Saturnino
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mabuhay sa mundong 'to. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang mga laban na kinakaharap ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mabuhay na walang iniisip na mga problema. At hindi ko alam kung kakayanin ko bang mag-isa.
Minsan kong pinangarap sa buhay na sana ay maging masaya at tahimik ang buhay ko kasama ang mga importanteng tao sa akin. Pinangarap ko sa buhay na sana ay malaya akong makagalaw sa mundong 'to, na hindi iniinsulto dahil sa kasarian ko. At pinangarap ko rin sa buhay na makamit ang mga bagay na siyang alam kong magpapasaya sa akin.
Pero nakakalungkot dahil parang unti-unti akong hinihilala pababa ng panahon. Na para bang inuunti na akong buwagin ng tadhana. Nakakalungkot, masakit at nakakapag-isang isipin na ang mga gusto kong pangarap ay unti-unti na ring nabubura sa isipan ko.
"Walang hiya ka!" Dinig kong malakas na sigaw ni Valla habang nakikipagpalitan ng suntok kay Giordan habang pinoprotektahan naman ako ni Milliana sa mga atake galing sa lupa na siyang kontrolado din ng kaharap ngayon ni Giordan. Kitang-kita ko rin kung paano kabilis ang mga galaw ni Talyana habang pilit nitong inililihis ang atensiyon ni Valla sa akin.
I am so amazed knowing that Valla can fight those two with her all might knowing Giordan is a Demigod too, and Talyana is the Lord of her tribe. Valla can really put herself into a situation without being scared and worried what will the destiny can possibly do to her. Her guts and strength amazes me even though she is slowly having a hard time shielding herself to heavy attacks from my boyfriend, and Talyana.
Pinakiramdam ko pa ang sarili ko habang kinokontrol ang emosyon. Pinipilit ko ang sarili ko na kainin ng kapangyarihan para makuha ang dati kong lakas na siyang nagamit ko no'ng nakaharap ko si Felionan. At mas lalo akong naubos dahil sa lungkot at sakit na siyang naramdaman ko nang matamaan ng bala si Mommy na hanggang ngayon ay nakahilata pa rin siya sa hospital!
God can forgive, but I don't. Sabi nila, ang Panginoon nga ay kayang magpatawad, tayo pa kayang mas mababa lang sa kaniya? Hindi ako naniniwala doon sapagkat wala naman sila sa posisyon ko. Wala sila sa posisyon ko ngayon na nasasaktan, nalulungkot at sa kasabay na oras ay kaharap ang mga problemang hindi ko alam kung malulutasan ko pa!
Iyanna is no longer here, she's already gone and that's one of the painful things I've ever experienced. No'ng makita siyang nakabulagta habang naliligo sa sariling dugo at wala ng hininga, masakit. Pero mas masakit makita ang sitwasiyon kung saan nagpapaalam siya sa akin habang unti-unting naglalaho, at habang pilit inaabot ang kamay ko!
Napatingala ako sa kalangitan na puno ng bituin, habang ang malaking buwan ay napakaliwanag na nakatingin sa akin. Hindi ko alintana ang mga sigaw ngayon, ang mga tunog ng bawat suntok at sipa at ang pagkalungkot ng kapaligiran.
What I am thinking now is myself, on how can I surpass all of this!
"P-Papa, bigyan mo ako ng sapat na lakas." Bulong ko habang unti-unting ipinipikit ang mga mata. Agad akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya na hinay-hinay na bumabalot sa akin ngayon, kasabay no'n ay ang paglakas pa ng hangin sa buong paligid. May kung anong init ang dumaloy sa sistema ko at ramdam ko na parang unti-unti ng bumabalik ang enerhiyang nawala ko.
Thank you, Papa.
After seconds, I feel so light. It's like I am floating in the air while the darkness surrounds me. I thought dark is scary, I though darkness are dangerous but I'm wrong. It was my comfort, it was like my comfort zone that I don't want to leave! Dark is my companion, and of course, an ally.
BINABASA MO ANG
Death Curse Escapade [BL]
Viễn tưởngMitolohiya Series #2 May mga pangyayari na hindi natin inaasahan na ang akala nating haka-haka lamang, ay katotohanan pala. Na ang akala nating mga sinaunang kuwento lamang, ay siya palang nangyayari talaga sa totoong buhay. ******* Lahat ay nagbag...