Saturnino
Mainit ang araw na ngayo'y tumatama sa balat ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapikit dahil sa hapdi no'n. Wala kasi kaming sasakyan dala, naglalakad lang kaming lahat papunta sa subdivision nina Sterro. Malayo ito sa subdivision namin at ngayon lang rin ako nakapunta rito.
Unang tingin ko pa lang, may kakaiba na nga talaga sa lugar na'to. Marami mang magagandang bahay pero alam kong hindi 'yon kalidad katulad na lamang ng mga kabahayan sa subdivision namin. Lahat ng mga kabahayan ay may mga puno sa kani-kanilang bakuran at napansin ko na mas marami pa ito kung titignan ng maayos.
This place is not that creepy when you look at it if you're just an ordinary person, but every step that I am doing brings uncomfort to me knowing I can sense and see spirits. Nakakaramdam ako ng paninindig ng balahibo sa lugar na 'to habang naglalakad kami.
"Vetrice, do you know something about this place?" I asked her. Nasa unahan siya at ginagabayan kami sa daan. And when she heard my question, she stopped and faced me.
"Hindi ko alam masiyado ang kuwento dito pero ang lugar daw na 'to ay tirahan ng mga sundalo noon. This place was their barracks, their hiding spots when they were in the middle of the bloody war. 'Yon ang sinabi sa akin ni Sterro tungkol sa lugar na 'to." She uttered that made me nodded. I roamed my eyes again in the surroundings and I can say that this place is really peaceful. Well, sa mga ordinaryong tao.
Pero as a Demigod speaking, with an extraordinary abilities, this place is like hell for me. There are lots of negative energies covered this whole place and that's the reason why I am not comfortable here.
"Are you okay, Sat?" Lumingon ako sa gilid ko at nakitang nag-aalala si Giordan habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya ng matamis at tumango. I don't want him to worry, lalo na't alam kong hindi talaga siya sang-ayon sa pagtulong kong 'to.
"That's their house." Turo ni Vetrice sa isang bahay na may dalawang palapag. Maganda ang istraktuta ng bahay, malaki at mukhang malinis. Kulay asul ang kanilang bahay na may halong puting kulay, may puno rin sa kanilang bakuran na siyang nagbibigay ng ganda sa lupa nila. Lahat ng mga bintana ay malalaki, those sliding windows are tinted.
Nanliit ang mga mata ko nang makitang basag nga ang bintana na nasa ikalawang palapag ng bahay. Na para bang may dumaan do'n na malaking tao... o baka ibang nilalang.
Kasama ang mga barkada ni Vetrice, sabay kaming pumunta sa bahay ni Sterro at agad kaming sinalubong ng isang hindi naman ganoon katandang babae.
"Tita Selly, ito pala ang mga kaklase namin ni Sterro. Nandito rin sila para tumulong sa atin sa paghahanap sa kaniya." Agad akong lumapit kay Tita Selly at nagmano habang si Giordan naman ay nakatayo lang sa likuran ko habang pinagmamasdan ang bahay.
"Maganda hapon mga iho, nako pasok muna kayo! Tamang-tama dahil gumagawa ako ng bibingka!" Agad akong napangiti sa tinuran nito. Unang pumasok ang mga barkada nina Vetrice, sunod naman doon ay kaming tatlo nina Giordan.
Pagkapasok ko ay kaagad akong lumingon kay Vetrice na ngayo'y nakatingin na sa akin at parang naghihintay. Alam ko na kaagad ang gusto niyang sabihin kaya tumango ako sa kaniya.
"Dito ang kwarto niya." I followed her. Umakyat kami sa second floor kasama si Giordan na nasa likuran ko ngayon. Pagkapasok namin ng kwarto ay agad bumungad sa akin ang napakagulong loob na siyang ikinabigla ko.
BINABASA MO ANG
Death Curse Escapade [BL]
FantasíaMitolohiya Series #2 May mga pangyayari na hindi natin inaasahan na ang akala nating haka-haka lamang, ay katotohanan pala. Na ang akala nating mga sinaunang kuwento lamang, ay siya palang nangyayari talaga sa totoong buhay. ******* Lahat ay nagbag...