Saturnino
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon habang nasa harapan namin ang tikbalang at binibigyan kami ng daan para makapunta sa lungga nila. Napalingon ako kay Giordan na malamig lang na nakatingin sa likuran ng halimaw at alam kong naghahanda rin siya na baka sakaling mag-iba ang kilos ng tikbalang.
It is just because of his golden hair, he is now under Giordan's control. Giordan can command anything and I don't know how! Parang sa isang iglap ay naging katulong na siya ni Giordan, sunod-sunuran sa mga utos nito na siyang hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano!
"A-Are you sure of this?" I asked, he turned his head to face me and he immediately gave me a small smile.
"I can assure you that he is under my control, Sat. I already read a book that one of their weaknesses is plucking their hair from their nape." I nodded because of what he said and I believe him. Siyempre matalino din 'yang si Giordan kaya alam kong mas maalam siya kaysa sa akin sa mga ganitong bagay.
Nilibot ko ang mga mata ko sa kapaligiran at napansin na parang kumukonti ang mga puno na nakikita ko. Hanggang sa wala na talaga akong makita maliban na lang sa malawak na grass field at ang malaking buwan na siyang parang tagabantay namin ni Giordan.
"Nandito na tayo." Dinig kong sambit ng tikbalang na siyang ikinanuot ng noo ko. Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa wala naman akong nakikitang kakaiba pero may nararamdaman akong mabigat sa kinakatayuan ko ngayon.
"I don't see anything, Giordan." Bulong ko pero tumango lang siya na mas lalo kong ipinagtaka!
Natigilan ako nang itinaas ni Giordan ang kanan niyang kamay sa ere at kasabay no'n ay ang pagliwanag pa ng malaking buwan. Lumakas ang ihip ng hangin na parang sumasabay sa matahimik na lugar na ito.
"He's right, we're already here." Pagkatapos ng pagliwanag na 'yon ay bigla na lang akong nakarinig ng mga boses na siyang ikinaatras ko. Napalingon ulit ako sa malawak na grass field kanina pero laking gulat ko nang makitang napakaraming punong malalaki ang nakikita ko ngayon! Ang malalaking puno na napakaraming malalaking sanga, at pansin ko na ang bawat katawan ng mga malalaking puno ay may parang malalaking bintana!
Those gigantic trees are breathtaking! It is like a huge commercial buildings that I've seen in televisions! Their place is... beautiful! There are lots of golden lights, I can also see fireflies and one more thing that I am really shock of, are the people that are all normal looking!
They can transform into a human form?
"Act normal, Sat. We have to pretend that we are one of them and after that, we'll save that bully guy." Tumango ako sa sinabi ni Giordan.
"Bring us to your Lord, now." Matigas na bulong ni Giordan sa tikbalang na siyang ikinatango ng kabayo nitong ulo.
"Masusunod." Parang robot nitong sabi. Bumalik na naman ang kaba at takot na nararamdaman ko dahil sa nakikita ko ngayon. Para itong isang lugar kung saan nagpipiyesta ang mga taong nakikita ko ngayon! Kung titignan, lahat sila ay normal at parang walang negatibong enerhiyang dinadala sa kaloob-looban nila!
Pagkatapak namin sa damuhan ay natigilan ako nang makitang nagliwanag ang buong katawan ng tikbalang. Hanggang sa nakita ko na lamang na nagbago ang kaniyang anyo at ngayo'y paika-ika ng naglalakad na matanda! He is really that old!
BINABASA MO ANG
Death Curse Escapade [BL]
FantasyMitolohiya Series #2 May mga pangyayari na hindi natin inaasahan na ang akala nating haka-haka lamang, ay katotohanan pala. Na ang akala nating mga sinaunang kuwento lamang, ay siya palang nangyayari talaga sa totoong buhay. ******* Lahat ay nagbag...