Hello! Heto na ang chapter 16!
Btw, you can add me in facebook. Hindi ako snob! Accept ko kayo agad.
At sa lahat ng wattpad readers na nag-add ng book ko sa reading list nila, maraming salamat! Iisa-isahin ko kayo ng dedications! Haha.
VOTE! COMMENT! AND BE A FAN! (Kung gusto niyo lang. Haha. Hindi ko kayo pinipilit. Okay?)
Enjoy reading!! :)
________________________
(Khristine's POV)
haaay! Tapos na rin yung midterms!! Grabe! Ang hirap ng accounting ha! Dumugo yung ilong ko. Literal na dumugo. Na-shock nga ang buong klase eh. Haha. Buti andyan si Karl at dan-dan na handang magbigay ng tissue kahit kelan ko kailangan. Drama na ba? Okay.
By the way, Isang buwan na pala kami mag-bestfriend ni dan-dan. Kami lagi tatlo ang magkasama. Inalok ko na rin si Karl na maging bestfriend ko na rin, siya naman, excited na excited! Hahaha. Ang saya ko nga eh kasi kada lunch time, libre yung lunch ko. Palagi kasi nila akong nililibre, ayaw ko nga eh pero mapilit talaga sila. Eh, may magagawa pa ba ako? Grasya galing sa langit na yan nuh?!
May nang-aaway na nga sakin na mga babae kasi daw playgirl ako! Ako?! PLAYGIRL?! Wala nga akong syota. Sinasabay ko daw silang dalawa. Huwaw naman! Campus heartthrob kasi yung dalawa eh. Ako? Wala. . . Campus. . . Campus girl. Haha. Meron ba nun? Wala akong title dito eh.
Lumabas na ako sa classroom kasi gusto ko na talagang matulog! Isang linggo na rin akong puyat noh. Feeling ko na nga, lantang-gulay na ako. Yung eye bags ko pwede na ibenta. Hindi na ako nagpaalam sa dalawa kasi nag ta-take pa sila ng exam. Ewan kung bakit ako natapos agad. Wala na kasi akong maisagot.
Naglakad na ako sa hallway. Feeling ko, ang haggard kong tignan. Wala na kasi akong time na makapagsuklay kanina. Inunahan ako ng kaba eh.
"Khris!"
"Tine!"
Sunod na sabi nilang dalawa. Hindi na ako magwo-wonder kung sino yung tumawag sakin. Sila lang naman nagtatawag sakin niyan eh.
Hinarap ko silang dalawa. "Ano?!"
Lumapit una si Karl. "Uuwi ka na? Ihahatid na kita." Kinuha niya yung bag ko.
Kinuha ko naman ito pabalik saka lumapit si dan-dan. "Huy! San ka pupunta?!" Tanong niya.
"Pwede bang wag muna ninyo akong kulitin? Masamang-masama yung pakiramdam ko ngayon. Sige!" Naglakad na ako nang umitim lahat ang paligid ko.
*BLAG!!*
~~~~~~~~~~~~~
"Okay na ba siya, doc? Parang maputla kasi siya eh."
"She's okay, she's just suffering from over fatigue. Dahil siguro sa pressure dahil midterms tsaka kulang sa tulog."
"Oh, sige doc, salamat."
"Okay, iho. Maiwan ko na kayo dito."
Ang ingay naman. Binuka ko yung mata ko.
0.0
San ako? Bakit puro puti ang paligid? Bakit? Nasa langit na ba ako? Wait, nag bye2 ako sa kanilang dalawa at. . . Wala na akong maalala. Huhuhu.
May nag-open ng kurtina. Nasa clinic ba ako?
"Hello, okay na ba yung pakiramadam mo?" Tanong ni dan-dan na nakangiti. Ganyan na siya mula nung naging bestfriend kami. . MINSAN LANG! Suplado pa rin palagi. Pero buti nalang diba? Bumait siya ng mga 3%. Wew!
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Right [ongoing]
Teen FictionMs. NBSB? Ms. Manhid? Ms. Assuming? Do you mean: Khristine E. Martinez? Subaybayan ang buhay single ni Khristine at ang kanyang journey sa paghahanap kay Right G. Uy. Enjoy reading!!