Pangpito

333 35 36
                                    

Saturnino



"Totoo po ang superhero sa subdivision namin! Meron po talagang lalaki na nagliliwanag ng asul ang mga mata! Tapos, kahit wala siyang ginagawa ay bigla na lang natumba at nabagok ang lalaking nagtangkang nagnakaw sa bahay namin!" Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa sinasabi ng babae ngayon sa live video sa Facebook. She is telling all the viewers, and the interviewer as well how I saved her from that thief.

Nakulong na siya ngayon sa kulungan, dinakip siya kaagad ng mga pulis nang agad tumawag ang babaeng nagngangalang Tessa Miraflor pagkaalis namin ni Iyanna kagabi. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga sagot nito sa tanong ng interviewer na hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapakita ang mukha.

Hindi ko alam ah? Pero bakit parang ang active ng mga reporters kapag may nangyayaring gulo sa subdivision na 'to? Hindi naman sila ganiyan sa ibang subdivision ah?

"Nakita mo na ba ang video?" Tanong sa akin ngayon ni Iyanna, tumango agad ako at ipinakita sa kaniya ang video na kanina ko pa pinapanuod. Nakangiti itong tumango na siyang ipinagtaka ko.

"Bakit ka nakangiti, Iyanna?" Takang tanong ko, umiling lang ito at biglang tumayo galing sa higaan.

Nandito kami ngayon sa kwarto habang ang araw ay tirik na tirik. Wala akong class ngayon dahil linggo at hindi ko alam kung anong plano ko para mawala ang bagot na nararamdaman ko ngayon! Bagot na bagot ako! Hindi ko kayang laging nakatutok sa cellphone ko!

"Wala lang, nagsisimula na kasing sumikat ang pagligtas mo sa mga kababaihan. Alam mo? Dalawang babae na ang niligtas mo, ay hindi, mukhang tatlo na! 'Yong si Serissa na 'yon!" Litaniya nito na siyang nagpabuntong-hininga sa akin. Tumalikod ako sa kaniya at humarap sa salamin na nakadikit sa walk-in-closet ko. Kitang-kita ko kung gaano kagulo ang buhok ko habang ang mga mata ko ay magang-maga dahil sa wala akong tulog dahil sa nangyari kagabi.

Nakakapaghinayang kasi 'yong pagkabagok ng lalaki sa lamesa at kitang-kita ko kung paano kasakit 'yon para sa kaniya!

"Death, tsk, Death talaga?" Tanong ko na lang.

"Wala lang! 'Yon ang naisip ko kaagad eh! At tiyaka ayaw mo no'n? So mysterious! Nakakakita ka ng mga katulad ko, tapos nakakaya mong kontrolin ang mga anino ng mga tao! May kapangyarihan ka kaya superhero ka na ngayon!" Sigaw niya sa akin na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim.

I can't imagine myself saving others by my own that's why I know that I really need the spirits' help. And aside from that, I cannot consider myself as a superhero dahil alam kong hindi naman talaga ako gano'n. Hindi ko kayang iligtas ang mga tao kung wala akong nakukuhang tulong at tiyaka hindi ko kaya kung ako lang mag-isa.

And yes, I can control shadows but I cannot still understand kung ano talaga ako! Kung bakit nakakayanan kong kumontrol ng mga anino! Kung bakit may ganitong abilidad ako!

Sino nga ba talaga ako?

Halimaw nga ba talaga ako? Tulad ng sabi ng lalaking magnanakaw na 'yon?

"I am willing to help, Iyanna. Pero hindi ko alam kung mako-consider ko ba talaga ang sarili ko bilang superhero. Secretly, I can help, with your help as well pero mukhang hindi ko kayang dalhin ang ganiyang klaseng responsibilidad." Litaniya ko, napansin kong natigilan siya kaya bumuntong-hininga na naman ako ulit.

Death Curse Escapade [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon