Chapter 12: The KISS.

207 4 0
                                    

Enjoy reading! :)

_____________________

"Mahal rin naman kita. Alam mo naman yun!" Pagsabi ko nun, bigla nalang akong sinipa ni dan-dan mula sa ilalim ng table.

"Aray!" Sabi ko sa kanya.

"Ano?" Tanong naman ni Karl. "Ah, wala2, marami kasing lamok dito eh. Sige, bye. May papatayin pa akong malaking lamok." In-end ko na yung call at humarap kay dan-dan.

"Anubang problema mo?! Kanina ka pa ah. Kitang may kausap ako sa phone eh!"

"Kasi naman ikaw! Padalos-dalos ka! Bakit mo sinabi na mahal mo siya?"

"Mahal ko naman talaga siya eh, ikaw nga mahal ko." Napatigil siya at nanlaki yung mga mata niya. May nasabi ba ako?

"A-ano? Mahal mo ako?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo naman! Mahal ko lahat ng kaibigan ko! Pang miss friendship ata ako." Tinuro turo ko pa yung sarili ko gamit ang thumb ko na parang proud na proud.

"Tsk! Hindi tayo magkaibigan! Umuwi na nga tayo!" Lumabas na siya sa shop. Sumunod rin naman ako agad.

Sumakay na kami sa sasakyan niya. May napansin ba kayo? Ako meron. Palagi nalang akong hinahatid ng dalawa kong kaibigan. Haha. Well, isa lang pala, kasi nga diba? Hindi raw kami magkaibigan nitong katabi ko?

"Tine, may partner ka na ba para sa acquaintance party?" Tinignan ko yung watch ko. Mag ni-nine: thirty na pala.

"Si Karl. Ikaw?"

"Tss, wala pa eh."

"Sus! Madali ka lang makakita ng partner mo kasi gwapo ka, matipuno! Kumbaga, tall, white, amd handsome. Complete package! Hahahaha!"

"Tumigil ka nga. Ayaw ko naman na kung sino-sino lang. Gusto ko, yung kakilala ko."

May naisip naman ako. Heehee. "Yung bestfriend ko na lang! Yun! Maganda yun eh, mana sakin. Hehe!"

Sumimangot naman siya. "Kapal mo talaga noh?"

"Che! Ano na? Okay na?" Nag thumbs up ako sa kanya.

"Pwede bang ikaw nalang? Aish! Ayaw ko kasi sa hindi ko kakilala!"

"Hmm, okay lang sakin. Tanungin mo muna si Karl. Siya nauna eh."

"Tsk! Sige2. Bumaba ka na at nandito na tayo. Bye!"

"Sigeee! Salamat dan-dan ha? Bye! Mahal kita!"

Tinignan niya naman ako. "Mahal mo ako?" Tinuro niya yung sarili niya.

"Hindi! Joke lang yun. Ikaw na ngang nagsabi na hindi tayo magkaibigan! Bye!" xp

Lumabas na ako ng sasakyan niya at pumasok na sa bahay.

~~~~~~~~~~~~

Thursday morning~

Palabas na ako ng bahay at as usual, nasa labas si Karl. Nagtanong na nga ni mama kung nanliligaw ba si Karl. Sabi ko lang kay mama na sabi ni dan-dan na gusto ako ni Karl kaya ganyan. Wala lang naman kay mama, basta daw wala kaming gagawing kababalghan na ikakasira ko.

"Ma, alis na ako!" Sigaw ko kay mama. Lumabas naman ito at linapitam si Karl.

"Good morning ma'am." Sabi ni Karl kay mama.

"Good morning iho. Ano ba talaga ang pakay mo sa anak ko at palagi mo na lang siyang sinusundo?" Tinitignan niya so Karl mula ulo hanggang paa.

Sasagutin na sana siya ni Karl.

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon