Dalawampu't siyam

140 14 11
                                    

Saturnino





My father toured us to his mountain where it is so rich of beautiful trees, flowers, sky and land animals, and fishes as well. He also brought food with him, that's why we decided to eat together.

Masaya lang kaming nag-uusap ni Papa tungkol sa buhay niya at sa buhay ko habang si Giordan ay nakangiti lang na nakikinig sa aming dalawa. Pero ang hindi ko talaga inasahan bago pa man kami kumain ay humingi na ng permiso si Giordan kay Papa na baka puwede kaming pumasok sa isang relasiyon. Papa didn't oppose because he knew how Giordan loves me, and same goes with me towards him.

Masayang-masaya ako dahil sa araw na 'to ay kami na ni Giordan, at hindi lang 'yon dahil sa wakas ay nagkakilala na rin kami ng tuluyan ni Papa. Masaya siya para sa amin ni Giordan, lalo na sa akin. Mahal na mahal ako ni Papa, at nirerespeto niya rin ang desisyon ko sa buhay. Suportado niya si Giordan sa akin na siyang labis ko talagang ikinatuwa, habang si Giordan naman ay napapatulala na lang minsan kapag kausap si Papa.

Sino ba naman kasing hindi mapapatulala kay Papa? Umaapaw ang enerhiya at kapangyarihan niya kaya nakakakaba din talaga kapag kaharap mo siya.

"How about the tikbalangs, Papa? Sabi nila na hinayaan mo sila na bigyan ng karapatan para mamuno sa mundong 'to." I opened up, Papa sighed deeply and smiled a bit.

"Nasabi ko na lamang iyon anak dahil sa napakakulit nilang klaseng mga nilalang. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanila kaya sinabi ko na lamang na puwede nilang gawin kung ano ang gusto nila." Mahabang sagot sa akin ni Papa na siyang ikinatango ko. Tama naman kasi si Papa, may pagkamakulit talaga ang mga tikbalang pero masaya naman ako dahil sa nakuha nila akong intindihin. Naintindihan nila ang sinabi ko at sana ay hindi na sila gagawa ng mga bagay na alam nilang makakasira sa lahi nila.

"Sinabi ko po kasi sa kanila na mali 'yon Papa, at tiyaka meron din naman na kasi silang sariling mundo at magandang lugar na siyang regalo mo pa sa kanila. Sinabihan ko sila na makuntento na sila kung ano ang meron sila at huwag nang makialam sa mga bagay na hindi naman sila dapat makialam pa." Sa pagkasabi ko no'n ay siyang pagngisi ni Papa.

"Manang-mana ka talaga sa akin, anak!" Galak nitong turan, napahagikhik na lang ako sa tinuran niya.

Masaya ako dahil nakakausap ko na si Papa at tanggap niya ako bilang anak niya. At masayang-masaya ako dahil naiintindihan niya ang buhay ko, ang kasarian ko at ang mga gusto ko sa buhay. I am so happy that we can understand each other... na para bang kilalang-kilala na namin ang mga sarili namin!

"Pero wala na akong problema sa kanila Papa, at tiyaka nagkaintindihan na rin kami ng Pinuno nila at nagkasundo. Mabuti na lang din hindi sila mahirap pagsabihan, at... takot na takot talaga sila sa'yo Papa." Humalakhak si Papa dahil sa huling sinabi ko, kasabay no'n ay ang paglipad ng maraming ibon sa kalangitan dahil ata sa malakas na tawa ni Papa. Nagulat ata kaya gano'n na nalang sila nagkagulo.

"Ganiyan talaga anak, dapat akong katakutan lalo na't ako ang Diyos ng Kamatayan. At kung sino man ang lalabag sa mga utos ko, ay may matindi talagang parusa. Pero huwag silang mag-alala sapagkat ginagamit ko sa magandang pamamaraan ang kapangyarihan ko, lalo na't pinagsabihan na din kami ng Bathala na hindi dapat namin gamitin ang kapangyarihan namin sa masama." Litaniya ni Papa na siyang ikitinahimik ko.

Alam ni Papa na galing si Giordan sa organisasyon kung saan gusto nilang pamunuan ang mundo. Alam niya ito na hindi na nito ikinagulat pa, at tiyaka masaya siya dahil sa pinili ni Giordan ang tamang landas. At masaya siya dahil pinili ni Giordan ang pagmamahal niya sa akin kaysa sa pagiging miyembro ng masamang organisasyon na 'yon.

Death Curse Escapade [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon