Heto na mga guys
Enjoy reading!
Vote, vote din kapag nagustuhan 'tong chapter <3
__________________
(Aidan's POV)
Andito kami sa sasakyan ngayon ni Ms. Troublemaker.
'Di ko naman sinadyang tabigin siya. Nagmamadali kasi ako dahil gusto ko nang matulog.
Nabigla na lang ako ng may sumigaw at pagkakita ko, nakaupo na siya sa daan.
Tinulungan ko siya pero di niya tinanggap.
Naku, tong babaeng toh. Mukhang sino. Di naman kagandahan.
Umalis siya at ayun, napaupo na naman. Buti nga sa kanya. Haha.
Itinayo ko na siya at dinala sa kotse ko.
Itinulak ko siya sa loob. Para lang siyang tanga,sigaw ng sigaw.
Ni-lock ko ang seatbelt niya at naramdaman ko ang pagtigil niya ng paghinga habang nilo-lock ko ito.
Akala niya siguro. . . , hahaha.
"Tumingin ako sa labas at nagsalita, "Sorry nga pala kanina."
"Huh?" Ang bingi naman ng babaeng ito. Minsan na nga lang ako mag sorry eh.
"Tsk, ewan ko sa'yo!" Nakaka-bwisit naman.
Tumahimik sa loob ng sasakyan.
"Sorry din."
"Huh? Ba't ka nagso-sorry?" Nakatingin pa rin ako sa labas habang kinakabit ang earphones ko at nagpapanggap na tulog. Walang music yung earphones ko. Props lang para di na siya magsalita. Ingay eh.
Nagsalita ulit siya. Madaldal talagang babae. Tsk! "Nasigaw-sigawan kita kanina tsaka na bahingan pa. Baka magka sipon ka pa ng dahil sakin. Sorry talaga ha. Di ko naman sinasadya."
Hindi naman ako sumagot at umaaktong tulog pa rin, pero napangiti ako sa sinabi niya. Alam niyo kung bakit? Ang hinahon kasi ng pagkakasabi niya. This is the first time I heard her na ganyan magsalita. Sweet naman pala siya eh. TSK! Ano ba'tong iniisip ko.
.
.
.
.
.
.
"Bwisit ka talaga. Naku, sarap mong katayin kung di ka lang gwapo. Hmf! Buti pogi ka." Ano na naman ang sinasabi ng babaeng ito. Pero pogi daw ako. Hahaha. Mahirap talaga maging pogi. Nagsalita na naman siya. "Ewan ko sa'yo Aidan. Aish. Bwiset" first time kong narinig yung pangalan ko galing sa kanya. Haha. Galit siguro talaga 'to.
Andito na kami sa tapat ng bahay nila. Hindi naman masyadong malaki. Parang typical na bahay lang ng mga pilipino. Nagpaalam na siya kay manong. "Sige manong at wag mo akong tawaging ma'am. Di naman ako ang amo mo eh. Khristine na lang. Hehe. Sige manong. Ingat sa daan." Sinara na niya ang pinto. Tumingin ako sa kanya. Haha, napapatawa ako. Ang lakad niya kasi. Yung parang bagong tuli.
Umalis na kami sa bahay nila. . . . . .
"Good evening, ma." Nag-beso ako kay mama. Andito na kami sa bahay. "San si papa?"
"Nasa business trip pa anak." Busying-busy siya sa laptop niya ngayon. Mga business tycoon pala ang parents ko. Business administration nga ang gusto nilang kunin ko para ako daw ang mamamahala ng kompanya pagdating ng panahon, pero gusto ko talagang maging accountant eh. Makakatulong pa rin naman ako sa kanila kahit gan'to ang course ko.
"Ah, okay. Sige, ma. Magpapahinga na ako."
"Kumain ka muna."
"Busog pa po ako. Goodnight." Nag kiss ako sa cheeks niya. Umakyat na ako sa kwarto at in-on ko yung PC ko. Magfa-facebook muna ako. Di ko namalayan, nagty-type na ako sa search bar ng pangalan ni Khristine. Aish. Napaka misteryoso niya kasi para sakin. Naalala ko tuloy nung una kaming magkita sa timezone. Para siyang kiti-kiti nun. Haha.
Ang raming lumabas. Tsk. Wag nalang. Ba't ko naman aaksayahan ang oras ko sa kanya. Sino ba siya?
*bling*
Nag message si James, kabarkada ko.
James Mariano:
Pre, gimik tayo ngayong sabado! Matagal-tagal na rin tayong di nakakapag bonding magbarkada eh.
-sige pre. Text2 nlang.
James Mariano:
Cge2. Dalhin mo yung gf mo ha?
-bat ko naman dadalhin yung gf ko?
James Mariano:
Dadalhin rin namin yung amin. Haha. Wag kang mag-alala.
-pag-iisipan ko. Cge, mag o-offline nako.
. . . . . . . . .
Pano ba toh. Wala akong gf.
Hindi ako bakla ha. Baka kung ano-ano na ang pinag-iisip niyo diyan.
Marami akong flings pero yun lang yun! Pampalipas oras lang bah.
Wala akong sineseryoso sa kanila kasi alam ko na halik lang naman ang habol nila sakin at ipagmayabang sa iba na naging kami. Hindi rin masasabi na ako ay isang Casanova.
Wala pa akong GF. NGSB kumbaga.
AIST!! bwiset naman. Makatulog na nga lang.
~~~~~~~~~~~~~
Dito na ako sa school ngayon. Napaaga ako kasi trip ko lang.
Papasok na sana ako sa classroom nang makita ko si Ms. Troublemaker, siya pa lang ang tao at kumakainsiya ng chichirya. Psh. Aga-aga yan na ang pinapapak!
Nahulog ang isang piraso ng chichirya at kinuha niya ito pabalik galing sa sahig. Tinitigan niya ito. . . . .
Bumuka ang kanyang bibig akmang kakainin ang maruming chichirya at. . . . . .
"Huy, babae!"
"HAAACHOOOOO!" Nadurog ang chichirya sa kamay niya.
"Ano?!" Pinunasan niya muna ang ilong niya.
"Bat mo kakainin ang chichirya na nahulog na?! Pulubi ka ba?!"
"Aning pinagsasabi mo?! Huy, lalake! Di ko yun kakainin!"
"Bat mo itinapat sa bibig mo? Ha?!"
"Bwisit ka talaga noh?! Di ko yun kakainin! Napatigil ako kaso nababahing ako! At pwede bang palitan mo na yang perfume mo! Nakakaperwisyo ka ng tao!"
Aba. Bwisit talaga tong babaeng ito ah. Ako pa ang nakakaperwisyo.
"Ewan ko sa'yo!" Umupo na ako sa tabi niya. Gusto ka na ngang lumipat ng upuan eh, kaso may seating arrangement.
"Hachoo! Hachoo! Hachoo!"
"Pwede bang tumigil ka na sa pagbahing?!"
"Che! Kung pwede lang. At pwede bang tumigil ka sa paggamit mo ng perfume?! Di mabango! Hachoo!!"
"Tsk." Tunignan ko siya. Maliha-luha na ang mata niya ngayon. Grabe na siguro ang allergy niya. Umalis ako sa upuan ko at lumabas. Pumunta ako sa sasakyan na nasa tapat ng engineering bldg. at kumuha ng ibang masusuot. Aish. Ako pa ang mag-aadjust dahil sa babaeng yun. Tsk. Hinubad ko ang damit ko sa laba ng kotse at nagtitilian naman yung mga babae na nasa 2nd floor ng bldg.
"Hi, girls! ;)" ayun, para silang natunaw. Umalis na ako kasi nakakabwisit yung mga babae sa bldg na yun. Palaging tumitili.
Bumalik ako sa classroom at nakita ko si Karl at Khristine na masayang nag-uusap.
to be continued. . . . . .
______________________________
Diyan na muna mga dre.
Gusto ko na kasing matulog. Galing pa kami sa simbahan.
VOTE! Kung nagustuhan ang chapter! :)
~~ thedizzydaisy17
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Right [ongoing]
Teen FictionMs. NBSB? Ms. Manhid? Ms. Assuming? Do you mean: Khristine E. Martinez? Subaybayan ang buhay single ni Khristine at ang kanyang journey sa paghahanap kay Right G. Uy. Enjoy reading!!