Mexico
"Hindi ko alam kung matutuloy ba ako sa bahay, hindi rin naman kasi ako sinabihan na may event pala na dadaluhan." Napalingon ako kay Veralya dahil sa sinabi niya. Uuwi kasi sana siya sa bahay nila pero nang inanunsiyo ng lider namin na may event pala kaming pupuntahan, nagpaalam na lang siya sa mga magulang niya na hindi siya makakauwi. Psh, hindi ko nga rin alam kung bakit may pa-event 'yong isa, alam namang kakatapos lang ng misyon namin!
"Hala, bakit? Nako, miss na miss ka na nina Tita at Tito diba?" Alyara, ang isa sa mga kaibigan kong babae.
Sino ba namang hindi mangungulila sa kalinga ng mga magulang?
Si Veralya Vaughn ay mayaman, kilala ang pamilya nila sa field ng mga wineries. Lahat ng mga alak ay alam nila, lalo na 'tong si Veralya na halos gawin ng tubig ang mga alak. Marami silang kompaniya na nakatayo sa iba't ibang panig ng Asya, mga malalaki at matatayog na mga gusali na pinagpaguran pa ng mga magulang niya. Marami na ring nag-invest sa kanila dahil nga sa paglago ng bawat kompaniya nila sa Pilipinas at sa ibang bansa. Si Alyara Samonte naman ay isa rin sa mga mayayaman na kilala kong babae, may-ari kasi sila ng sikat at kilalang airline dito sa Pilipinas. Tapos may investments and other connections pa sila sa ibang mga airlines sa labas ng bansa.
Ang mga babaeng 'to ay bigatin pero alam kong mukhang hindi sila nagbabase sa pera ng mga magulang nila. May trabaho sila, at malaki ang mga suweldong nakukuha nila kaya hindi sila nahihirapang mabuhay mag-isa.
Ranger Organization's salary rate is high, and that's already given because what we are risking on this work is not just our sweat and blood... but also our lives. We kill if the target is a criminal, drug dealers or other evil doer in our society. Binabayaran kami para patayin ang mga salot dito sa lipunan, at nabibigyan kami ng malaking pera na siyang hinahati-hati namin. Iba rin ang malaking perang natatanggap namin mula sa kompaniya.
Our organization is hidden, and undiscovered. Hindi ito kabilang sa pinatatakbo ng gobyerno dahil ang may-ari nito ay may galit sa kanila. Gano'n rin ako, at halos lahat kaming nagtatrabaho sa organisasyon ay gano'n rin ang nararamdaman.
"Iyon na nga! I also miss them but I can't do anything about it because the event of the R.O. is important! At dapat ang grupo natin ay kumpleto! Baka mapatay tayo ni God kung hindi tayo dadalo!" Veralya hysterically uttered that made Alyara frustratedly sighed.
"Si Ate Seliona lang naman kasi ang pinakikinggan no'n, psh, may gusto kasi." Napailing na lang ako sa sinambit ni Alyara na halata mo talagang inis na inis. Sino ba naman kasi hindi magkakagusto kay Ate Seliona? Sa ganda niyang 'yon at kaseksihan? Magaling pa sa pakikipaglaban at pakikipagbarilan, aba kahit ako nga ay may gusto do'n eh!
"Inggit ka lang eh." Natatawa kong turan kay Alyara, agad niya akong sinamaan ng tingin na siyang mas lalo kong ikinatawa.
Nandito kami ngayon sa Cafeteria ng org, halatang busy ang ibang grupo dahil sa mga assigned mission sa kanila. Habang kami ngayon ay papetiks-petiks lang dahil nga sa kakatapos lang ng misyon namin no'ng nakaraan. Siyempre malaking pera na naman ang natanggap namin! Pero kanina, maraming mga papeles na kailangang tapusin kaya pagod na pagod na kaming nakatambay ngayon.
Sinisimoy ang hangin at dinaramdam ang kalayaan mula sa mga buysit na mga papeles.
"Hindi ako inggit noh! Alam ko naman kasing maganda si Ate Seliona, at tiyaka ang sexy pa!" Ngumisi ako sa sinagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Death Curse Escapade [BL]
FantasyMitolohiya Series #2 May mga pangyayari na hindi natin inaasahan na ang akala nating haka-haka lamang, ay katotohanan pala. Na ang akala nating mga sinaunang kuwento lamang, ay siya palang nangyayari talaga sa totoong buhay. ******* Lahat ay nagbag...