Chapter 14: Sleepover.

174 4 0
                                    

At dahil 400 reads na ang Finding Mr. Right, heto na ang chapter 14!!! Pasensya na. Mababaw lang talaga ang kaligayahan ni Ms. Author XD

Enjoy reading!! :)

__________________

(Aidan's POV)

SHIT! Bwisit! Hindi ko akalain na kaya akong tulugan ng babaeng ito. Ang taas ng sinabi ko! Hindi pala siya nakikinig! Aish! Tumutulo pa yung laway!

Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung laway sa gilid ng bibig niya. Ang kissable talaga ng mga labi niya. Haay. "Sorry, Tine." Bulong ko. Inayos ko siya sa upuan niya at nagmaneho na naman.

Andito na kami sa bahay nila.

"Tao po!" Pagsabi ko nun, lumabas agad ang mama niya siguro na naka duster lang. Maganda ito at mataas kahit nakapambahay lang, manang-mana sa kanya sa Tine.

"Magandang gabi, iho. Sino ka ba at naparito ka?"

"Good evening ma'am. Ako po yung partner ni Khristine, si Aidan. Andun po siya sa sasakyan, nakatulog. Napagod ata sa party." Kinamot ko yung ulo ko.

Tumawa naman yung mama niya. "Haha. Sorry, matakaw talaga yan sa tulog eh. Halika na at kukunin ko na siya at pwede bang tita nalang yung itawag mo sakin. Napakapormal mo naman iho!." Tumawa lang ako.

Lumabas na kami at binuksan ko na yung pinto ang sasakyan. Kung titignan mo si Tine, parang ang himbing talaga ng tulog niya.

"Naku, iho. Pasensya ka na talaga ha? Huy! Khristine! Gumising ka nga diyan!" Tinapik-tapik ng mama niya yung braso niya pero ayaw talaga magpatinag.

"Tita, ikakarga ko nalang siya papunta sa kwarto niya. Okay lang naman."

"Okay lang talaga iho? Mabigat yan eh."

"Haha, opo. Excuse me lang po." Tumabi yung nanay niya sa pinto ng sasakyan. Kinuha ko ng dahan-dahan tong baboy. Kinarga ko siya, bridal style. Bwisit, ang bigat talaga. Binuksan na ng mama niya yung pinto ng bahay nila.

"Tita, saan po ang kwarto ni Tine?"

"Dyan sa taas, pakihatid nalang iho ha?" Pumasok naman yung mama niya sa mukhang kusina siguro nila.

Tinignan ko yung pasan ko. Haay! Tulog na tulog talaga!

Pumasok na ako sa kwarto niya. Hindi masyadong malaki pero malalaman mo talaga na babae ang natutulog dito. Ang linis ng kwarto niya. Naka-pile lahat ng gamit. Pink ang kulay ng wall tsaka nang bedsheets niya.

Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama niya. Nagulat ako kasi paglapag ko sa kanya, hinila niya yung kamay ko papunta sa kama. Napahiga ako at paghiga ko, yinakap niya ako at tumanday sa braso ko. Hindi ako makagalaw kasi yung braso at hita niya, nakayakap sakin. "Bubby!" Huh? Sino si bubby? Ex niya siguro pero imposible! Hahaha. Ang daldal talaga ng babaeng ito, kahit tulog, pumuputak pa rin. Pero ha, napaka komportable ng pwesto namin. Gusto ko na ngang matulog na rin kasama siya, pero. . .

"Iho? Iho?" Papalapit na yung boses ng mama niya. Naku! Hindi talaga ako makabitaw sa kanya. Baka akala niya ano na ang ginagawa ko sa anak niyang baboy.

Bumukas yung pinto. "Iho?! Anong nangyare? Bakit ka nasa kama niya?" Gulat na sabi ng mama niya.

"Tita, hinila niya ako. Hindi ako makagalaw. Tulungan mo po ako." Mahinang sabi ko.

Lumapit naman yung mama niya at tinulungan akong kumawala sa mga braso ni Tine. Kinuha niya nang dahan-dahan yung hita niya na nakayakap sakin. Mga sampung minuto siguro bago ako nakawala sa kanya. Sayang! Haha.

"Halika na sa baba at mag aalas-dose na." Bumaba kami ng mama niya. Habang lumalakad kami, nagtanong ako sa kanya. "Sino si bubby, tita?"

Tumawa yung mama niya. "Kinausap ka niya habang tulog siya noh? Haha. Aso niya yun, nasa kwarto namin kasi allergic siya sa balahibo, may allergic rhinitis siya eh.. Mahal na mahal niya kasi yun."

Finding Mr. Right [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon