Una

480 40 34
                                    

Saturnino






"Ayos ka lang ba anak?" Ngumiti ako ng matipid nang tanungin ako ni Mommy kahit hindi niya nakikita. Nasa likuran ko siya at hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magiging malakas pa ba ang damdamin ko kung palaging ganito ang nangyayari sa akin.

Lagi kong naaalala ang nangyari kay Iyanna, at kahit sabihin man niya na hindi ko kasalanan... alam kong may malaking parte sa pangyayari na 'yon na ako ang dahilan kung bakit siya nawala sa akin.

"Kumain ka na anak, ayokong nalilipasan ka ng gutom. Bababa na muna ako kung ayaw mong pag-usapan, lapitan mo ako kung handa ka ng sabihin bakit ka malungkot ngayon." Rinig ko ulit mula kay Mommy, I nodded. I don't want her to be sad, I don't want her to feel disappointed because of my situation. I can't afford to make her dejected just because of me.

A day where Iyanna and I are playing in one of the abandoned buildings, witnessed an illegal transaction between a politician and a drug dealer. We were so petrified and agitated that's why we hid ourselves in one of the piled woods. But unluckily, I made an unexpected move that created a loud sounds that made us more frightened. I was about to reveal myself that time but I was so shocked when Iyanna showed herself instead and pretended that she is the only one who's there and witnessed their evil doings.

"Paalam, Sat." I remember she said to me when a loud bang from a gun was heard and echoed inside of the abandoned building. Ang kaba ko at takot noon ay hindi masusukat lalo na't nalaman ko na pinatay nila si Iyanna. They mercilessly killed my bestfriend just because they were caught doing something evil, that can possibly put them in jail!

"Malungkot ka na naman, Sat." Tumingin ako sa katabi ko ngayon, she is smiling at me with her signature smile. A smile that I won't ever forget, and the only smile that can make me comfortable, calmed and relaxed. She is that friend, bestfriend, who will do anything to make me safe and ecstatic.

"I miss you." Malungkot na bulong ko sa kaniya hanggang sa hindi ko na naman napigilan ang mga luha na kanina pang nagbabadiya.

"Sinisisi mo na naman ba sarili mo, Sat? Diba sabi ko sa'yo, kalimutan mo na ang nangyari? Ayokong maranasan mo ulit ang bangungot na 'yon, ayokong masaktan ka ulit dahil doon." One of the reasons why I hated days, and making friends... she is my standard, and I think no one can replace her in my heart and life. Alam niya kung sino ako, tanggap niya kung ano ako.

"N-No, I won't ever forget those past Iyanna." Natigilan siya sa sinabi ko, pinunasan ko ang mga luha ko na ngayo'y natuyo na agad sa pisngi ko.

I suddenly feel the gentle wind's blew, whispering something on my ears and when I turned my head in my back... Iyanna is already standing behind me.

"Ipapahamak mo ang sarili mo, Sat?" I can sense that she is kinda exasperated but I don't think so that she'll get mad at me. Mahal niya ako, mahal ko rin siya at maiintindihan niya ang gugustuhin kong gawin.

"I'll get the justice that you deserve, Iyanna. Hindi ko hahayaan na mabulok ang kasong hindi pa nalalaman kung sino ang pumatay sa'yo. Ikaw lang ang nakakilala sa mga mukha nila, kaya hahanapin natin sila." Buong loob kong sabi, I stood up and stared at her eyes with my eyes that full of courage. Sigurado ako, siguradong-sigurado ako na gagawin ko ang lahat para lang matanggap ang hustisya na matagal na naming inaasam dalawa.

Alam kong ayaw niya ang ganito, ayaw niya akong napapahamak pero ayoko ring maging malungkot habang iniisip na hindi namin nakukuha ang sapat na hustisya para pagbayaran ang krimen ng mga lalaking 'yon! Gagawin ko ang lahat! Gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang ginawang pagligtas sa akin ni Iyanna! Hindi ko hahayaan na siya lang ang gagawa ng mga bagay na alam kong kaya ko ring gawin sa kaniya.

Death Curse Escapade [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon