Dalawampu't apat

214 15 9
                                    

Saturnino



I was stunned when suddenly they bowed their heads together! I don't know what will I feel seeing these situation in front of me! Lahat sila ay nakayuko sa hindi ko malaman ang dahilan na pati ang lalaking katabi ni Sterro ay takang-taka na rin na nakatingin sa nakikita. Tumingin ako kay Giordan na malamig lang ang ekspresiyon habang tinitignan isa-isa ang mga nilalang.

"Patawarin niyo kami sa aming kahangalan, hindi namin kaagad nakilala ang iyong presensiya bilang anak ng aming Diyos na si Sidapa." Natigilan ako dahil sa sinabi ng Panginoon nila, hanggang sa magliwanag ang mga katawan nila.

Bumalik sa dati ang anyo ng mga tikbalang. Hindi ko alam ang nangyayari pero napagtanto ko na kilala nila si Sidapa, ang ama ko. Kinikilala nila bilang kanilang Diyos ang ama ko.

"Y-You know my father." Sambit ko na lang na agad ikinatango ng Panginoon nila. Lumapit sa gawi ko si Giordan na ngayo'y hindi na nagliliwanag ang mga mata at pansin kong hindi na rin nagliliwanag ang mga kamay ko ng itim na liwanag! Ang panginginit ng mga mata ko ay nawala na rin!

"Hinding-hindi namin makakalimutan ang Diyos na siyang nagbigay sa amin ng tahanan, mahal na anak ng Diyos Sidapa. Siya ang nagbigay sa amin ng kalayaan upang gawin ang gusto namin sa mundong aming kinagagalawan." Mahabang litaniya ng matanda na kasama namin kanina na ngayo'y nakayuko pa rin ang ulo.

"Stand and raise your heads, and face me." I uttered that made all of them nodded in unison. Tumayo sila gaya ng sinabi ko at hinarap ako, kitang-kita sa mga mata nila ang kaba at takot dahil sa nalaman nilang ako nga ay isang anak ni Sidapa.

"Now, tell me about my father." Seryoso ko na ngayong turan, umabante ng kaunti ang kanilang Panginoon habang magkahawak ang kaniyang mga kamay. Ang kanina'y parang maamong demonyo na tikbalang ay ngayo'y parang naging anghel dahil sa mas malambot na nitong eskpresiyon.

"Ang Diyos na si Sidapa ang siyang nagbigay sa amin ng buhay, tirahan at kapangyarihan. Siya rin ang dahilan kung bakit namumuhay kami ngayon ng payapa sa lugar kung saan hindi napapasok ng mga normal na tao. Ang iyong ama ang siyang nagbigay sa amin ng lakas na kaya naming mamuno sa mundong ito kasama ang iba pang mga nilalang." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi ko nagustuhan ang narinig ko mula sa kaniya.

Gusto nilang mamuno sa mundong 'to na alam nilang mas marami ang mga ordinaryong tao ang namumuhay sa malupit na mundong 'to? At anong akala ni Sidapa? Na siya lang ang puwedeng magdesisyon sa kung ano dapat ang mangyari sa mundong ibabaw? Hindi!

Isa siyang tanga na Diyos kung gayon! He doesn't have any idea how people died just to get their freedom! And now he is saying that these creatures has the right to own this world and rule it? Of course, lot of sane Demigods like me will oppose!

"Teka, kasali ba kayo sa organisasyon na siyang nagpapakalat ng mga corrupted souls sa lugar na 'to?" Agad kong tanong, agad ring umiling ang Panginoon nila sa tanong ko.

"Ayaw namin na may kahati, at ayaw rin naming makihalubilo sa mga Demigod na katulad nila na walang ibang ginawa kundi gamitin ang mga lahi namin at ng iba pang mga nilalang para sa kani-kanilang interes. Hindi kami ganoon kasama, anak ni Sidapa. Gusto lang namin magkaroon ng lugar sa mundong nakasanayan na namin na hindi kami katatakutan." Litaniya niya na siyang ikinahinga ko ng malalim. Napalingon ako kay Giordan na malamig lang na nakikinig, napatingin siya sa gawi ko at tinanguan niya ako. Letting myself fed up with truths.

Death Curse Escapade [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon