Chapter 3

112 1 0
                                        

Angel POV

Last period na nang klase at Pagkatapos ay awasan na.

"Okay class we will have a quiz on monday." Pagka sabi ni Prof nag ganon ay sabay sabay nag daingan ang mga kaklase ko.

Kesyo quiz na naman daw, Paano kase ay laging may pa quiz Si Prof Jeric saamin kada lesson niya ng ilan ay ipapa quiz niya saamin.

Para daw tanda pa namin ang mga na lesson at may maisagot kami.

Natapos ang pagtuturo saamin ni Prof Jeric na may hinaing parin ang mga kaklase ko dahil nga sa pa quiz niya.

Pero saakin naman ay wala akong hinaing diyan dahil dadaan pa naman ang sabado't linggo at makakapag review pa ako.

Palabas na ako ng room nang mahagip nang mga mata ko si Kurt na natutulog sa desk niya.

Luminga muna ako sa loob kung may tao pa bang natitira.

Sarap ng tulog ng beybiboy ko ah.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa katabing upuan niya at pagkatapos tinitigan ko ang kanyang mala Anghel na muka.

Anghel pag tulog pero pag gising hysst para kang kakainin dahil sa sama niyang tumingin.

Hahaplusin kona sana ang mukha niya nang biglang nag mulat ang kanyang mga mata.

Ng maalimpungatan na ay biglang sumama ang tingin niya saakin.

"What are you doing  here beside me? Galit na tanong niya. Ito naman nakita lang na nasa tabi niya ako ay galit na agad.

"Ah gigisingin sana kita, Ikaw na lang kase ang natitirang tao dito sa room."Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Hindi ko sinabing gisingin mo ako, Umalis kana." Bali walang sabi niya at inayos ang mga gamit sa desk niya.

"Ito naman nag mamabuting loob lang yung tao eh, Kailan kaya magiging mabuti ang pakikitungo mo saakin? Tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya sasagutin.

Tumayo na siya dala ang kanyang bag at dire diretsong lumabas ng hindi manlang ako pinansin.

Nakita ko sa kanyang desk na naiwan ang kanyang cellphone kaya kinuha ko ito at akmang ihahabol ko sa kanya ng aksidente itong mag bukas at nakita ko ang naka wall paper sa kanyang Cellphone.

Bumagsak ang mundo ko dahil sa naka wall paper sa cellphone.

Isa itong couple na lalake't babae na mag ka holding hands ang mga kamay na wari moy sobrang saya nila dahil pareho silang naka ngiti sa camera.

Si Kurt ang lalaking nasa picture at hawak niya ang kamay ng babae.

Ibig sabihin ay may girlfriend siya, kailan pa? Bakit hindi ko alam? Kung ano-anong mga tanong ang pumasok sa isip ko.

Arghh ang sakit ng puso ko putang*na, Kaya ba hindi niya ako magawang pansinin ay dahil may girlfriend siya.

"Bakit hawak mo ang cellphone ko? Nagulantang ako sa pagkaka tayo dahil sa biglang pag imik ni Kurt sa gilid ko.

"Naiwan mo kase, isasauli ko sana sayo."Sabi ko sabay abot sa kanya ng cellphone niya.

Kaagad naman niya itong kinuha at aalis na sana ng pigilan ko ito.

"Ahm Kurt yung babaeng naka wallpaper sa cellphone mo, Yung ka holding hands mo Girlfriend moba siya? Kinakabahan kong tanong dahil baka girlfriend niya nga ang babaeng nasa cellphone.

Obvious naman diba, Bakit meron bang magkaibigang lalaki at babae na magka holding hands sa isa't isa.

"Mind Your Own Business, Hindi mo dapat pinapakelaman ang cellphone ng iba."Matigas na pagkakasabi niya.

" I'm just asking lang naman."Dahil gusto kong sa mismong bibig niya manggaling na girlfriend niya nga ang babaeng nasa picture.

"Oo Girlfriend ko nga ang babaeng nasa picture, At ngayong alam mona.Titigilan mona ba ang pag pagpapansin mo saakin? Natigilan ako sa tanong niya.

Pero mas lalo akong natigilan sa una niyang sinabi saakin.

Bakit pa ba ako nag tanong eh obvious namang girlfriend niya nga ang babaeng nasa picture.

"Siyempre hindi, Bakit naman kita titigilan. Eh ang asawa nga na aagaw yun pa kayang mag boyfriend at girlfriend pa lamang." Lakas loob kong sabi.

Pero deep inside ay sobrang sakit  na ng puso ko ng malamang may kasintahan na siya.

Sa tagal ko nang nag hahabol at nag pagpapansin sa kanya ay bakit ngayon ko lang nalaman na may girlfriend na siya.

Pero hindi ako susuko itutuloy ko parin itong nararamdaman ko para sa kanya.

Sabihan na nang tanga eh sa anong magagawa ko gusto ko yung tao.

"
Angel please, just stop your feelings for me, dahil kahit ano pang gawin mo hinding hindi kita magugustuhan. Ibaling mona lang sa iba yang nararamdaman mo para saakin dahil hindi ko masusuklian yan."Mahabang lintaya niya. Para sa kanya madali lang sabihin ang tigilan kona siya.

"Hindi ayoko! Damdamin ko ito at itutuloy ko parin itong nararamdaman ko sa'yo kahit ano pang sabihin mo." Medyo malakas kong pagkakasabi

"Ikaw bahala pero ito ang sinasabi ko sa'yo kahit ano pang gawin mo hinding hindi kita magugustuhan."Pagka Sabi niya noon ay umalis na siya sa harap ko.

Napa upo ako sa upuan dahil sa biglang pang hihina nang mga tuhod ko.

Unti-unting nag sibuhos ang mga luhang kanina kopa gustong ilabas dahil sa bawat masasakit na salitang binibitawan ni Kurt.

Ang sakit lang, na kahit anong gawin mo ay hindi talaga mapa sa'yo ang taong gusto mo.

Ito na naman tayo pauwi na naman sa bahay na mabigat ang damdamin. Dahil sa nangyari kanina, Argh pagod na ako para sa araw na ito ang daming nangyari.

Sana biglang mabagok  ang ulo ni Kurt at mag ka amnesia siya tapos ako ang hanapin niya at akalaing girlfriend niya.

Pero parang malabong mangyari yon. Hystt ano ba itong iniisip ko.

This is new story, Please Vote  and Follow me TYSM❤️

My Snobber CrushWhere stories live. Discover now