Chapter 10: Everybody Happy.

170 5 0
                                    

Enjoy reading!! :)

___________________

Nasa labas na kami ng bar ni dan-dan. Parang nagalit talaga siya sa ginawa ni James. Well, nagalit rin ako kasi feeling ko, nabastos ako.

"Dan-dan? Okay ka lang ba?" Hinawakan ko siya sa balikat.

Hinarap niya ako. "Do I look like I'm okay to you?!"

"Sorry." Tumingin nalang ako sa sahig.

"No, it's not your fault. Na bad trip lang talaga ako kay James." Hinila na niya ako papunta sa sasakyan niya.

Nagmaneho na siya. Parang ang seryoso niya ngayon. Haha. Ganyan pala siya palagi."U-uh, san tayo pupunta? Hindi ito yung daan pauwi samin."

"May dadaanan lang tayo. Is it okay with you? 8 pa naman eh."

8 pa pala? So dapat yung ibayad niya sakin, bale 6 thousand? Napapangiti tuloy ako kasi marami na rin akong mabibili sa 6,000php.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?! Para kang sira!"

"Anuba?! Bawal na bang ngumiti?! Ang kj mo talaga noh?!"

"Tsk!" Nagmaneho na lang siya habang ako ngumingiti pa rin. Di ko pa rin nalilimutan na may 6,000 akong matatanggap dahil lang sa pagsama sa kanya. Heehee!

Nagsalita ulit siya. "Andito na tayo! Huy!"

"Ay pupu!! Anuba?! Ano na naman?!"

Kinamot niya yung ulo niya gamit ang dalawa niyang kamay. "Sabing andito na tayo eh!"

Tumingin ako sa labas at W-O-W!! Ang lake ng bahay!! Parang bahay ni Manny Paquiao!

"San ba tayo? Bahay toh ah."

"Sa bahay ko!"

"Ha?! Akala ko bang may dadaanan tayo? Eehhh! Iuwi mo na ako! Waah!!" Para akong bata ngayon na ngumangawa.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at hinarap ako sa kanya. "Pwede bang tumigil ka na?! Ikaw ang may dadaanan. Halika na nga. Baba!" Lumabas siya at binuksan ang pinto ko.

Pagbaba ko, hinila na niya ako agad papunta sa loob ng bahay nila. Ameyzing naman dito sa loob! Pang magazine ang set-up! Pinaupo niya ako sa napakamalambot na sofa nila at umakyat siya sa taas. May katulong naman na lumapit sa akin at inofferan ako ng juice.

"Ahh, okay lang ate. Hehe. Salamat."

Umalis na rin siya. Pumunta ako sa isang malaking tukador at tinignan ang mga pictures na naka frame. Ang gaganda naman ng lahi ni dan-dan! Iba talaga pag lahing mayaman.

"Huy!"

"Ay kabayo!" Nagulat ako kasi sumigaw siya malapit sa tenga ko. Hindi ko siya na malayan kasi busy ako sa pagtitig sa mga pictures.

"Ano ka ba?! Palagi ka na lang nagugulat! Parang hindi ka sanay sa tao!" Aba!

"Huy! Hindi ako caveman! Wait, ano ba yang hawak mo?" Tinuro ko yung malaking box na hawak niya.

Ibinigay niya naman ito agad sakin. Binuksan ko at. . . :D

"Waaaah!!!! Ang dress kanina!!! Akin na ba toh?!?!"

Pagbukas ko kasi, nakatambad yung crush na crush kong cocktail dress kanina.

"Hindi, baka akin yan." Sarcastic niya namang sagot. Haay, pero ha? Happy talaga ako ngayon!

"Salamat dan-dan!" Inilagay ko sa table yung box at hinug ko siya ng mahigpit. Hmmm~ ambango naman niya. Hindi ko namalayan, nakahawak na rin siya sa likod ko at ipinatong niya ang ulo niya sa ulo ko. Napadilat tuloy ako at humiwalay sa yakap niya.

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon