Chapter 18: Our friendly date.

148 5 1
                                    

Enjoy reading!! :)

Vote, comment, and be fan! (Kung gusto niyo lang! Kk? ^__^)

________________

"Ouch, ouch, ouch. Haaay, tapos na rin." Ang sakit naman maglagay nitong eyeliner.

Nag-p-prepare ako ngayon kasi nga diba? May lakad kami ni dan-dan at double date pa! Hmf! First time kong makipag-date ngayon! Pero, friendly date lang naman pero, kahit na!! Date pa rin yun!

Nagsuot lang ako ng purple na dress. Floral siya pero dominant parin yung color purple. Nag light make-up rin ako. Yung buhok ko naman, wala lang. Nakalugay lang, wala naman kasi akong kilalang hair style!

Mirror check: gandang di mo inakala! Tsk3. XD

Sila mama pala, ayun! Hindi pa daw sila uuwi kasi magbabakasyon nalang rin daw sila dun para 2-in-1 yung purpose ng pagpunta nila. Huhuhu! 2 more weeks of hell! Wala akong kasama dito sa bahay. Si bubby lang! Naka cage siya sa labas kasi may allergy nga ako. Pinupuntahan ko lang siya dun kapag papakainin na.

Kagabi?! Dito sila natulog dalawa sa sala. Hahaha! Mayaman nga, dito naman natutulog sa munti naming bahay! Natatakot na nga ako kasi baka ano pang sabihin ng mga tsismosang kapitbahay namin! Umuwi naman sila agad siguro kasi pag-gising ko, wala na sila.

.

.

.

Bumaba na ako at ni-lock yung pinto. Paglabas ko! Si dan-dan, naghihintay na.

Lumapit ako sa kanya.

^__^ "hi dan-dan!" Ki-niss ko siya sa cheeks. Huy! Baka kung ano na yang pinag-iisip ninyo ha?! Friendly kiss yun kasi bf ko na siya! Bf, as in BESTFRIEND!! Wala ng hiya-hiya pa. Wala naman ring kwenta yung first kiss ko. Ninakaw ng bwisit na toh.

Nagulat naman siya. "P-pasok!!" Tinulak niya ako papasok sa bago niyang sasakyan. Kulay red na kamukha ng sports car. Ewan kung anong tawag nito! Hindi ako familiar sa mga cars.

Pagpasok ko. "Hmmm~ ang bango naman ng sasakyan mo! Kailan mo toh binili? Ngayon ko lang toh nakita." Hinimas-himas ko yung seat cover. Grabe! Iba talaga pag mayaman! Type na type ko yung amoy ng sasakayan na bago. Haha.

"Pinabili ko toh kay mama kahapon." Huwaw ha! Parang laruan lang yung pinabili.

"As in?! Iba talaga pag mayaman. Asan na yung isa? Akin na lang yun!" Pabirung sabi ko.

Tumingin siya sandali sakin. "Gusto mo yun? Hindi ka naman marunong magmaneho." Supladong sabi niya.

Soooo! Ibibigay niya talaga kaya yun kung marunong ako magmaneho? Haha. Di siguro.

"Kung marunong ako magmaneho? Ibibigay mo sakin yun?"

"Oo. Sus! Yun lang pala eh." Aai!! Sayang naman. Sana hindi nalang ako nagtanong. Hindi pa siguro ako nanghihinayang ngayon. Huhu.TT.TT

"Sayang naman. Huhu! Waah! Nakakainis tuloy."

"Tumahimik ka nga diyan! Ang ingay mo. Nadidistract ako."

Tumahimik nalang ako kasi mahirap na! Baka ibangga niya pa tong sasakyan.

Andito na kami sa mall ngayon ni dan-dan.

Humawak ako sa braso niya. "Dandidandan! Saan sila Karl?"

Tinignan niya naman ako. "Tsk! Wag ka ngang magtanong sakin kung saan sila. Am I Karl's keeper?! At tigilan mo na ang pagtawag sakin ng dan-dan o kung ano-ano pang nicknames na yan. May pangalan ako. AIDAN!"

Pinalo ko naman yung braso niya. "Hambwisit talaga yang ugali mo, dan-dan! Aargh!" Inirapan ko siya.

"Kung ayaw mong sabihin, tatawagan ko nalang siya." Kinuha ko yung phone ko sa pouch at nag-dial ng number ni Karl.

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon