Chapter 24

103 0 1
                                    

Angel POV

Ng gumaan na ang bigat sa dib-dib ko ay bumalik na'ko kung saan naka pwesto ang tent namin.

Agad na tumakbo palapit saakin ang dalawa kong kaibigan ng makita nila ako.

"Gel. Ayos ka lang ba?"Sinuri ni Coleen ang buo kong katawan ng makalapit sila saakin.

"Huwag ka ngang masyadong OA Coleen." Singhal ni Anne pagkatapos ay sinampal ang braso nito.

"Ouch ang sakit ha. Nagtatanong lang naman ako kasi baka mamaya nag patiwakal na itong si Gel."

Naka ngusong sabi ni Coleen habang hinihimas ang braso kung saan hinampas ni Anne.

"Hindi niya gawain 'yon no. Kung ikaw pa."

"Grabe ka naman saakin, hmmp. dyan kana nga hindi na kita lab si Gel na lang lab ko." Kunwaring nagtatampong sabi ni Coleen.

Habang sa braso ko isinakbit ang mga kamay.

Hindi na pinansin ni Anne si Coleen at saakin naman ibinaling ang atensyon.

"Ano gel ayos ka lang?" Tanong niya.

"Oo, Ayos lang ako." Pag sisinungaling ako.

Siyempre hindi naman kaagad mawawala yung kirot sa puso.

Tyaka kapag naman sinabi kung hindi ako ayos kukulitin lang nila akong dalawa.

"Sure ka?

"Oo, malayo sa bituka pero nasa puso."

Nakuha ko pang mang-asar kahit nasasaktan na.

"Gaga ka." Sabi ni Coleen pagkatapos ay sinampal ang braso ko.

"Ano na tauhan kana ba? Siguro naman sa mga sinabi niyang masasakit na salita sa'yo ay titigilan mona siya."

"Hmmm, Last na talaga 'to. Last na last na talaga. Isang try pa kapag hindi niya talaga ako kayang magustuhan lalayo na'ko." Sinamaan ako ng tingin ni Anne at Coleen ng sabihin ko 'yon.

"Gaga ka, baliw ka. Lahat na sayo na pati ang katangahan sa mundo na sa'yo na. Bahala kana nga dyan pagod na'ko sa'yo." Gigil na sabi ni Anne.

Pagkatapos ay nag walkout.

"Alam mo bes, Angree ako kay Anne. Pero wala akong magagawa kasi na sayo naman yan, e. Puso mo yan kaya wala akong alam dyan. Basta tandaan mo lang na palagi kaming nandito sa tabi mo." Alam kong suko na sila sa pagbibigay ng payo saakin.

Pero wala silang magawa dahil nasa sarili ko na talaga kung kailan ko gustong sumuko.

Naisip ko kasi na mag try pa ng isa pa at kapag hindi talaga ako kayang magustuhan ni Kurt ay titigil na talaga ako.

Isang isa na lang talaga.

Susuko na'ko.






Kendrick POV

"Dude, Bakit mo naman pinag salitaan ng ganon yung tao?" Tanong ko kay Kurt.

Nakatambay kami ngayon sa nakita naming tambayan dito sa bundok.

Naawa ako kay Angel kanina dahil sa mga sinabi ni Kurt.

Pero kilala ko yung kaibigan ko kapag talagang napuno na ito ay hindi nito talaga mapigilan ang bibig.

Sasabihin talaga kung ano ang nasa utak.

"Napupuno na'ko sa kanya, Oo at pinag bigyan ko siya noong birthday niya. Naging mabait ako sa kanya pero hanggang doon lang  'yon. Sinaktan niyang ang girlfriend ko kaya dapat lang sa kanya 'yon." Naiinis na sabi nito.

"Pero paano kung hindi nga niya itinulak si Hannah." Sabat ni Aus habang naglalaro sa kanyang cellphone.

Si Jade naman ay nakikinig lang.

"Ano palagay n'yo saakin mas paniniwalaan ko yung babaeng yon kesa sa girlfriend ko." Sabi nito habang inis na uminom ng tubig.

Saakin lang ha. Mas gusto ko talaga si Angel para kay Kurt.

Hindi naman sa ng ju-judge ako pero hindi ko talaga gusto si Hannah para kay Kurt.

Para kasi siyang nagtatrabaho sa bar kung umasta.

Napaka landi.

Oo inaamin ko mahilig ako sa bababe.

Pero doon lamang ako pumapatol sa walang boyfriend at walang sabit.

Ewan ko lang kay Kurt kung napapansin niya ang girlfriend niya na ganon umasta.

Kasi kaming tatlo nina Aus at jade inis na inis na sa babaeng 'yon.

Kapag kasi hindi nakatingin itong si Kurt ay bigla bigla na lang tumatabi sa isa saaming tatlo.

Nagbibigay ng motibo saaming tatlo.

Siguro kapag sa iba ay ganoon rin ang ginagawa ng babaeng 'yon.

Hindi lang namin masabi kay Kurt kasi ayaw naming masaktan ang kaibigan namin.

Alam naman namin na mahal niya ang babaeng 'yon

Ewan ko lang sa babaeng 'yon kung mahal niya ang kaibigan namin.

Sorry for the typos and wrong grammar.✌🏼

This is new story Please Vote and follow me TYSM❤️







My Snobber CrushWhere stories live. Discover now