Mexico
Lahat nagkakasiyahan dito sa multipurpose hall ng kompaniya kung saan lahat ng mga grupo sa organisasyon ay nandidito. Hindi ko alam kung bakit pa ako pumunta dito eh alam ko namang mababagot lang ako sa mga ganitong klaseng lugar! Pero ano nga bang magagawa ko? Utos 'to ni Felionan, na lahat dapat ay dadalo kaya wala akong magagawa. Hindi ko talaga alam kung bakit pa namin kailangang pumunta, wala naman sinabing may importanteng iaanunsiyo ang nakakataas!
Buysit!
Ang daming lakad na nahinto dahil lang sa tanginang pagtitipon na 'to! Wala namang ibang gagawin dito kun'di ang pakikipaghalubilo, pakikipagkunyarian at pakikipagsapalaran sa mga insultong tingin na ibinibigay ng mga tao dito.
"Kanina ka pa nakasimangot, Mexico ah? May problema ba? May lakad ka rin ba sana?" Huminga na lang ako ng malalim sa tanong ni Veralya. Nakasuot siya ng kulay itim na fit tube dress hanggang sa tuhod niya kaya kitang-kita ang hubog ng buo niyang katawan. Mas lalo pang nagdepina ang ganda niya dahil sa mga maladiyamanteng kwintas niya at mga hikaw, samahan mo pa ng pilak na kulay ng heels niya.
She's pure Dutch, that's why her beauty is otherworldly and cannot be compared to others' beauty. Her light brown eyes makes her more shine and that pearled skin makes her more stand out inside of the hall even she is just wearing a simple dress and with a simple ponytail on her long natural brown hair.
"Wala naman, alam mo namang ayaw na ayaw ko sa mga ganito diba? Mas maganda pang mag-ensayo kaysa dumalo sa mga ganitong putanginang mga party." Giit kong sagot sa kaniya na siyang ikinailing na lang niya at ikinangiti ng tipid.
Mabuti na lang nag-aral ng tagalog ang isang 'to kaya hindi mahirap para sa kaniya ang intindihin ang mga sinasabi namin sa kaniya. Pero may iilang salita rin siyang hindi maintindihan kaya minamabuti naming i-translate pa sa kaniya.
"Wala tayong magagawa, Mexico, ako nga rin eh. Diba may lakad ako? Magdi-dinner kami ng family ko pero dahil sa party na 'to, hindi ako nakapunta." Turan niya rin na siyang mas lalo ko lang ikinainis.
Hinanap ng mga mata ko si Alyara pero iba ang nakita ko. Ang kanina'y inis ko ay biglang napalitan ng pagkakamangha dahil sa napakagandang itsura ni Ate Seliona! Napakaganda niya sa suot niyang violet cocktail dress, katulad ni Veralya ay wala rin siyang make-up kaya mas lalong nagliwanag ang buo niyang pagkatao dahil sa simpleng ayos lang niya!
"Ang ganda ni Ate Seliona." Rinig kong bulong ni Veralya na siyang ikinatango ko, napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. May kausap siyang isang babae at nagtatawanan, mas lalo pa akong namangha sa ngiti't tawa niya na para bang isa siyang perpektong mamahaling pigura! At ang mahinhin niyang tawa ay parang isang musika na siyang gustong-gusto kong ulit-ulitin pakinggan.
"Hindi ako naniniwala na pinoy lang siya, mukha kasi siyang may lahi."
"Wala siyang lahi, purong pinoy siya. Maganda ka, pero mas maganda si Ate Seliona dahil sa pinoy na pinoy ang ganda niya." Sagot ko kaagad kay Veralya na siyang ikinanguso nito. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
"Huwag kang ngumuso, hindi bagay sa'yo. Mukha kang aso na parang itik, psh, palibhasa kumakapit sa lahi kaya ka gumanda." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko na siyang ikinahagikhik ko na lang. Hinampas niya ako ng malakas sa braso ko pero wala akong naramdamang kahit na anong sakit mula do'n.
Ramdam ko panggigigil niya sa hampas na 'yon ah?
"Ang salbahe mo talagang bakla ka!" Natawa na lang ako dahil sa itinawag niya sa akin. Hindi ako maaasar diyan!
"Biro lang, ano ka ba! Para namang just now ka lang. At tiyaka oo na, maganda ka na." Umirap pa siya sa akin na siyang ikinailing ko na lang.
May napansin akong isang waiter na babae kaya agad kong nilapitan. May bitbit siyang tray kung saan may mga inumin. Kumuha ako ng isa at agad nilagok 'yon na ikinagulat ng babae, natawa na lang ako sa reaksiyon niya kahit ramdam ko ang pait na gumuhit sa lalamunan ko. Naglibot ako nang naglibot, ni hindi ko na nga naisip na magpaalam kay Veralya dahil sa parang dinaramdam pa niya ang sinabi ko sa kaniya. Babaeng 'yon talaga, di na mabiro.
BINABASA MO ANG
Death Curse Escapade [BL]
ФэнтезиMitolohiya Series #2 May mga pangyayari na hindi natin inaasahan na ang akala nating haka-haka lamang, ay katotohanan pala. Na ang akala nating mga sinaunang kuwento lamang, ay siya palang nangyayari talaga sa totoong buhay. ******* Lahat ay nagbag...