Saturnino
After that encounter, Sterro didn't approach me anymore. All of our classmates are now hesitating to talk when I'm around which is good for me. I think those are the best days of my life studying here in school, without being discriminated and judged by them.
"Mukhang nagbago na nga pakikitungo nila sa'yo." Bulong ni Iyanna sa akin na siyang nagpahinga sa akin ng malalim. Nandito siya ngayon sa classroom habang nakikinig rin sa pinagsasabi ng instructor namin. Hindi rin naman ako nagsasalita dahil baka kung ano ang sabihin nila sa akin. Umiiwas na lang talaga ako sa mga issue, at tiyaka mukhang hindi ko na maa-achieve ang tahimik na buhay dahil baka kumalat sa ibang department ang ginawa ko kay Sterro.
On the other side, hindi ko na rin pinapansin si Giordan pero nakikita ko naman na tumitingin siya sa gawi ko. Nararamdaman ko ang mga paninitig niya kaya mas lalo akong hindi kumportable sa kinauupuan ko ngayon. Na para bang oras-oras siyang nakamasid sa akin sa hindi ko malaman ang dahilan!
The bell suddenly rang that made everyone excited, it is finally break after those unexplainable discussions from our instructor. Agad kong niligpit ang gamit ko at inilagay sa bag, pagkatayo ko ay halos matumba ako dahil sa hindi masiyadong pagkakaatras ng upuan. Pero mabuti na lang ay nabalanse ko ang katawan ko kaya hindi ako tuluyang natumba.
"Naghihintay sa'yo sa labas ang apo ni Manang." Nabigla ako sa sinabi ulit ni Iyanna at agad na napatingin sa pinto. Natigilan ako nang nandoon nga si Felionan habang nakatalikod sa akin.
"Ako ba talaga hinihintay niyan?" Mahinang bulong ko kay Iyanna nang makitang wala ng tao sa loob ng room, except me and Giordan na ngayo'y nag-aayos na rin ng gamit. His serious expression while clearing his desk define how studious he is when it comes to school. Kahit pasikreto ko lang siyang tinatanaw ay nakikita ko kung paano gumalaw ang mga panga niya habang seryosong inaayos ang mga gamit niya.
When I always think and stare at him, I always feel disheartened. My heart is beating fast, not because I'm still thrilled or a feeling that I am still in cloud nine... but because I'm sad because I fell in love with him once, thinking that he's different from the other men, thinking that he's really a matured person.
"Sino pa bang kakilala niyan dito? At tiyaka, hello? Malayo ang department nila kaya malabong may ibang kakilala 'yan dito. Sigurado akong ikaw ang hinihintay niyan!" Huminga na lang ako ng malalim at kinuha na ng tuluyan ang bag. Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ng mainit na hangin dahil nga sa tanghali na, ang mga estudyante ay nag-uunahan maglakad dahil sa init na taglay ng liwanag galing sa araw ngayon.
"F-Felionan?" Tawag ko sa pangalan nito, humarap siya sa akin na siyang ikinatigil ko dahil sa maaliwalas na ipinapakita nitong itsura. Ngumiti siya ng tipid pero bago pa siya lumapit ay may tumawag na sa pangalan ko.
"Sat!" I turned my head at the guy who approached me, with his familiar cold expressions and inhospitable brown eyes behind those glasses.
"M-Mukhang may pag-uusapan pa kayo, Sir Saturnino. Hintayin ko na lang kayo matapos." Nilingon ko kaagad si Felionan.
"No! Wala kaming pag-uusapan, Felionan. By the way, you're here because?" I asked, disregarding Giordan. I don't care about him anymore, and I can't put my heart again in a risky situation where I can easily forgive him if he'll ask for it.
Napakamot ng batok si Felionan na siyang ikinangiti ko ng sikreto. Nahihiya siya!
"S-Sabi kasi ni Lola na sabayan daw kita kumain, marami kasi siyang pinagluto na tanghalian. Hindi daw kasi uuwi si Mom Seliona sa bahay ninyo." Hindi ko na napigilan kaya ngumiti na ako sa kaniya at tumango. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas para ngumiti sa lalaking hindi ko pa lubos na kilala pero nakakagaan kasi ng puso dahil may puno ng respeto ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Death Curse Escapade [BL]
FantasiMitolohiya Series #2 May mga pangyayari na hindi natin inaasahan na ang akala nating haka-haka lamang, ay katotohanan pala. Na ang akala nating mga sinaunang kuwento lamang, ay siya palang nangyayari talaga sa totoong buhay. ******* Lahat ay nagbag...