Angel POV
"Ahhm, ah gu-gusto ki-, Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ng biglang may umimik sa likod ko.
"Umalis kayo sa daan, Nakaharang kayo."
Pag harap ko ay Si Kurt pala.
Bigla akong kinabahan dahil paano kung narinig niya pala ang sinabi ng lalaking ito baka isipin ni Kurt na napaka lalakero ko tapos hindi niya na talaga ako pansinin habang buhay huhu ayaw ko ng ganon.
"Kurt ikaw pala hehe, kanina kapa ba diyan? Kinakabahan kong tanong.
Cold na tingin lang ang ibinigay niya saakin, Aalis na sana siya ng pigilan ko siya sa braso.
"Saglit lang Kurt." Pag pigil ko sa kanya ng hindi inaalis ang kamay ko sa kanyang braso.
"Bitiwan mo ang braso ko." Sabi niya habang nakatingin sa kamay kong naka hawak sa braso niya.
Unti-unti ko naman itong tinanggal dahil sa sama ng tinging ibinibigay niya saakin.
"Narinig mo ba yung sinabi niya." Turo ko sa lalaking nag ngangalang Dave.
Baka kase narinig niya ang sinabi ng lintek na lalaking yun. Pero pag tingin ko sa kaninang puwesto ng lalaking yon ay wala na pala at naka alis na.
Ang walang hiyang yon pinahamak pako. Lagot siya saakin pag nakita ko siya.
Umalis na si Kurt sa harapan ko at dire-diretsong lumabas ng room, but dahil makulit ako ay sinundan ko siya.
"Oy Kurt sandali lang, Ano narinig mo ba? Habol ko sa kanya at hinarangan siya, lalagpas na sana siya nang harangan ko ulit siya.
"Ano narinig mo ba? Ulit ko ulit sa tanong ko sa kanya.Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil sa sobrang kulit ko.
"Wala akong pake kahit marinig ko pa ang sinabi ng lalaking yon sayo, dahil unang una sa lahat ay wala akong pake sayo kahit ano pa ang mga gawin mo."
Ouch sakit naman noon, truth hurts nga talaga.
Wala nga talaga siyang pake saakin dahil sino nga ba naman ako para pag tuonan niya ng pansin diba.
Isa lang naman akong babae na walang ginawa sa loob ng ilang taon kundi ang mag habol at mag papansin sa kanya.
Nanlulumo akong umalis at nilagpasan siya, pero siyempre ngayon lang araw na ito tapos kinabukasan balik na ulit sa dating gawain.
Ano pa nga ba edi ang mag papansin at maghabol ulit sa kanya lagi namang ganito ang gawain ko eh.
Nakarating ako sa bahay ng mabigat ang damdamin dahil sa nangyari kanina.
But ayos lang kase sanay na naman ako na ganoon lagi ang nangyayari. Ang sabihan ako ni Kurt ng masasakit na salita sanay na ako don.
Minsan nga lang pag sobra na ang mga sinasabi niya ay siyempre nasasaktan rin naman ako.
May damdamin rin naman ako, nasasaktan rin ako.
Hindi naman kase ako bato para hindi masaktan.
"Anak nandiyan kana pala, kanina kapa ba? Tanong saakin ni mama.
Nga pala siya ang mama ko si mama Anna.
Siya ang pinaka paborito kong mama sa buong Mundo, Dahil sinusuportahan niya ako sa lahat ng bagay kahit nga ang pagka gusto ko kay Kurt ay suportado rin niya eh.
Pero pinapayuhan rin naman niya ako tulad ng 'anak pag nagka gusto ka sa Isang lalaki ay hindi mo dapat kailangang ibigay lahat ng pag mamahal mo, magtira karin para sa sarili mo dahil pag binigay mo lahat ng pagmamahal mo sa kanya ay mahihirapan kang bumangon pag nagka taong nag hiwalay kayo' mga ganyang payo lang naman ang sinasabi lagi ni mama saakin.
