Chapter 11: Yes! I'm an ICE princess!

213 4 2
                                    

Hello, readers!

Enjoy reading!! :) 

____________________

Papalabas na ako ng bahay papuntang eskwela. Excited ako kasi first time kong isuot yung uniform ko. Civilian kasi kapag first week pa. Hang cute ng uniform namin!! Libre rin toh. Full scholar ang manang niyo eh. Haha. 

Wait! Huhu. Ngayon ko lang naalala, may quiz pala sa History.

Nabigla ako sa nakita kong sasakyan sa labas ng gate. Kanino ba ito? 

Lumapit ako nang may nagsalita. 

"Good morning Khris!"

"Ay, halimaw!!"

"Ouch. Hahaha." Tumawa lang siya.

"bat ka andito?"

"Sinusundo ka! haha. Karl at your service!" Nag bow siya na parang servant na ewan.

Pinatayo ko siya ng maayos. "Pwede bang wag mo akong sunduin? Rumarami na ang utang ko sa iyo ah."

"Sus! Okay lang. Basta ikaw!" Nag wink siya sakin. Binuksan na niya ang pinto sa harapan ng sasakyan niya at hinintay akong pumasok. Pumasok na rin siya sa sasakyan at nagmaneho na.

"Parang ang saya mo ngayon ah." Sabi ko. Hindi kasi nawawala ang ngiti sa mapupula niyang labi.

"Oo nga, ewan! Hindi ko alam ang rason."

"Mabuti naman. Heehee. Saya ko nga eh." Tinakpan ko yung bibig ko kasi ang laki ng ngiti ko.

"Para kang sira. Bakit ka ba masaya?"

"Eh kasi, si dan-dan, binilhan niya ako ng dress para sa party. Hmm. Ang ganda at ang mahal pa. Hindi talaga ako nag-expect na gagawin niya yun. Hmm"

Sumimangot naman siya at nagsalubong yung dalawa niyang kilay.  

"Sus! Sa akin ka na lang sana nagpabili. Dress lang pala eh!"

"Eeeeeh! Iba yung sa kanya eh. Hindi ko siya pinabili pero binili niya! Alam mo bang malaking turn-on yan sa mga babae? Aaaaaaaaiii!" Napasigaw ako sa kilig!

"Tumahimik ka nga! Ang babaw mo naman!" Ayy? Nagalit si kuya? Hahaha.

"Eeeh. Haha. Hayaan mo na ako!" Pinark na niya yung sasakyan niya sa loob na university. Lumabas siya at binuksan yung pinto ko.

"Salamat." Hindi siya umimik at kinuha yung bag ko at hinawakan yung kamay ko habang naglalakad.

"Huy! Huy! HUY!" Sinigawan ko na siya. Nakakainis eh, hindi ako pinapansin.

"Ano?" Tumingin siya sakin.

Kinuha ko yung back pack ko na nakasabit sa balikat niya. "Anuba? Bigla-biglang nagbabago yung mood mo? May nagawa ba ako? Kung may nagawa ako, sorry! Okay na?"

"Sorry ha? Haay! Ewan ko, bigla nagbago yung mood ko eh."

Natawa ako. "HAHAHA! May dalaw ka ba ngayon? Haha!"

Hindi niya na naman ako pinansin at hinawakan na lang ang kamay ko papunta sa classroom. 

Pagpasok namin, andun na si dan-dan sa upuan niya. Nginitian lang siya ni Karl. Si dan-dan naman, nakasimangot pa rin as usual.

"Hi dan-daan!" Binitiwan ko ang kamay ni Karl at pumunta sa harapan ni dan-dan. At alam mo kung ano ang sinabi niya pabalik? Wala! Wala siyang sinabi! Inirapan niya lang ako at nagsulat sa notebook niya.

Bigla ko naman naalala na may quiz pa kami sa history. Umupo ako agad at ibinuklat ang history book ko.

"Good morning, class!" O.O

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon