Chapter 10

60 0 0
                                    

Angel POV

"Aray." Daing ko dahil napa upo ako sa semento sa lakas nang pagkakabangga ko sa kasalubong ko. Lalaki pala kaya ang lakas nang impact nang pagkaka-upo ko sa semento. Parang gusto kong dagdagan ang iyak ko dahil sa sobrang sakit ng pang-upo ko. Sakit na nga nang puso ko ang sakit pa nang pang- upo ko. Kainamang buhay to napaka malas ko talaga.

"Sorry miss, Nasaktan ka ba? Anas nang kung sino mang lalaking naka bangga saakin.

Ay hindi po ako nasaktan ang sarap nga eh, Gusto mo try ko sa'yo. Anas ko sa sarili ko.

"Okay lang ako." Tatayo na sana ako ngunit bigla ulit akong napa upo dahil sa sakit ng pang upo ko. Shitt napaka malas ko naman.

"Tulungan na kita miss." Tinulungan niya akong tumayo gamit ang mga kamay niya, Alangan namang paa diba.

"S-salamat." Maluha luhang sabi ko sa lalaking naka bangga ko.

"Miss nasaktan kaba, Bakit ka umiiyak? Tanong ulit nang lalaki. Animoy parang matatae dahil sa expression nang kanyang mukha. Hindi kase siya mapakali habang nakatingin saakin dahil nga sa umiiyak ako.

"Hindi okay lang talaga ako, Hindi dahil sa pagkakabangga mo saakin kung bakit ako umiiyak." Agad namang naluwagan ang mukha niya ang kaninang mukhang matatae ay bumalik sa dating mukha. HAHAHA. Sarap niyang pag tawanan ibang iba kase yung mukha niya kanina.

"Sigurado ka miss? Tumango na lamang ako sa tanong niya. Inabutan niya naman ako nang panyo para daw pamunas nang luha ko.

Ipinunas ko ito sa mga luha ko. Unti- unti nang tumigil ang aking pag iyak dahil nakakahiya sa lalaking kaharap ko.

"Salamat ulit." Pasalamat ko. Nang tumigil na ako sa pag iyak.

"Nga pala miss ako nga pala si Samuel." Pakilala niya saakin.

"Ahm ako naman si Angel." Pakilala ko din, Para namang kaseng ang sama pag siya lang ang nag pakilala siyempre dapat ako rin.

"Sorry ulit ha, Bakit ka nga pala umiiyak kanina." Pagkasabi niya noon ay naalala ko na naman ang mga nakita ko kanina sa School. Unti-unti ay parang maiiyak na naman ako dahil sa nakita ko kanina. Nanunubig na ang mga mata ko nang pag tingin ko kay Sam ay hindi na naman siya mapakali.

"Hoy Angel sorry, sorry shh tahan na,Sorry talaga. Sige huwag mo ng sabihin kung bakit ka umiiyak basta tumahan kana." Hindi mapakaling pag papa tahan niya saakin.

"Sige,Ganito na lang libre na lang kita nang ice cream bayad ko sa pag papaiyak ko sa'yo." Bigla namang lumiwanag ang mukha ko dahil sa narinig ko. Kahit hindi naman niya kasalanan ang pag iyak ko sige tatanggapin ko siyempre ice cream na yan eh tatanggi pa ba ako.

"Talaga? Tuwang sabi ko. Baka mamaya jino-joke time lang pala niya ako.

"Oo, Alam mo Angel ang cute mo pag naka ngiti ka. Huwag ka ng iiyak ha." Sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.

"Sus, Bolero. Halika libre mo na lang ako ng ice cream." Pag-aya ko sa kanya. Hindi na kase ako makapag antay na kumain nang ice cream lalo na't libre.

"Oo na, Pero totoo Angel ang cute mo pag naka ngiti ka." Ulit pa niya habang sabay kaming naglalakad.

"Oo na napaka bolero mo naman,Ilang babae na kaya ang na bola mo no." Pang aasar ko sa kanya.

"Hindi naman kase bola yung sinasabi ko sa'yo. Totoo yun." Hyst maniniwala na nga lang ako sa sinasabi niya baka mamaya mag bago pa isip niya at hindi ako ilibre nang ice cream.

"Oo na, Hindi na bola. Baka kase hindi mo pa ako ilibre nang icream pag kumontra pa ako." Ngiti kong sabi sa kanya.

Kumuha ako nang tatlong ice cream dahil sabi niya ay kumuha lang daw ako kung ilan ang gusto ko kaya ayan tatlo ang kinuha ko.

"Uy thank you sa libre ha."Pag pasasalamat ko habang kumakain nang ice cream na libre niya.

"Ano ka ba wala yun, Sorry ulit ha."Hingging tawad niya.

"So magkaibigan na tayo? Tanong niya. Wala namang masama kung kaibiganin ko siya diba, Mabait naman siya.

Porket na ilibre ka lang nang ice cream Angel tingin mo mabait na.

Sa tingin ko kase mabait naman talaga siya. Nakikita ko naman kase sa mga ikinikilos niya na mabait talaga siya.

"Sige ba, Basta ba ilibre mo ulit ako ng ice cream eh." Pag payag ko bilang kaibigan niya.

"Sure, Friends? Abot niya nang kamay niya saakin upang makipag shake hands.

"Friends." Habang nakikipag shake hands sa kanya.

Naglalakad na kami pauwi. Sabi niya kase ay sasabayan daw niya ako paglalakad kaya ito kami sabay na naglalakad.

"Thank you sa'yo ha gumaan ang pakiramdam ko, Thank you din sa pa ice cream mo." Pasasalamat ko ulit sa kanya. Dahil kase sa kanya ay gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko.

"Ano ka ba kanina kapa nag tha-thank you, Sige pag umulit ka pa ng thank you mong yan hindi na kita ililibre sa susunod." Sabi niya saakin kaya bigla namang bumusangot ang mukha ko.

"Oo na hindi na."

Nakarating na kami ni Sam sa bahay. Gusto ko pa sana siyang papasukin sa loob kaso sabi niya ay kailangan niya na daw umalis dahil may gagawin pa siya.

"Sam thank- Pag papasalamat ko kaso bigla niya akong pinigilan.

"Sige ituloy mo yan hindi na kita ililibre ulit." Sabi niya habang nakalagay ang kanyang hintuturo sa bibig ko.

"Oo na nga, Ingat ka pauwi ha." Pagkasabi ko noon ay umalis na siya. At eto ako papasok na sa loob nang bahay. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat nang loob ko.

Pagka pasok ko sa loob naalala ko na naman ang mga nakita ko sa school kanina bigla na naman kumirot ang puso ko akala ko ay nakalimutan kona yun lang pala ang akala ko. Ang sakit sa puso na makita mo yung taong gusto mo na may kahalikan. Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa na wari moy inabangan talaga ako. Nakatingin siya saakin ngayon at nakangiti ano kayang nginingiti ni mama at bakit ganyan siya makatingin saakin.

"Kita ko yun anak, Sino yun ha? Bigla namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni mama saakin. At sino yung tinutukoy niya, bigla namang pumasok sa isip ko si Sam baka siya yung tinutukoy ni mama.

"Ano ka ba ma, kaibigan ko yun Si Sam." Pakilala ko kay mama.

"Sus kaibigan o kai-bigan? At bakit ngayon ko lang siya nakita ha? Dag-dag na tanong pa niya.

"Ano ba yang nasa isip mo ma kaibigan ko lang ho siya." Paliwanag ko kay mama.

"Weh? Taas kilay ni mama saakin na parang hindi naniniwala sa sinabi kong kaibigan ko lang si Sam.

"Opo nga po ma, Kaibigan ko lang yon." Paliwanag ko ulit. Pero parang hindi parin siya naniniwala.

"Ma naman, Alam mo naman na si Kurt lang yung gusto ko diba." Sa sinabi kong yun ay parang naniwala na si mama saakin.

"Ano ka ba anak inaasar lang kita no, Nga pala kailan mo pa naging kaibigan yon." Tukoy ni mama kay Sam.

"Kanina lang po ma." Nagulat naman si mama sa sinabi ko.

"Ano kaina lang, parang ang bilis mo naman yatang naging kaibigan yon. May ginawa ba siya sa'yo? Sinaktan kaba niya? Binalack mail ka ba niya ano? Mahabang tanong ni mama saakin. Ang OA naman nitong mama ko.

"Wala po siyang ginawa saakin ma, hindi niya ako sinaktan at lalong hindi niya ako blinack mail. Ganito kase yun ma."

Kinuwento ko kay mama ang lahat nang nangyari kanina. Mula sa nakita ko kanina sa school at sa pagiging magkaibigan namin ni Sam. Hindi naman siya makapaniwala dahil ang bilis ko daw nailibre lang daw ako nang ice cream ay kinaibigan kona kaagad. Sinabi ko naman sa kanya na mabait naman yung tao.

"Basta anak mag iingat ka parin ha, kakikilala mo pa lang sa kanya baka mamaya kung anong gawin niya sa'yo." Tumango na lamang ako sa ka OA yan nang mama ko. Siyempre over protective yan saakin dahil nag iisa nga lang naman akong anak.

"Opo ma, Sige po ma taas na po muna ako. Pasabi po kay papa na nandito napo ako." Sabi ko kay mama at umakyat na sa kawarto ko.

This is new story, Please Vote and Follow me TYSM❤️

My Snobber CrushWhere stories live. Discover now