Chapter 12

43 0 0
                                    

Angel POV

Ngayong araw na gaganapin ang prom.Maaga pa lang ay natulog na ako kagabi. Hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil sa mama kona mas sobrang excited pa saakin na akala mo naman ay siya ang sasali sa prom. So ito na nga sabi saakin ng mama ko ay kailangan ko daw mag pa beauty rest kaya maaga niya akong pinatulog.

Ready na naman ang gown ko. Sa hair and make up ko naman ay kinausap na ni mama ang kapatid niyang Si tita Ana. Siyempre libre yan ako ang paborito ni tita eh.

It's already 1pm kaya inuumpisahan na ako ni titang ayusan ng buhok. 5pm ay dapat na doon na kami sa venue dahil ang simula ng pinaka prom ay 6pm.

Sa isang hotel pala gaganapin ang aming prom.

Gawin kaya ni Kurt ang sinabi ko sa kanya na kahit ngayong gabi lang ay maging maayos ang pakikitungo niya saakin.

Yan ang nasa isip ko habang minemake-upan ako ni tita.

Tapos na akong ayusan ng buhok at mukha, Pagkatapos ay gown na lang ang aking isusuot at aalis na kami. Ang isusuot ko nga palang long gown ay itim na backless at may hati ang gilid ng hita. (Kayo na bahalang mag imagine kung anong suot niya, hirap mag paliwanag^⁠_⁠^).

"Yan! Perfect ang ganda talaga ng pamangkin ko."

Puri ni tita saakin pagkatapos kong maisuot ang aking gown.

"Siyempre naman tita mana kaya ako sainyo ni mama."

Pambobola ko sa kanya.

"Sus, Ikaw talagang bata ka napaka bolera mo kahit kailan."

Tatawa-tawang sabi ni tita.

"Bakit totoo naman po ah, Sainyo naman pong dalawa talaga ako nagmana." Dagdag kopa.

"Oo na nga lang, Siya sige na bumaba kana at ipakita mo sa mama at papa mo yang kagandahan mo."

Inalalayan ako ni tita pababa ng hagdan. Kita ko si mama at papa na nanonood ng TV.

"Anna,Gelo tingnan n'yo ang anak n'yo napagka gandang bata."

Tawag ni tita kina mama at papa habang papalapit kami sa kanila.

"Aba ay sobrang ganda nga naman ng aming anak. Dalagang dalaga na eh."

Sabi ni papa pagkakita niya saakin.

"Anak siguradong ikaw ang magiging prom queen ngayong gabi."

Si mama naman pinapaasa ako.

"Ma naman huwag mo naman po akong paasahin,Ang dami kayang mas maganda pa kesa saakin."

"Bakit kita paasahin kung totoo naman yung sinasabi ko anak, ang ganda ganda mo kaya ngayon."

So ngayon lang pala ako maganda sa paningin ni mama.

"Ngayon lang ba ako maganda ma? Tanong ko kay mama.

"Siyempre naman anak lagi kang maganda kahit anong ayos mo pa."

Bolera rin talaga itong si mama eh.

"Trueee yan pamangkin ganda mo kaya kahit wala kang ayos."

"Siya tama na yang bolahang yan tara na  at baka malate ka pa." Si papa naman paningit ine-enjoy ko pa yung mga naririnig ko eh.

Saktong five ay dumating na kami sa venue kung saan gaganapin ang prom. Nag paalam na din kaagad  sina mama na uuwi na dahil ihahatid pa nila si tita pauwi.

"Ingat po kayo."Paalala ko sa kanila.

Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob.

Hinanap kaagad ng mga mata ko si Anne at si Coleen dahil kanina ay nag text sila saakin na nadito na daw sila.

My Snobber CrushWhere stories live. Discover now