hindi ko kaya maging gf mo noh! May karapatan rin akong maging choosy kahit ganto ako.! XP"

"Tsk, it's not what you think. I need you to be my girlfriend just for this night. Please. I'll pay you."

Nagmamakaawa siya ngayon. Ano namang trip nito? Bwiset! Umi-english pa. Parang dudugo na yung ilong ko dito. Help!

"At bakit naman?! At wag ka ngang mag-iningles dyan at wala akong maintindihan!"

"Uhh, Tine?" Tinuturo niya ang mukha ko.

"Ano?!?"

"Yung ilong mo. Dumudugo." Ha? Hinawakan ko yung ilong ko. HUMAYGAD!! Dumudugo talaga. Nakakahiya! "Kasalanan mo to eh!" Kinuha ko yung panyo ko at ipinahid sa ilong ko. Tumingala muna ako para hindi na dumugo yung ilong ko. Umalis siya at bumalik agad na may dalang shake. Nakakaewan talaga tong lalakeng ito, may gana pang bumili ng shake!

"Here, drink it. It might stop the bleeding, i think." Aba. Aargh. Kinuha ko nalang at baka nga humupa na ang pagdurugo ng ilong ko.

Ininom ko naman. Hmm. Sarap! "Salamat." Umirap ako.

"Oh, ano na? Payag ka na?" -siya

"Teka, kailangan ba talaga. Bakit? I-explain mo muna. Kung maganda yung rason, okay. Kung hindi, aalis na ako at hinihintay pa ako ni Karl." Sabi ko habang nakahawak sa bewang ko.

"Magkasama kayo ni Karl ngayon? Bakit?"

"Ano naman sayo? Ayaw mo magpaliwanag? Sige bye!" Nag wave ako sa kanya.

"Tsk. May lakad ang barkada ko ngayong gabi at kailangan namin dalhin ang gf namin. Ehh, wala akong gf ngayon at ikaw na ang nakita ko. Ayaw ko naman mapahiya sa barkada ko. Baka pagtripan na naman ako mamaya. Ano? Okay na?" Kinamot niya yung batok niya.

"Hmmm, ano naman ang kapalit? Ha?" Aabusuhin ko nato. Haha. Kung naging mabait lang siya sakin eh. Pera nalang yung hihilingin kasi may party kami. next saturday na rin pala yun. Naku! Masquerade pa naman ang theme, sabay sa uso rin tong school namin eh. Gaya-gaya.

"I'll pay you. 3 thousand per hour. Ano? Okay na ba?"

"Sige, sige! Game! Heto ha. GF mo ako ngayong gabi. Bawal maging touchy. At no strings attached ha? Ayaw kong masira ang titulo kong NBSB."

"Feeling mo naman. Akala mo gusto ko 'to?"

"Ahh, baka akala mo gusto ko rin toh? Huy! Napilitan rin lang ako noh? Kung may pambili lang ako ng dress ko para sa party eh hinding-hindi ako sasama sayo!" Haay. Nakaka ano na talaga siya ha.

"Tss. Halika na. Bibili pa tayo ng damit mo para mamaya."

Hinila na niya ako sa isang boutique na mukhang mamahalin ang mga ibinibenta.

"Wait! Kanina pa nagvi-vibrate yung phone ko eh. Tatawagan ko rin si Karl at sasabihan na hindi na ako makakabalik."

Pagtingin ko sa phone ko. . . O.O . . . 17 missed calls at 20 unread messages. Nakkuuu. Binasa ko yung mga text. Puro text lang ni Ann na 'huy san ka na ba' hanggang 'uwi na ako. Grabe ka! Iniwan mo ko dito kay Karl! xp' huhuhu, nagalit siya.

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon