Chapter 17: Conversations got boring.

152 3 0
                                    

Enjoy reading!! :)

_______________________

(Khristine's POV)

"K-karl? Ang dali mo naman nakarating. Hehe, pasensya na kay dan-dan, inantok sa kakabantay sakin eh." Tulog pa rin si dan-dan at nakahiga sa hita ko.

"Bakit andito siya? At bakit nakahiga siya sa hita mo?" Tinuro niya si Dan-dan na parang ang himbing ng tulog sa hita ko.

Hinawakan ko yung buhok ni dan-dan. "Ah, ito. Kakasabi ko lang diba? Paulit-ulit ka talaga." Tumawa ako ng mahina.

Umupo naman si Karl sa beanbag namin. Natawa ako kasi mukha siyang nalunod sa beanbag. Parang tanga lang siya XD

"Bakit ka ngumingiti?" Tanong niya sakin.

"Shh! Wag ka masyadong maingay! Tulog si dan-dan eeh!" Mahinang sabi ko.

Inirapan naman niya ako. Bakla lang te? Haha.

"Hmm-hmm, ang ingay mo naman Tine!" Reklamo ni dan-dan. Mareklamo masyado! Nangangawit natong hita ko sa bigat ng ulo niya!

Tinignan naman siya ni Karl na parang naiirita. "Dan-dan." Tinapik-tapik ko yung pisngi ni niya.

"Ano?!" Nakapikit pa rin siya. Suplado!

"Ang sakit na ng hita ko. Namamanhid na. Aray." Hinihimas ko yung hita ko. namamanhid na talaga siya. Bigla naman siya tumayo.

"Tsk! Mareklamo ka talagang babae ka!" Huwahw ha! Siya pa ang may gana magalit.

Nag butt-in naman si Karl. "Wag mo nga sigawan si Khris!"

"Oh? Bat ka andito?" Tanong ni dan-dan na parang walang nangyare.

Tinignan naman siya ni Karl na parang naninindak. "Bakit? Ikaw lang ba ang pwede pumunta dito?"

"Inimbita ka ba niya?" <.<

"Bakit? Ikaw inimbita ka ba niya?" >.>

"Wag mo ngang ibalik sakin yung tanong ko!" <.<

"Bakit hindi ka makasagot?" >.>

"Ikaw nga hindi makasgot diyan eh." <.<

>.<

"Pwede bang tumigil na kayong dalawa?! Wala akong inimbita sa inyo! Haay! Sumasakit yung ulo ko sa inyo! Bwisit!" Nakaka ewan na talaga eh! Walang sense yung pinag-aawayan nilang dalawa. Napapahilot tuloy ako sa ulo ko.

"Sorry, Khris." Sabi ni Karl.

"Okay lang. Pwede wag na kayong mag-away? Walang katuturan yung pinag-aawayan niyo eh. Wooh!" Naghingang malalim ako.

Nag-ring yung phone ko.

*rrrring!*

"Hello?"

-khristine? Kasama mo ba si Karl ngayon?" Si Ann pala yung tumatawag.

"Oo, bakit?"

-wala lang. Pahingi naman ng number niya.

"Haha, sure-sure. Bakit?" Tinignan ko si Karl.

-wala lang, wag kang maingay ha, pero feeling ko, may something na ako para sa kanya.

"What?! Hahahaha! Ang dali naman!"

-basta! I-send mo sakin yung number niya ha?! Kwento ko nalang sayo kung magkikita na tayo. Bye!

"Bye! Love you! Mwah!" In-end ko na yung call. Pagtingin ko sa dalawa, nakatulala lang.

~~~~~~~~~~

(Karl's POV)

May tumawag kay Khris.

"Hello?"

. . . . .

"Oo, bakit?"

. . . . .

"Haha, sure-sure. Bakit?" Tinignan niya ako.

. . . . .

"What?! Hahahaha! Ang dali naman!"

. . . . .

"Bye! Love you! Mwah!"

May pa ganyan-ganyan pa siya. Sino kaya yung kausap niya.

"Khris? Sino yung kausap mo?" Tanong ko sa kanya. Para tuloy akong tsismoso nito. =__=

Nag tetext siya. "Ahh, wala-wala." Anong wala? Kitang-kita na may kausap siya eeh.

"Sino nga?" Kinukulit ko siya ngayon. Nakakaintriga talaga.

"Alam mo? Ang tsismoso mo! Haha. Si Ann yung kausap ko!" xpp

Akala ko naman kung sino. Wooh! Buti nalang at mukhang hindi naman toh kerengkeng si Khris. Haha.

~~~~~~~~~~

(Khristine's POV)

"Hmm, Khris? May lakad ka ba bukas?" Tanong ni Karl.

"Ako? Wala naman." Parang meron pero wala naman siguro.

Kinurot ako sa tagiliran ni dan-dan. "Aray! Bat mo ako kinurot?!"

Inirapan niya lang ako. Bwisit talagang lalake!

Nagsalita na naman si Karl. "Aah, so pwede tayong lumabas bukas?"

Ngumiti naman ako kasi nakakabagot kaya dito sa bahay at tapos na naman yung midterms so. . .

PARTYY! PARTYY! ^__^

"Sige, sige. Game." Pagkasabi ko nun, kinurot na naman ako ni dan-dan na patago pero sa tagiliran pa rin.

Aba! Namumuro na siya ha!!

"Bwiset, dan-dan! Kanina ka pa ha?! Anubang problema mo?!"

Lumapit naman siya sa tenga ko at may ibinulong.

"Baka nakakalimutan mo na may friendly date tayo bukas?" Nanggagalaiting sabi niya.

Hinarap ko naman siya. "Ahhh~ oo nga noh? Muntik ko nang makalimutan."

Hinarap ko naman si Karl na parang natatae yung mukha. Haha.

"May friendly date pala kami bukas nito ni dan-dan, Karl. Nakalimutan ko. Haha." Sumimangot naman yung mukha niya.

"Ahh, so pwede akong sumama? Friendly date lang naman diba?" Nag-smirk siya kay dan-dan.

???

"Sige! Para masaya!" Ang saya siguro bukas kasi kasama ko yung dalawang bestfriend ko!

Sumingit naman si dan-dan. "Date nga diba? Pangdalawang tao lang?" Pilosopong sabi ni 'pilosopo dan-dan'

Oo nga, saan ka nga naman nakakita ng date na pangtatluhan?

"Ay, oo karl. Tama siya." Tinuro ko si dan-dan gamit ang thumb ko.

Nginitian naman siya ni dan-dan na parang loko-loko. Tinignan ko yung mukha ni Karl. Parang

galit na galit! Wooh! Ang init tuloy dahil sa tensyon na namamagitan dito sa dalawa.

*toot toot!* (tunog ng phone ni Karl)

Kinuha niya yung phone niya at parang binasa niya yung message galing kay ewan. Hindi ko na yun problema.

Pagbasa niya, nasira yung mukha niya. . . . Tsaka naman siya ngumiti sakin ng napakalaki.

"Khris, how about a double date tomorrow?" Tinignan niya si dan-dan at nag-smirk.

to be continued. . . .

_______________

Yan lang. Hahaha!

Vote! Kung nagustuhan!

Anong team kayo? Aidine o Karline? COMMENT BELOW!! Haha. Ang panget ng "Aidine" ~__~'

Next chapter: the double date!

~~ thebubblydaisy

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon