Saturnino
I covered my mouth to prevent making noise, I hid myself in one of the dirty curtains to make sure that, that person can't see me! The nervousness I am feeling today is too much to handle, it was frightening as well knowing that there are ten dead bodies inside of this old room! And I don't know how to react knowing that they are still fresh!
Hindi ko kaya ang amoy pero pinipilit ko ng sarili ko na tiisin dahil baka makita at malaman ng taong nasa labas ng kwarto na'to na nandito ako sa loob. I can't afford to reveal myself knowing that unexpected person is a dangerous kind of being! Hindi ko talaga in-expect na magagawa niya ang karumal-dumal na krimen na 'to!
"Na-miss niyo ba 'ko?" Tumaas ang balahibo ko sa matamis niyang boses na akala mo kung sinong mahinhin. Na para bang hindi siya isang kriminal!
Paano niya nagawa ang bagay na 'to? What's that person's reason? Bakit niya pinatay ang mga estudyante na 'to na alam kong magpe-perform lang ng kanilang dula?
Agad na naman akong kinabahan ng malala nang marinig kong unti-unti ng bumubukas ang pinto, hindi ko rin makita dahil sa makapal at mahabang kurtinang 'to na siyang nagtatago sa akin para hindi makita!
"Sat, don'y move okay? Isa siyang psychopath! Isa siyang mamamatay tao!" Hinay-hinay akong lumingon sa gilid ko nang makitang nakatingin na ng seryoso sa akin si Iyanna. Alam kong kinakabahan din siya para sa akin lalo na't nasa lungga kami ng kriminal!
"Sabi ko na nga ba, may kakaiba sa taong 'yan! Akala ko no'ng una ay may ginagawa lang siya rito pero hindi ko aakalain na ginawa niyang advantage ang issue para sa lugar na 'to, para gawin ang krimen niya! Siya ang nagpakalat sa lahat na isa 'tong haunted, siya rin ang nagpakalat na may namatay na matanda dito!" Galit na litaniya ni Iyanna na siyang ikinaba ko.
I don't know how to react, especially with those dead bodies. I can still smell the blood from their bodies at ang napakalangsa at mabahong amoy na parang sinusuntok na ang ilong ko dahil sa sobrang baho!
"Huwag kang gagalaw, gagawin ko ang lahat para hindi siya makalapit dito." Hinay-hinay akong tumango sa sinabi niya at kasabay no'n ay ang paglaho niya sa tabi ko. Mas lalo akong natuod nang maramdamang nakapasok na nga siya sa loob, at halos napasigaw ako nang may malakas na kumalampag ng kung anong gamit sa harapan ko.
"Oh! Galit ba kayo? Sorry ngayon lang ako nakabisita, masiyadong maraming ginagawa sa school eh." Ang puso ko talaga ay halos lumuwa na sa dibdib ko! This person is really a psychopath! Ni hindi man lang siya natakot sa kalampag na 'yon na nasisiguro akong si Iyanna ang may gawa!
"Nandito na ako, okay? Teka, nagugutom na ba kayo?" Napapikit ako dahil sa kabaliwan niya. Gustong-gusto ko ng lumabas at hindi ko alam kung paano! Gusto ko siyang sipain ng malakas at ibalandara sa buong school na pinatay niya ang mga kawawang estudyante na 'to!
"Diba? Sabi ko sa inyo ay magsasama na tayo? Ito naman ang gusto niyo diba? Ang makasama rin ako habangbuhay? Paborito niyo ako diba?" Napapikit ako dahil sa sinabi niya, kinuyom ko ang mga kamay ko at pinipilit na kontrolin ang sariling galit na ngayo'y namumuo sa puso ko.
Wala siyang puso! Hindi ko alam kung paano 'to nagsimula pero hindi ko alam na aabot sa punto na papatay siya! Hindi ko alam na ganito klaseng utak ang meron siya! Isa siyang baliw!
Kailangan kong tulungan ang mga kawawang espirito na 'to!
"Mamamatay tao ka!" Malakas na sigaw ko at sabay hawi ng malakas sa kurtina. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya at tila ay napaatras ito sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Death Curse Escapade [BL]
FantastikMitolohiya Series #2 May mga pangyayari na hindi natin inaasahan na ang akala nating haka-haka lamang, ay katotohanan pala. Na ang akala nating mga sinaunang kuwento lamang, ay siya palang nangyayari talaga sa totoong buhay. ******* Lahat ay nagbag...