Angel POV
Pagka sabi ko noon ay bigla namang umimik na ang mc hudyat na magsisimula na ang aming cotillion.
Kanya kanya ng nag tayuan ang aking mga kaklase at ang iba pang mga kasali kaya tumayo narin ako. Habang patayo ako ay lumapit saakin si Kurt at inalalayan ako patayo.
Waaahhh ang bilis ng tibok ng puso ko.
Inalalayan ako ni Kurt hanggang sa makarating kami sa pwesto namin. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at ipinuwesto niya naman sa bewang ko ang mga kamay niya.
Habang nag sasayaw kami ni Kurt ay hindi ko talaga mapigilang hindi mapatitig sa mukha niya. Paano ko pipigilan ang sarili kong gustuhin siya kung sa bawat nakikita at napapalapit ako sa kanya ay laging bumibilis ang tibok ng puso ko.
Jusko lord wag mona sanang tapusin pa itong gabing ito.
Pero biglang pumasok sa isip ko na ngayong gabing ito lang nga pala mabait si Kurt. Sa susunod na mga araw ay baka bumalik na ulit siya sa dati niyang pagtrato saakin.
Sana ganito na lang lagi siya. At wag ng bumalik sa dati ang pagtrato niya saakin.
"Ayos ka lang ba kanina ka pa tahimik." Puna ni Kurt.
"Ha? Ah oo naman hehe." Pilit ngiting sabi ko.
Kurt James POV
Habang nag sasayaw kami ni Angel ay napansin kong sobrang tahimik niya.
"Ayos ka lang ba kanina ka pa tahimik." Puna ko sa kanya.
"Ha? Ah oo naman hehe."
Kanina ko pang napapansin na nakatitig siya saakin. At kanina parin akong naiilang dahil sa titig niya.
Ibinibigay ko lang sa kanya ngayong gabi kung ano ang hiniling niya saakin. At pagkatapos ngayong gabi ay balik sa dati na ulit ang pakikitungo ko sa kanya dahil kay Hannah lamang dapat ang atensyon ko.
Hindi ko rin mapigilang mapatingin sa mukha niya. Maganda naman talaga siya. Ewan ko ba sa babaeng ito at ako pa ang nagustohan. Sigurado namang madami rin sa kanyang nagkakagusto.
Natapos cotillion na tahimik lang kami pareho at habang pabalik kami sa table namin ay nakaalalay parin ako sa kanya.Nakita ko rin na nasa table na namin ang mga kaibigan namin.
Ipinaghila ko si Angel ng upuan niya at painaupo ito.
"Thank you."
"Kamusta naman ang pagsasayaw niyong dalawa."
Tanong ni Kendrick pagkaupo ko sa tabi niya.
"Ayos lang naman."
"Anong nangyari at bigla kang naging ganyan kabait sa kanya? Dagdag pa nito.
"Wala kana don." Asar na sabi ko sa kanya.
"Tss."
Angel POV
Todo asikaso Si Kurt saakin at siya narin ang kumuha ng pagkain ko dahil siya na ang nag prisinta na siya na daw ang kukuha. Siyempre ako naman dito sa isang tabi na kinikilig dahil sa ginagawa niya haha. Hindi ko na muna iintindihin ang mga susunod na araw. Bastat ieenjoy kona muna itong gabing ito.
Nakita ko siyang paparating na habang dala-dala ang pagkain namin.
Pagka lapag niya ng pagkain ay kumuha naman siya ng tubig.
"Thank you."
"Wow sweet naman." Pang aasar ni Aus
"Sana all, may taga kuha ng pagkain."
Isa pa tong Coleen na ito. Lakas mang asar.
"Sabihin mo lang kapag may gusto ka pa ha."
Waaahh kinikilig ako, Pag ako talaga hindi nakapag pigil iuuwi ko talaga tong lalaking ito sanasabi ko sainyo.
"Sige hehe." Kiming sabi ko.
Pang aasar ni Kendrick.
"Fuck you ka." Sabi ni Kurt habang naka middle finger kay Kendrick.
"Damot."
Pagkatapos ng kainan ay sayawan na. Sina Anne at ang iba ay nadoon na sa gitna at nakikipag sayawan. Habang ako eto nakaupo parin dahil medyo sumasakit ang tiyan ko sa dami kong nakain kanina. Inubos ko kase lahat ng pagkaing ikinuha ni Kurt saakin.Aba ay lubos lubosin na baka hindi na ulit mangyari yon.
"Kurt cr lang ako ha."
Pag papaalam ko dahil hindi kona talaga kayang tiisin ang tiyan ko at sobrang sakit na.
"Sige, Gusto mo samahan kita? Tanong niya.
"Wag na hehe, Kaya ko
naman "Pagkatapos kong mag cr ay nag ayos muna ako ng mukha bago ako lumabas.
Nakita ko si Kurt na sumasayaw narin sa gitna. Pero dahil ayaw kong sumayaw ay bumalik na lamang ako saaking upuan. Dahil talaga namang ang sakit pa ng tiyan ko.
"Ange tara sayaw tayo." Yaya saakin ni Anne.
"Kaya n'yo na yan, Ang sakit talaga ng tiyan ko eh."
"Ano ba yan kj mo naman."
Umalis na siya dahil alam niya na kapag sinabi kong ayaw ko ay hindi niya na ako mapipilit.
Ng maging sweet dance na ang tugtog ay lumapit saakin si Kurt at inaya niya akong mag sayaw.
"May I have this dance." Sabay lahad ng kamay niya saakin.
"Sure."
Siyempre aayaw pa ba naman ako kung si Kurt na ang nag yaya saakin. I-iisang tabi kona muna ang sakit ng tiyan ko at lulubosin itong gabing to.
"Akala ko ba ayaw mong mag sayaw, Kase masakit ang tiyan mo."
"Kanina yon, pero hindi na masakit ngayon."
Ngingiti-ngiti si Anne habang nakatingin saamin ni Kurt.
"Maiwan kona kayong dalawa dyan ha, Enjoy your night." Sabi ni Anne pagkatapos ay umalis na.
Habang nag sasayaw kami ay nakatitig lamang ako sa kanya.
"Stop staring at me."
"B-bakit ayaw mo ba? Nahihiya kong tanong.
"Naiilang kase ako."
"S-sorry hehe."
"It's okay, just stop staring at me."
"Sige."
Sa iba ko na lamang ibinaling ang tingin ko. Pero minsan ay hindi ko parin mapigilan ang mapatingin sa kanya.
"Pagod kana ba?
"Hindi pa naman."
"Sabihin mo lang pag gusto mo ng maupo ha."
Ang gentleman naman ng lalaking ito sana palagi na lang siya ganito saakin.
"Ikaw baka pagod kana?
Balik tanong ko sa kanya. kase baka mamaya pagod na pala siya. Tapos inaantay lang talaga niya akong maupo. Nakakaawa naman kase siya. Kahit na ngayong gabi lang ito mangyayari ay ayoko parin naman na mapagod siya sa kasasayaw ng dahil saakin.
"A little bit, pero kung gusto mo pang mag sayaw ay okay lang saakin."
Kahit ayaw ko pang maupo ay niyaya kona siya. Nakakahiya naman kase sa kanya.
"Tara na umupo pagod narin kase ako eh." Pagyaya ko sa kanya.
"Sige, kung yan ang gusto mo."
Inalalayan niya ulit ako pabalik sa table namin. At habang pabalik kami ay hindi ko inaasahan ang nangyari dahil bigla na lamang akong natapilok at_______
This is new story, Please vote and Follow me TYSM❤️
