Chapter 13: THE ACQUAINTANCE PARTY!!

188 3 0
  • Dedicated kay Mary Ann G.E. (ang broken hearted na bestfriend ko XD)
                                    

Heto na ang party!

Enjoy reading!!

____________________ 

(Khristine's POV)

huhuhu! Kami na talaga ang partner ni dan-dan! Sayang talaga, kung si Karl siguro yun, naku! Napakasaya, pero kasi eh! Anu ba kasi yung ginawa niya sakin! Ayan tuloy! Si dan-dan na walang kabuhay-buhay yung kasama ko.

Andito pa pala ako sa bahay namin, nagpre-prepare para sa acquaintance party. Nagpadala nalang si mama dito ng make-up artist para daw hindi na masyadong hassle. Suot-suot ko ngayon ang bigay ni dan-dan na dress at yung isusuot ko naman na mask ay hindi na yung bigay ni Karl, kundi yung bigay pa rin ni dan-dan. Gold ito na may maliliit na butterfly designs tapos may feather na yellow. Take note! Binigyan niya rin ako ng sapatos na color black na may glitters. Ganda! Mukhang mamahalin. Akalain mo, palabigay pala yun si dan-dan? Hahaha!

Pumasok na rin pala si Karl kahapon. Nag-sorry na siya at pinatawad ko na rin siya. Magpapakipot pa ba ako? Haha. Parang dumidistansya na nga siya eh. Hindi niya ako sinundo kahapon. Na-late tuloy ako. Nasanay kasi ako na 7:00am na lalabas ng bahay kasi palasundo nga iyon si Karl.

Si Dan-dan lang ang aking kasama buong araw kahapon at napaka productive niyang kasama! Walang ginagawa eh. Hahaha. Pero mas okay na rin yun kasi parang bumabait siya ng mga. Hmm. Hmm. Mga 0.01% siguro. Pero atleast dba?! Malaking progress na yun!

"Ayan! Okay na! Lalo ka pang gumanda." Sabi ng bakla kong make-up artist. Binuka ko na yung mata ko kasi yun yung pinakahuli niya minake-upan.

O.O

OHMYGOLLYWOW!!

Ang ganda ko te! Naku! Grabe!

Pumasok naman si mama sa kwarto ko. "Wow, ang ganda naman ng anak ko! Manang-mana sa nanay!" Hinawakan niya yung balikat ko. "Dalagang-dalaga ka na talaga. Kailan ka ba mag bo-boyfriend?" Tinitignan niya ako sa pamamagitan ng salamin na maliit. Yung half body lang ba.

Tumingin ako sa kanya. "Mama naman eh! Maganda naman talaga ako. . . . sa mata mo! Haha. At anong boyfriend-boyfriend? Ayaw ko pa nun!"

Kinuha niya yung kamay niya sa balikat ko. "Bakit ba? Pwede naman eh. Wag ka lang gagawa ng isang bagay na pagsisihan mo habang buhay." Haay, si mama, maglilitanya na naman.

Tumayo na ako at lumakad papunta sa malaking salamin namin na hanggang paa yung haba. Hangganda naman talaga ng dress na ito. Hinawakan ko yung laces na nakakabit sa dress. Lalo siyang gumanda nung sinuot ko. Promise! Tapos, naka-add pa sa ganda yung buhok ko na parang kinulot tapos bri-naid na nasa right side ng shoulder ko.

"Huy!" Sigaw ni mama.

"Ay! Halimaw!"

"Tama na yang pagtutok mo sa salamin at bumaba ka na at ihahatid ka na ng papa mo." Bumaba naman ako agad at sumakay sa mumunting kotse namin. Hindi kase kami pwede sunduin ng partner namin kase para surprise daw. Eh, masusurprise ko kaya yun si dan-dan? Hindi naman yun marunong umappreciate.

Tinignan ako ni papa. "Alam mo anak? Ang ganda mo ngayon. Akala ko magiging pangit ka habang-buhay eh." Tumawa siya ng mahina. Aruy! Sakit nun ha.

Nagsimula na siyang magmaneho papunta sa hotel kung saan gaganapin ang party. "Bakit mo naman nasabi yan pa? Sama mo naman." Pabirung sabi ko.

Tumawa na naman siya. "Ang pangit mo kasi nung bata ka pa. Mukha kang si kiray. Aba! Sinong mag-aakala na magiging ganyan ka kaganda."

"Sama mo naman pa." Pinalo ko siya ng mahina sa braso.

Ngumiti lang siya. Pangit talaga ako nung bata pa ako. Hindi ako dumaan sa pagiging cute, hahaha. Hindi pa nga ako nasali sa pagiging flower girl sa isang kasal. Napaka sad diba?

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon