Angel POV
Naka upo ako dito sa may malaking batong nakita ko.
Dito ko napiling tumambay, bukod sa malapad ang bato ay may maliit pang ilog na tanaw mula rito sa inuupuan ko.
Pinalipas ko muna ang sakit na nararamdamn ko bago ako bumalik kung saan kami nag tayo ng tent.
Siguro time narin para I let go ko talaga ang nararamdaman ko para kay Kurt.
Pero hindi ko sinasabing fully let go. Siyempre uunti-untiin ko muna kase hindi rin naman madaling mag let go.
Bakit ba naiiyak na naman ako.
Nag muni-muni muna ako dito ng biglang nag flashback saakin ang nangyari noon kung bakit ko nagustuhan si Kurt.
Flashback.
"Hi Angel, May boyfriend kana ba? Tanong saakin ni Bryan ang kaklase ko dati noong elementary.
May kasama siyang dalawang lalaki siguro ay kabarkada niya.
Naglalakad ako papunta sa 7/11 ng maka salubong ko sila.
Kaawas ko lang kaya naisipan kong pumunta muna sa 7/11 at mag palamig muna.
Kaso hindi pa'ko nakakarating ng maka salubong ko nga sina Bryan sa daan.
Nilagpasan ko sila kasi wala akong time na makipag usap sa kanila.
Tyaka kilalang tarantado si Bryan kaya noon pa man ay naiwas na'ko sa kanila.
"Angel, bingi ka ba tinatanong kita diba." Pigil niya saakin.
"Alam mo wala akong time sa mga katulad n'yo. kaya pwede ba umalis ka dyan sa daan at baka masapak kita." Banta ko sa kanya.
Hindi yata natakot ang loko at humarang pa talaga sa daan.
"Matapang kana ngayon a, Ganan mga gusto ko sa babae e, ang matapang." Sabi niya habang nilandas ang mga kamay sa braso ko. .
Yuck, Para siyang addict.
"Ano ba bitawan mo nga ako, Ano bang kailangan mo at ginugulo mo'ko? Inis kong sabi.
Pero deep inside ay natatakot narin kasi wala akong laban sa kanila kapag nag pumiglas ako.
"Ikaw kaya sumama ka saamin." Sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Bastos.
"Bakit naman ako sasama sainyo, Bitawan mo nga ako nasasaktan ako." Nag pumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa braso ko.
Nasasaktan na'ko ha.
"Kapag sinabi niyang bitawan mo, bitawan mo." Napalingon ako kung saan may nagsalita.
At nakita ko ang isang lalaki na naka uniform rin ng katulad ng saakin.
Ibig sabihin same lang kami ng school.
Bakit ngayon ko lang siya nakita.
"At sino ka naman para mangialam dito? Tanong ni Bryan.
"Hindi na mahalaga kung sino ako, Ang mahalaga ay bitiwan mo siya." Sabi ng lalaki.
Ang pogi niya.
"Bakit ko naman gagawin yon."
"Edi mapipilitan akong gawin ito."
Bigla na lamang niyang sinipa si Bryan sa tiyan kaya naalis ang pagkakahawak nito saakin.