Chapter 6: Dinner with the cockroach.

207 6 0
                                    

Heeetttoooo na!! Di na'to POV ni Aidan ha.

Gusto niyo bang gawan ko rin ng POV si Karl?

Comment lang mga guys! Pwede niyo rin ako i-message.

Asahan niyong magre-reply talaga ako.

_______________________

(Khristine's POV)

Iniwan akong mag isa ni meno. Ang kati ng ilong ko. Kainis kasi, ang tapang na amoy nung perfume niya. Mabango naman, ang tapang lang ng amoy.

"Khris!" Andito na si Karl. Nagsimula na rin mag sulputan ang iba ko pang kaklase.

"Oy, Karl." :)

"May utang ka pa sakin ha? May assignment ka ba sa english? Di ko kasi nabasa yung story eh. Nakatulog ako "

"Oo nga! Pa ulit-ulit ka ha. Akala ko ba na hinding-hindi ka mangongopya sakin ha? Ang tamad."

"Sige na! Pakopya na! May bilib naman ako sayo eh." ;)

Aba, may pa-wink wink pang nalalaman. Inabot ko nalang ang notebook ko. Walang choice eh. Kukulitin lang ako niyan.

"Ibigigay rin naman pala."

"Akin na nga." Akmang kukunin ko yung notebook ko.

"Joke lang. Di ka naman mabiro. Haha."

"Che!"

Bumalik na si meno. . . Parang may naiba sa kanya. Ayun! Iba na yung damit niya! Arte talaga. Ang aksaya niya sa damit ha! Di kaya. . . . . Nagpalit siya para mawala ang amoy ng perfume niya? Hmmmmmnnndi rin siguro. Yan? Halimaw yan eh. Hahaha.

Pumunta na siya sa tabi ko at tinititigan ako.

"Ano?! Anong problema mo?" Tanong ko. Nakakainis naman tong pangit nato.

"Di ka lang ba mag tha-thank you ha?"

"Bat naman ako mag tha-thank you sayo? Ano naman ang ginawa mo para sakin?"

"Ano ka ba?! Nagpalit pa ako ng damit para sayo! Di mo man lang napansin! Grabe ka."

"Ano naman sakin kung magpalit ka ng damit? May putok ka ba at kailangan mong magpalit ng ganito kaaga? Well, salamat pala. Hahaha. Mas kaya ko pa ang amoy ng pabango kesa sa putok mo. Hahaha" tawang-tawa ako sa mukha niya ngayong nakabusangot. Kinulbit ko si Karl na busyng-busy sa pangongopya.

"Ano?" Sabi niya na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa notebook ko.

"Si Aidan, may putok."

Napatigil siya at tumawa. "BWAHAHAHA!"

Sumingit si Aidan. "Hoy, babae! Hindi yan totoo! Shit! Wag ka ngang magkalat ng tsismis!"

"Hahahaha. Wag na Dan! Hahahaha!" Nag-apir pa kami ni Karl.

"Hoy, Karl! Naniniwala ka sa tsismosang yan?!"

"Hahaha. Ewan pre. Hahahahaha." Lumipat ng upuan si Aidan at tumabi sa isang matabang lalake. Parang gali na galit na ata. Nagdadabog na eh.

Bumulong na ako kay Karl. "Huy! Tigilan mo na nga yang pagtawa mo. Nakakairita ka na. Alam kong nakakatawa yung sinabi ko pero grabe ka! Ang tagal mong maka get-over!"

"Pfft! Di hahaha ko hahaha kasi mapigilan. Ikaw pa lang ang nakakagawa ng ganyan kay Aidan. Hahaha!"

Ayaw mo palang tumigil ha. . .

"Araykupo!" Sumigaw siya. "Bat mo ako kinurot sa tagiliran?!"

"Para kang ungas dyan eh. Sabi nang tumigil ka na, ayaw mo pa. You leave me no choice!" Binehlatan ko siya xp

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon