Angel POV
Good morning world!
Friday ngayon at last day narin ng pasok namin ngayon.
"Good morning Ma, Pa." Bati ko kina mama at papa.
"Good morning nak, Breakfast ka muna." Alok saakin ni mama. Si papa ay busy sa magazine na hawak niya.
Umupo na'ko at nag breakfast. Maaga pa naman kaya okay lang na kumain muna ako.
Pagkatapos kung kumain ay nag paalam na'ko kina mama na aalis na.
"Ma, Pa pasok napo ako." Paalam ko sa kanila.
"Ingat ka." Bilin nila saakin.
Hindi pa'ko nakakapasok sa room ay na tanaw kona ang una naming sub. teacher. Na nakikipag chismissan pa sa isang prof.
Kahit kailan talaga chismoso yang si prof. Dan e. Kaya hindi na'ko magtataka kung bakit madalas late yan. Kalalaking tao napaka chismoso.
Pumasok na lang ako sa room at hindi na tiningnan pa Si prof.
Hindi pa'ko nakakaupo sa desk ko ay hinanap na kaagad ng mga mata ko si Kurt.
At 'yon siya naka patong ang ulo sa desk tulog yata.
Hindi ko na lang siya ginulo. Baka mamaya magalit na naman siya saakin.
Tyaka na lang kapag nasa mood na ang bebe loves ko.
"Good morning class." Bati ni prof Dan.
Kung tatanungin nyo kung ilang minutes na yang late. Aba ay nasa kinse minuto, ganyan siya katindi chumismiss.
Kaya naman yung mga kaklase ko dito tuwang tuwa rin dahil na v-vacant kami ng kalhating minuto.
Thirty minutes lang kase kada isang sub. Kaya ayun tuwang tuwa sila kapag si prof. Dan ang teacher.
At kung itatatanong n'yo naman saakin kung isa ako sa mga natutuwa? Abay oo siyempre.
Sino ba namang studyante ang hindi matutuwa.
"May announcement ako sainyo."
Alam ko na kung saan niya nasagap ang announcement niyang 'yan. Doon siguro sa kausap niya kanina.
Tumahimik naman ang mga kaklase ko at nakinig sa sasabihin ni prof.
Tiningnan ko naman si kurt na ngayon ay gising narin at nakikinig kay prof.
Ngumiti ako at kumindat sa kanya ng magawi ang tingin niya saakin.
Ganon parin naman ang tingin niya at hindi nag bago ang expression ng mukha.
Yung parang yelo kung makatingin 'cold ba cold.
"This coming Monday daw ay may camping kayo, Three days ito kaya I ready n'yo yung mga need dalhin. Sa first aid kit ay school na ang bahala doon. Sa food naman ay hindi n'yo na rin need magdala dahil school narin ang bahala don, Pero kung gusto n'yo namang magdala ay pede naman." Naalis ang tingin ko kay kurt ng mag salita si prof. Sa unahan.
"Saan po ba prof.? Tanong ng isa kong kaklase na hindi maitago ang excitement sa mukha dahil sa narinig.
"I heard na sa mountain daw, Because mag t-tree planting daw kayo. And may iba pang activities na ipagagawa sainyo."
May narinig akong nag reklamo sa mga kaklase ko.
Bakit daw sa bundok pa e, marami naman daw ibang lugar na pwedeng pag campingan.
Marami pa'kong narinig na nag rekalmo.
Saakin naman ay ayos lang yon. Dahil hindi ka lang basta mag eenjoy doon makakatulong kapa sa nature.
Ewan ko sa kanila mga ang a-arte.
"Kami lang po ba o may iba pang grade level na kasama?
Ako na nag tanong nawalan na kase sila ng interest mag tanong dahil lang sa narinig nila na bundok ang pupuntahan.
"Nope kayo lang na buong grade 12." So kasama rin yung ibang grade 12.
Ayos hindi ako mabobored dahil kasama sina Anne at Coleen.
Natapos ang buong mag hapong klase.
Hindi ko muna kinulit si kurt ngayong araw dahil baka badtrip pa siya saakin.
"Kasama ba kayo sa camping? Tanong ko sa dalawa.
"Oo."Sagot ni Anne.
"Ikaw Coleen sasama ka ba?
Tanong ko kay Coleen dahil hindi siya sumagot ng nag tanong ako.
"Hindi ko pa sure e, Papaalam pa kase ako kina mommy." Alanganin niyang sagot.
"But, I'll text you both kapag pinayagan nila akong sumama."
"Ikaw ba sasama ka? Sabihin mong hindi sasampalin kita." Banta saakin ni Anne.
"Siyempre sasama ako kapag-
"Kapag ano? Dalian mo pabitin kapa."
"Kapag kasama si kurt at kapag pinayagan ako nila mama."
"Talagang baliw kana kay Kurt 'no."
Kasabay ko silang dalawa ngayon pauwi.
Ayos at makakalibre rin ako ng pamasahe ngayon.
Kinakaon kase si Coleen ng driver nila. Kaya ngayong kasabay ko sila ay makakalibre ako sa pamasahe.
Hindi ko pala nasabi sainyo na mayaman sina Coleen.
Ang daddy niya ay may ari ng isang kumpanya at ang mommy naman niya ay isang doctor.
Si Anne naman ay may kaya rin. Ang papa niya ay may restaurant habang ang mama naman niya ay manager ng isang hotel.
May kaya rin naman kami, Si papa ay manager ng isang restaurant. Habang si mama naman ay may ari ng maliit lang na bakery shop.
"Bye mga friends." Paalam ko sa dalawa kong kaibigan.
"Bye."
Nauna akong naihatid dahil mas malapit ang bahay ko kesa sa bahay nila.
"Ma!
Tawag ko kay mama pagka pasok ko sa bahay.
"Bakit anong nangyari at sumisigaw ka."
Nakita ko si mama na dali daling lumabas ng kusina at may hawak pang takip ng kaldero.
Hindi ko pala nasabi sainyo may pagka OA din 'yan minsan.
"Mama naman, tumawag lang may nangyari na agad."
"Bakit ka ba kase sumisigaw? Tanong niya.
"Mag papaalam po sana ako sainyo ni papa. Na kung pwede po akong sumama sa pagcacamping sa darating na lunes."
"Kung ganon ay sa papa mo ka mag paalam. Dahil kung saakin naman ay payag ako. Ewan ko lang sa papa mo kung papayag siya."
Kay papa talaga lagi ako nahihirapan magpaalam kapag may pupuntahan ako.
Sobrang strict niya kase.
Naalala ko pa nga noon nung umiyak ako dahil lang sa hindi niya ako pinayagan.
May swimming dapat kaming tatlo nina Anne noon. Kaso hindi natuloy dahil hindi niya ako pinayagan.
Kaya sana naman ngayon pumayag na si papa.
Hindi naman pag gagala lang ang gagawin ko do'n kundi tutulong din ako ako pag tatanim ng mga puno.
Tutulungan ko si mother nature na padamihin ang puno niya.
This is new story, Please Vote and Follow me TYSM❤️
