Angel POV
Maaga pa lamang ay pumasok na ako. Balak ko kase hiramin ang notebook ng kaklase ko at tingnan ang mga ni lectures kahapon.
Hindi pa'ko nakakapasok sa gate ng ma tanaw ko si paa, este Hannah pala. Yung girlfriend ni Kurt.
Tsk, Hindi naman sila bagay ni beybiboy ko.
Ngayon ko na lang ulit nakita si Hannah. Ang last na kita ko sa kanya ay noong birthday ko pa. Sana nga hindi na lang siya pumunta no'ng birthday ko e.
Hindi tuloy ako nakalapit kay Kurt noon. Mukha kase siyang linta. Dikit na dikit ba naman kay Kurt akala mo aagawan.
Malapit na'ko sa direksyon niya ng makita ko rin si kurt na kasama rin pala niya.
Hindi muna ako lumakad at hinintay ko na umalis sila.
Nakakasira naman ng araw, Kung si kurt lang ang nasa daan baka tinabihan kopa e. Kaso may paang kasama slash linta rin kaya hindi ako makalapit.
Mga ilang minuto ay nakita kong umalis na si Kurt. Nakita ko pang hinalkan ni Kurt si Hannah sa noo.
Kung saakin yan ginawa baka kinilig pa'ko.
Si Hannah na lang ang nakita kong nasa pwesto nila kanina ni Kurt kaya lumakad na'ko papasok sa gate.
Padaan na'ko sa tapat niya ng bigla siyang mag salita.
"Kani-kanina lang ang ganda ng umaga ko e. Kaso may nakita akong impaktita kaya 'yon nasira." Akala mo naman maganda ang umaga ko e.
Makita ko pa nga lang siya sa malayo parang ayoko ng lumapit.
Akala niya magpapatalo ako. Hindi pinalaki ang isang ako para apihin lang.
"Dapat kase tinakpan ang mga mata para hindi ako makita." Nasa gilid ko lang siya at hindi ko hinaharap.
"Hoy babae, Ako bang kinakusap mo? Gigil na tanong niya.
Pikon si tanga.
Sino ba sa palagay niya ang kinakausap ko. e dadalawa lang naman kaming nandito.
"Ha! Ako? kinakausap ka? hindi a, Yung paa yung kausap ko o. Tingnan mo pa sa salamin." Makahulugang sabi ko.
Hindi niya naman na gets ang sinabi ko.
Slow ang pota.
"Tanga ka ba? Mukha bang nag sasalita ang paa ha? Ano bang tingin niya sa sarili niya diba nagsasalita siya.
Hyst malelate na'ko sa babaeng to. Kaya nga inagahan ko yung pasok ko para hindi rin ako ma late e,
"Oo, Ka iimik nga lang niya kanina eh. Sabi pa nga niya nasira daw umaga niya kase may nakita siyang impaktita. E siya naman yung mukhang impaktita tapos mukha pang paa." Pagkatapos kong sabihin sa kanya yon ay mabilis akong umalis dahil malelate na talaga ako.
Tingnan mo at sobrang slow hindi parin na gets ang sinabi ko.
Malayo na'ko sa kanya ng bigla siyang sumigaw at inis na inis.
Na gets na niya siguro hahaha.
"Arrg how dare you! Ikaw na babae ka hindi pa tayo tapos." Sigaw niya habang parang kabayong tumatakad.
Ngiting tagumpay naman ako habang papasok.
Akala niya magpapatalo ako sa kanya. Never, Mamatay siya sa inis.
Pumasok ako sa room na may ngiti sa labi.
Ganon pala pakiramdam kapag may naiinis ka.
Hindi pa nagsisimula ang klase ng pumasok ako, Buti naman.
Humiram na'ko ng notes sa kaklase ko. Mabuti na lang mabait sila mag pahiram.
Nakita ko si Kurt na busy sa cellphone niya kaya nilapitan ko.
"Hi Kurt." Bati ko ng maka upo ako sa tabi niya.
Tumingin lang siya saglit saakin pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa cellphone niya.
Sinilip ko naman kung ano ang ginagawa niya sa cellphone niya.
Pagkatingin ko ay ka text niya pala ang girlfriend niya.
Si paa na naman.
Hindi na ba sila nag sawa sa isat-isa, Parang kanina lang mag kasama sila a. Tinuka niya panga si paa sa noo e.
"Anong ginagawa mo? Tanga lang Angel alam mo naman kung anong ginagawa tinatanong mo pa.
Parang wala siyang narinig dahil sa cellphone niya parin naka focus ang tingin niya.
Tsk.
Akala mo naman hangin lang ako dito.
Nandito ako Kurt o, hindi mo ba ako nakikita.
Kumaway ako sa harap ng mukha niya at hindi siya tinigilan hanggat hindi niya ako pinapansin.
Nang mainis siya ay hindi na niya napigilan at hinawakan ang braso ko.
"What's your problem? Can't you see, I'm texting Hannah." Inis na sigaw niya.
Nagulat naman ako dahil sa sigaw niya. Hawak niya parin ang braso ko habang masama ang tingin saakin.
Nagtataka namang nakatingin saamin ang mga kaklase namin.
"S-sorry." Utal kong hingi ng tawad.
Binitawan naman niya kaagad ang braso ko pagkatapos ay lumabas siya ng room.
Ngayon ko lang narinig na sumigaw si Kurt, At parang maiiyak ako dahil ngayon lang niya ako nasigawan.
Hindi parin ako gumagalaw sa kina uupuan ko kanina. Hindi parin kase mag sink in sa utak ko na sinigawan ako ni Kurt.
"Tsk, Hindi parin ba siya magsasawa sa pag papapansin niya kay Kurt."
Tumingin ako sa mga kaklase ko ng marinig kong may nag salita.
"Kawawa naman siya."
"Alam mo gurl kung ako sa kanya titigilan kona si Kurt, Sayang ang ganda niya kung maghahabol lang siya sa taong walang pake sa kanya."
"Malandi rin naman kase alam nang may girlfriend yung tao, Habol parin nang habol."
Hindi lang yan ang mga narinig kong mga salita mula sa kaklase ko. Ang iba ay hindi ko na lang pinakinggan dahil wala naman akong mapapala sa mga ito.
Tumahimik na ang mga kaklase ko sa mga bulong bulongan nila ng dumating ang prof.
Si Kurt naman ay hindi na bumalik mula ng lumabas siya.
Siguro ay inis na inis talaga siya saakin. Akala ko nga ay sasapakin na niya ako kanina dahil sobrang sama ng tingin na ibinigay kanina.
Paiyak na sana ako buti na lang pinigilan ko.
Ayokong makita nila na umiiyak ako. Baka isipin pa nila na mahina ako.
Neknek nila.
This is new story, Please vote and Follow me TYSM❤️
