Chapter 23: Feel the awkwardness.

186 4 0
                                    

Enjoy reading!! :)

_______________

"Miss, san yung mga libro niyo na si Bob Ong ang author?"

Andito ako ngayon sa NBS, bibili ng libro na magpapawala sa stress ko.

"Ah, dun po sa entertainment section" tinuro ng saleslady yung shelf malapit sa glass window.

"Okay, salamat." Nginitian ko siya.

~~~~~~~~~~~~

(Aidan's POV)

Andito ako sa mall ngayon. Iniisip ko palagi yung nagawa ko kay Tine. Nakakabwisit eh.

Nag-confess ako sa kanya pero ano yung ginawa niya?

WALA.

Hindi ko alam kung ayaw niya lang ba talaga sakin oh manhid lang talaga siya.

Napaka eeh. Ang raming nagkakandarapa sakin na hindi ko pinapansin tapos siya hindi niya man lang ako pinapansin.

Nagtingin-tingin ako sa mga display windows nang napatigil ako sa National Bookstore.

Sigurado akong si Tine yung nakatayo sa loob.

Ano kaya yung ginagawa niya.

At dahil curious ako, hindi ko namalayan na pumasok na ako sa NBS at patago akong tumitingin sa kanya sa isang shelf. Nakayuko ako.

May binabasa siya at at pangiti-ngiti rin siya.

Napaisip na naman ako sa pagsigaw sa kanya. Yung mga ngiti niya, nakaka-konsensya. Ang sama-sama ko talaga.

"Dan-da---Aidan?"

0__0

Nagulat ako kasi nakatingin sakin si Tine. Palapit na siya.

Tumayo ako ng maayos.

"Bat ka andito Aidan?"

"A-ah." Shit! Bakit ako nauutal?!

"Bibili kasi ako nito."

Kumuha ako ng kung anong libro na nasa shelf at ipinakita sa kanya.

"Bakit hindi ka crush ng crush mo?" Sabi niya.

"Ano?!"

Tinuro niya yung librong hinahawakan ko.

"Ayan oh! Bakit hindi ka crush ng crush mo. Haha. Sino ba yang crush mo at parang bitter ka?"

Nabwisit na naman ako sa kanya. Bakit ba kasi ang manhid ng babaeng toh? Sinabihan ko na nga siya na mahal ko siya!

"Mali yung kinuha ko."

Kumuha na naman ako ng ibang libro.

"Ito oh." Kumuha ako ng itim na libro. Bahala na.

Napangiti naman siya. Siraulong babae.

"Hala! Maganda yan! Si Bob Ong author niyan! Fave author ko siya!" Hinawakan niya yung braso ko.

Tug dug. Tug dug. Tug dug.

Hinila ko yung sarili ko.

"Anuba?! Diyan ka na nga!"

Nagmadali akong pumunta sa counter pero kinuha ko ng patago yung unang libro na nahawakan ko.

Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko na iniwan ko siya. Aiish! Ewan. Maka-alis na nga!

~~~~~~~~~~

(Khristine's POV)

Bwisit ka talaga dan-dan!! Akala ko ba mahal mo ako?!?!

Nalungkot ulit ako dahil iniwan niya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon