Tatlumpu't tatlo

180 18 8
                                    

Saturnino



"Thank you Iyanna, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan ng malaki dahil sa ginawa mo pero salamat. Maraming maraming salamat." Kung kaya ko lang yakapin si Iyanna ngayon ay ginawa ko na. I want to embrace her tight and kiss her on her cheeks! But I can't, and that's the most painful thing. Na kahit sa mahigpit na yakap man lang o halik sa pisngi sa kaniya ang maibigay ko ay ayos na ayos na.

"Walang anuman, Sat. Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Kaya kahit nasa kabilang buhay na'ko, gagawin ko pa rin ang responsibilidad ko bilang matalik mong kaibigan, okay? Kaya huwag ka ng mag-drama diyan." Natatawa niyang turan pero hindi mapigilan no'n ang pagkirot ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Alam ko na kahit gano'n siya magsalita ay nasasaktan rin siya katulad ko. Pero dinadaan niya na lang sa biro ang lahat lalo na't alam niyang madali akong masaktan sa mga ganitong bagay.

My heart is so soft that even small things can hurt me.

"Huwag kang mag-alala, may lead na ako sa isa sa mga pumatay sa'yo Iyanna." Ang ngiting nakakurba sa labi niya ay bigla na lang nawala nang marinig niya ang sinabi ko. Naging diretso ang tingin niya sa akin at parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Napalunok ako at kinabahan hindi sa oras.

"Anong sabi mo, Sat?" Tanong niya sa akin.

Lumapit ako sa kama at umupo doon habang siya ay nakatayo ngayon sa harapan ko. Seryosong-seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya hindi ko alam kung ito na ba ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang nalaman ko.

"I-I told you that the voice coming from that man is always playing in my mind, right? The voice who made me suffered, the voice that didn't make me sleep. Iyanna, I heard the voice again... that evil v-voice." Para siyang natigilan sa sinabi ko, hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon pero nabigla na lang ako nang ngumiti siya ng malungkot.

"S-Sat, nakalimutan ko na ang mukha ng pumatay sa akin." Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at biglang napatayo. Kasabay ng gulat ko ay ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa narinig!

"A-Anong sabi mo, Iyanna? Hindi mo na alam a-ang mukha ng pumatay sa'yo? G-Gano'n na ba talaga katagal bago tayo nagkaroon ng pagkakataon?" Halos sigaw ko sa kaniya pero ang malungkot na ngiti niya ay nanatili pa rin sa kaniyang labi na siyang halos ikinahina ng buong sistema ko.

Paano na 'to?

"But I am sure that this voice is same with that man's voice! Hindi ko makakalimutan ang boses ng lalaking 'yon!" Sigaw ko na ngayon sa kaniya. I frustratedly covered my face with my palms and aggressively breathed out. I don't know what will I do, Iyanna already forgot the killer's face!

"It was his dad, Iyanna. It was G-Giordan's dad who owned that voice." Bulong ko, bigla ko na lang naramdaman ang panginginit ng mga mata ko hanggang sa may naramdaman akong mainit na butil na tumutulo na sa pisngi ko. I immediately wiped it out using the back of my hand and stared at Iyanna who is now seriously staring at me.

"Sa tatay niya galing ang boses na 'yon, Iyanna." I uttered the same thing again. Napalunok ako at napatingala sa kisame upang mapigilan ulit ang pagtulo ng luha ko.

Masakit isipin na ang kinikilalang tatay ni Giordan ay siya palang isa sa mga pumatay kay Iyanna. Oo, wala akong sapat na ebidensiya pero pinaghahawakan ko talaga na isa siya sa mga lalaki dahil sa hinding-hindi ko makakalimutan ang boses niya! I can't forget that evil voice who made me cried every night! Who made me regret that day to happen!

Death Curse Escapade [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon