Chapter 16

115 0 0
                                        

Jade POV

Nang maihatid kona si Angel sa kanila ay umalis na kaagad ako dahil susunod pa'ko kina Aus sa condo niya. Napag usapan kasi namin na mag iinuman ngayon.

Siguro ay nagtataka kayo kung bakit hindi ko masyadong kinakausap si Angel.

Hindi sa ayaw ko sa kanya kaya hindi ko siya masayadong kinakausap. Kundi naiilang ako,Oo naiilang ako dahil may gusto ako sa kanya.

Hindi naman totally na sobrang gusto ko siya. Nacu-cutan lang ako sa kanya.

Yun lang at hindi kona balak pang lalaliman ang nararamdaman kong pagka gusto ko sa kanya dahil alam ko namang ang kaibigan ko ang gusto niya.

Nakarating ako sa condo ni Aus at rinig na rinig kona kaagad ang tawanan nila pagka pasok ko.

"Par, Join kana." Yaya saakin ni Kendrick.

Umupo ako sa tabi ni Kurt at kumuha kaagad ng isang beer.

"Naihatid moba nang maayos si Angel? Tanong ni Aus pagka lagok niya ng beer na iniinom niya.

Bigla namang nag angat ng tingin si Kurt saamin. Siguro ay nagtataka kung bakit inihatid ko si Angel.

"Why? Tanong niya.

Anong bakit ang sinasabi ng lalaking ito.

"Ah, Nakita kase namin si Angel sa mall. Naka kwentuhan lang namin siya pagkatapos ay inaya namin sa restaurant nina Kendrick, Inilibre narin. Pagkatapos ay ipinahatid kona kay jade." Alam siguro ni Aus ang tinatanong ni kurt kaya siya na ang nag paliwanag.

Bumalik ang atensyon niya sa beer na hawak niya.

Bakit ganyan reaksyon niya. Alam ko naman na wala siyang gusto kay Angel dahil may girlfriend na siya.

Pero bakit siya nagtataka kung bakit ko inihatid si Angel.

Tsk.

Naisip ko lang ano kayang pakikitungo ang ginagawa nito kay Angel sa room nila.

Hindi pala namin kaklase si Kurt. Kasama ko yung dalawa nag TVL kaming tatlo habang siya ay nag ABM.

Business ang hilig niya tyaka in the future siya ang mag mamanage ng company nila.

May company rin naman kami pero mas gusto ko talaga maging engineer.

Yung dalawa naman, Ewan ko sa kanila trip trip lang yata nila ang mag-aral.


Angel POV

Naka patong ang ulo ko sa table at hindi pinansin ang mga kaklase kong nagsisipasok.

Ramdam ko ang init ng hulab ko. Kanina ko pang umaga nararamdaman na mainit ako.

Pero pumasok parin ako dahil may long quiz kami ngayon at si Prof. Velasco ang may pa quiz. Na  ubod naman ng siwasiw kaya siguro hindi na nagka asawa.

Sa kanya lang hindi umaabsent ang mga kaklase ko. Kaya kahit biyernes na ay marami parin kaming pumapasok.

Katatapos lamang ng long quiz namin kay Prof. Velasco.

Ibinalik kona lang ulit sa pag ub-ob ang ulo ko dahil ramdam ko parin na mainit ako.

"Ms. Hermoza, What's with you at bakit ka naka ub-ob." Naalimpungatan ako ng biglang tawagin ako ng next prof namin.

Nakatulog pala ako kaya hindi ko alam na nakapasok na pala si prof.

"Wala po, Inaantok lang po ako." Matamlay kong sabi.

Umayos ako ng upo ng mag simula na siya ng klase.

Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko ay nakinig parin ako sa pagtuturo ni prof Shane.

My Snobber CrushWhere stories live. Discover now